(Isang awit ni Rene Calalang)
Ni Rene Calalang
Scarborough-ON-Canada and Malolos-Bulacan
January 22, 2020
BALIK SA CANADA
(89)
At akoy’y bumalik doon sa Canada
Sapagkat ito ay tahanan ko na
Ako’y may trabaho na babalikan pa
Saka naghihintay ang aking pamilya.
(90)
Nakita ko na sa paliparan pa lang
Mga kaibaha’t, mga kakulangan
Ng mga tanawi’t mga kasangkapan
Ng bayang nag-ampo’t bayang sinilangan.
(91)
At doon sa “Custom” ako ay pumila
Kanilang tinanong kung ako’y may dala
At saka kung mayroon na idedeklara
Ako ay umiling, nagwika ng “WALA.”
(92)
Datapwa ay ako ay nagsinungaling
Sapagkat dala ko ay dahon ng saging
Mayroon ding mangga at saka balimbing
At saka bibingka na gawa sa kanin.
(93)
Subalit ang bantay hindi naniwala
‘Pagkat namumutla itong aking mukha.
Ang sabi sa aki’y “Pakibuksan mo nga
Hahalughugin ko, iyong mga dala.”
(94)
Kaniyang nakita ang mga dala ko
Kaniyang tinanong, “Mga ano ito?”
Kamay ko’y kuminig, saka aking braso
At saka natuyo ang lalamunan ko.
(95)
Alam ko na bawal ang magdala nito
Sapagkat baka mayroong insekto
Ngunit ang totoo, ako’y Pilipino
Sa bagay na bawal, matigas ang ulo.
(96)
“Hindi mo ba alam na ang ginawa mo?
Ay labag sa batas na saligan dito
Ang ating daigdig kaya gumugulo
Kung ano ang bawal, ginagawa ninyo.”
(97)
“Magmumulta ka! Iyan ang parusa
Limang daang dolyar ay bayaran mo na
Kapagka ito ay inulit mo pa
Doon sa piitan ay pupulutin ka.”
(98)
Ang gusto ko sana sa ati’y ganito
Mahigpit ang bantay at saka istrikto
Walang palakasan, kahit ka na sino
Walang namamasko sa buwan ng Mayo.
(99)
At ako’y lumabas, puso ay masaya
Kahit na ako’y nagmulta ng pera
‘Di ko iniisip ang naging parusa
Walang ring bagabag at walang pangamba.
(100)
At ako’y dumating sa aming tahanan
Agad sinalubong ng aking maybahay
Aking inspirasyo’t kapilas ng buhay
Kasama sa dusa, hanggang kamatayan.
(101)
At ako’y pumasok sa ‘ming kabahayan
Kung baga sa hari’y aking kaharian
Pinaghirapan ko at pinagpawisan
At tatlumpung taong aming binayaran.
(102)
Masaya ang aking diwa’t kalooban
‘Pagkat kapiling na, mga minamahal
Mga nakita kong mga kabiguan
Malilimot ko rin pagdating ng araw.
(103)
Pilit mang limutin, mga nakita ko
Kusang dumarating, ala-ala nito
Gabing malalamig at pag-iisa ko
Kahit kasayaha’y gulo ang isip ko.
(104)
Ngunit hindi ko na kayang ipaglihim
Mga nakita kong dusa at panimdim
Pilit ko mang ikubli at hindi isipin
Mga ala-ala’y biglang dumarating.
(105)
Madalas sa aking mga pag-iisa
Maraming sandaling ako’y nakatanga
Aking iniisip , itong si Maria
At maraming iba na katulad niya.
(106)
Nguni’t isang araw ako ay nakita
Ng aking asawang kay bait, kay ganda
Sinabi sa akin, “Hoy! Ano ka ba?
Tingin ko sa iyo’y namamatanda ka.”
(107)
At siya’y marahang lumapit sa akin
Sa pakiramdam ko’y nakahalata rin
Na ‘ko’y ginugulo niring suliranin
At ako’y mayroong sugat sa damdamin.
(108)
Ako ay niyugyog at siya’y nagwika
“Ano’ng nangyayari’t mukhang balisa ka?
Tingin ko sa iyo, ay may suliranin ka
Sapagkat madalas, nakatunganga ka.”
(109)
Sa unang sandali’y di ako kumibo
Iniisip niya’y aking tinatanto
Baka kung sabihin ko, ang mga totoo
Ako ay magwakas na ‘sang dibors’yado.
(110)
Mga mata nami’y nagtama ng tingin
Aking inaarok, kaniyang damdamin
Mga kamay niya ay aking pinisil
At aking sinabi, aking nililihim.
