Isang awit ni Rene Calalang
Ni Rene Calalang
Scarborough, Ontario &
Malolos, Bulacan
May 6, 2020
NAGLAHONG GUBAT
(258)
Ako ay mayroong dating kakilala
Dating kaibigan doon sa Canada
Sa pamamasukan, siya ay tapos na
Umuwi sa atin, ‘pagkat matanda na.
(259)
Natatandaan ko na sinabi niya
“Kung ika’y mauwi, ikaw ay magpunta
Doon sa lugar ko at upang makita
Kapirasong lupang may tanim na mangga.”
(260)
Pinasiyahan ko na siya’y puntahan
At upang madama ang kaligayahan
Na dulot ng isang simpleng pamumuhay
Kulang nga sa pera’y maligaya naman.
(261)
Ang pinuntahan ko’y malayong lupain
Sa daan pa lamang ay aking napansin
Ang nakapanlulumo, na isang tanawin
Ito’y pagkasira ng Zambales Mountain.
(262)
Ang mga mata ko’y aking ipinikit
Ang nakikita ko ay upang iwaglit
Ang mga gunita nang lumang tanawin
Kay hirap iwalay, kay hirap iwaglit.
(263)
Sa paggunita ko sa ating kahapon
Aking iniisip, lumipas na taon
Gintong alaala, nagdaang panahon
Pilit bumabalik, gusto mang itapon.
(264)
Aking ginunita, panahong nagdaan
Ating mga bundok, isang kagubatan
Iba’t ibang hayop, ito ay tirahan
At kay daming punong pulos kadawagan.
(265)
Malalaking lawin ay nagliliparan
Sa langit na tila walang katapusan
Ang kanilang pakpak, tila kumakaway
At ako’y hulihin, kapag inabutan.
(266)
Ang mga tamaraw ay nagsusuwagan
Na sa biglang tingin ay nagpapatayan
Ngunit ang totoo’y naglalaro lamang
‘Pagkat sa kanila, gubat ay laruan.
(267)
Usang matutulin ay mayroon dito
Nangagsisitakbo nang dere-deretso
Hindi nila alam kung saan tutungo
‘Pagkat sila’y tila nasa paraiso.
(268)
At ang mga ibon ay nagsisiawit
Kahit walang notang magagandang himig
Sa puso ng mga nangagsisiibig
Ang ingay na ito’y kanta ng pag-ibig.
(269)
Mayroon din ditong iba’t ibang ahas
Iba ibang laki’t iba ibang kulay
Sila’y nakabitin sa sanga’t sa balag
At gustong kainin ang mga kulisap.
(270)
Sa burakang sapa ay nagtatampisaw
Mga baboy damo at mga kalabaw
Sa malabong tubig ay nilalabanan
Ang kagat ng lamok at init ng araw.
(271)
Ngayon ay iba na ang aking nakita
Malalagong puno, ito ay wala na
Ang luntiang bundok, ito ay kalbo na
Malalaking hayop, O nasaan sila.
(272)
Pilit mang iwaksi at hindi isipin
Ang mga dahilan ay kusang dumating
Kung bakit naubos mga gubat natin
Naglaho ang hayop, dumumi ang hangin.
(273)
Pangunahin dito’y maraming pinuno
At mga mambabatas nating pulitiko
Kasapakat sila ng mga mayroong negosyo
Ating kagubatan, ipinagkanulo.
(274)
Ang mga natira ay kinakaingin
Upang mga dawag kanilang linisin
At maging taniman nang ibang pananim
Iba’t ibang gulay at mga pagkain.
(275)
At saka dumating mga mag-uuling
Dala ang pansindi at upang sunugin
Ang natitira pang labi ng kaingin
Kanilang sinunog upang maging uling.
(276)
At sapagkat kulang ating karunungan
Sa kahalagahan nitong kagubatan
Pinikit ang mata’t bibig binusalan
Pagwasak sa gubat ay pinabayaan.
(277)
Maraming pinuno ng pamahalaan
Mga nagaganap, hindi pinigilan
Bagkus ay sila pa ang mga dahilan
Trahedyang naganap naging katuparan.
(278)
Minsa’y nagkaroon ng bagyong malakas
Ula’y di tumigil ng siyam na araw
Lumambot ang lupa sa bundok at parang
Tumaas ang tubig sa ilog at dagat.
(279)
Sapagkat ang bundok ay wala ng gubat
At ugat ng