(111)
At aking binanggit, aking nasaksihan
Sinabi sa kanya, “Kaawa-awa naman
Puwede ba natin, na siya’y tulungan
Kahit lumang gamit, ay ating padalhan.”
(112)
Siya ay tumayo, saka namayawang
“Ano’ng ginagawa mo sa ganoong lugar?
Akala ko pa naman, ikaw ay huwaran
Sa bagay na iya’y walang kamuwangan?”
(113)
“Ngunit aking mahal,” ang sagot ko naman
“Ako ay lalaki at isang nilalang
Ako rin ay taong pagsulat ay hirang
Aking hinahanap, ibang karanasan.”
(114)
Tumaas ang boses nitong aking sinta
“Ang bagay na iyan, ‘pag inulit mo pa!
Ako ay aalis, lalayasan kita!
At maghanap ka na nang ibang asawa!”
(115)
“Maghunus dili ka, aking sinisinta
Sa katotohana’y nabubulagan ka
Sa ganoong lugar, kahit na nagpunta
Hindi nakalimot, hindi nagkasala.”
(116)
“Tumigil! Tumigil! Tumigil na ikaw!
Mga pambobola’y iyo nang wakasan!
Kapag itinuloy, mga kahibangan
Buhay ta’y gugulo’t ako’y mamamatay!”
(117)
Matagal pa kaming nagpaliwanagan
Hanggang sa lumambot kanyang kalooban
Alam naman niyang kanyang minamahal
Puso’y maawain, may puri at dangal.
(118)
Yamang kilala n’ya aking pagkatao
Naintindihan n’ya ang gustong gawin ko
Pag-aalinlangan ay nawala ito
At pagkaunawa ang pumalit dito.
(119)
“Kung ‘yan ang gusto mo, aking kaulayaw
Ang payo ko lamang ay mag-ingat ka lang
Pagkat ang daigdig ay isang larangan
Na maraming ahas ang handang manuklaw.”
(120)
“Ang ahas na ito ay nangakakalat
Na handang manuklaw at handang mangagat
Iba sa kanila ay nakasambulat
Kasama sama mo’y hindi mo pa alam.”
(121)
Ito ang simula, mahal na asawa
Ay napasama sa nasang dakila
Nadama ko agad katapatan niya
Ngiti ay lumabas, mukha ay sumaya.
--------------------------------
MAY KARUGTONG
Rene Calalang
Scarborough, Ontario &
Malolos, Bulacan
MALULUBHANG MGA SUGAT - Part 4
Ni Rene Calalang
Scarborough-ON-Canada and Malolos-Bulacan
January 22, 2020
BALIK SA CANADA
(89)
At akoy’y bumalik doon sa Canada
Sapagkat ito ay tahanan ko na
Ako’y may trabaho na babalikan pa
Saka naghihintay ang aking pamilya.
(90)
Nakita ko na sa paliparan pa lang
Mga kaibaha’t, mga kakulangan
Ng mga tanawi’t mga kasangkapan
Ng bayang nag-ampo’t bayang sinilangan.
(91)
At doon sa “Custom” ako ay pumila
Kanilang tinanong kung ako’y may dala
At saka kung mayroon na idedeklara
Ako ay umiling, nagwika ng “WALA.”
(92)
Datapwa ay ako ay nagsinungaling
Sapagkat dala ko ay dahon ng saging
Mayroon ding mangga at saka balimbing
At saka bibingka na gawa sa kanin.
(93)
Subalit ang bantay hindi naniwala
‘Pagkat namumutla itong aking mukha.
Ang sabi sa aki’y “Pakibuksan mo nga
Hahalughugin ko, iyong mga dala.”
(94)
Kaniyang nakita ang mga dala ko
Kaniyang tinanong, “Mga ano ito?”
Kamay ko’y kuminig, saka aking braso
At saka natuyo ang lalamunan ko.
(95)
Alam ko na bawal ang magdala nito
Sapagkat baka mayroong insekto
Ngunit ang totoo, ako’y Pilipino
Sa bagay na bawal, matigas ang ulo.
(96)
“Hindi mo ba alam na ang ginawa mo?
Ay labag sa batas na saligan dito
Ang ating daigdig kaya gumugulo
Kung ano ang bawal, ginagawa ninyo.”
(97)
“Magmumulta ka! Iyan ang parusa
Limang daang dolyar ay bayaran mo na
Kapagka ito ay inulit mo pa
Doon sa piitan ay pupulutin ka.”
(98)
Ang gusto ko sana sa ati’y ganito
Mahigpit ang bantay at saka istrikto
Walang palakasan, kahit ka na sino
Walang namamasko sa buwan ng Mayo.
(99)
At ako’y lumabas, puso ay masaya
Kahit na ako’y nagmulta ng pera
‘Di ko iniisip ang naging parusa
Walang ring bagabag at walang pangamba.
(100)
At ako’y dumating sa aming tahanan
Agad sinalubong ng aking maybahay
Aking inspirasyo’t kapilas ng buhay
Kasama sa dusa, hanggang kamatayan.
(101)
At ako’y pumasok sa ‘ming kabahayan
Kung baga sa hari’y aking kaharian
Pinaghirapan ko at pinagpawisan
At tatlumpung taong aming binayaran.
(102)
Masaya ang aking diwa’t kalooban
‘Pagkat kapiling na, mga minamahal
Mga nakita kong mga kabiguan
Malilimot ko rin pagdating ng araw.
(103)
Pilit mang limutin, mga nakita ko
Kusang dumarating, ala-ala nito
Gabing malalamig at pag-iisa ko
Kahit kasayaha’y gulo ang isip ko.
(104)
Ngunit hindi ko na kayang ipaglihim
Mga nakita kong dusa at panimdim
Pilit ko mang ikubli at hindi isipin
Mga ala-ala’y biglang dumarating.
(105)
Madalas sa aking mga pag-iisa
Maraming sandaling ako’y nakatanga
Aking iniisip , itong si Maria
At maraming iba na katulad niya.
(106)
Nguni’t isang araw ako ay nakita
Ng aking asawang kay bait, kay ganda
Sinabi sa akin, “Hoy! Ano ka ba?
Tingin ko sa iyo’y namamatanda ka.”
(107)
At siya’y marahang lumapit sa akin
Sa pakiramdam ko’y nakahalata rin
Na ‘ko’y ginugulo niring suliranin
At ako’y mayroong sugat sa damdamin.
(108)
Ako ay niyugyog at siya’y nagwika
“Ano’ng nangyayari’t mukhang balisa ka?
Tingin ko sa iyo, ay may suliranin ka
Sapagkat madalas, nakatunganga ka.”
(109)
Sa unang sandali’y di ako kumibo
Iniisip niya’y aking tinatanto
Baka kung sabihin ko, ang mga totoo
Ako ay magwakas na ‘sang dibors’yado.
(110)
Mga mata nami’y nagtama ng tingin
Aking inaarok, kaniyang damdamin
Mga kamay niya ay aking pinisil
At aking sinabi, aking nililihim.
(111)
At aking binanggit, aking nasaksihan
Sinabi sa kanya, “Kaawa-awa naman
Puwede ba natin, na siya’y tulungan
Kahit lumang gamit, ay ating padalhan.”
(112)
Siya ay tumayo, saka namayawang
“Ano’ng ginagawa mo sa ganoong lugar?
Akala ko pa naman, ikaw ay huwaran
Sa bagay na iya’y walang kamuwangan?”
(113)
“Ngunit aking mahal,” ang sagot ko naman
“Ako ay lalaki at isang nilalang
Ako rin ay taong pagsulat ay hirang
Aking hinahanap, ibang karanasan.”
(114)
Tumaas ang boses nitong aking sinta
“Ang bagay na iyan, ‘pag inulit mo pa!
Ako ay aalis, lalayasan kita!
At maghanap ka na nang ibang asawa!”
(115)
“Maghunus dili ka, aking sinisinta
Sa katotohana’y nabubulagan ka
Sa ganoong lugar, kahit na nagpunta
Hindi nakalimot, hindi nagkasala.”
(116)
“Tumigil! Tumigil! Tumigil na ikaw!
Mga pambobola’y iyo nang wakasan!
Kapag itinuloy, mga kahibangan
Buhay ta’y gugulo’t ako’y mamamatay!”
(117)
Matagal pa kaming nagpaliwanagan
Hanggang sa lumambot kanyang kalooban
Alam naman niyang kanyang minamahal
Puso’y maawain, may puri at dangal.
(118)
Yamang kilala n’ya aking pagkatao
Naintindihan n’ya ang gustong gawin ko
Pag-aalinlangan ay nawala ito
At pagkaunawa ang pumalit dito.
(119)
“Kung ‘yan ang gusto mo, aking kaulayaw
Ang payo ko lamang ay mag-ingat ka lang
Pagkat ang daigdig ay isang larangan
Na maraming ahas ang handang manuklaw.”
(120)
“Ang ahas na ito ay nangakakalat
Na handang manuklaw at handang mangagat
Iba sa kanila ay nakasambulat
Kasama sama mo’y hindi mo pa alam.”
(121)
Ito ang simula, mahal na asawa
Ay napasama sa nasang dakila
Nadama ko agad katapatan niya
Ngiti ay lumabas, mukha ay sumaya.
--------------------------------
MAY KARUGTONG
Rene Calalang
Scarborough, Ontario &
Malolos, Bulacan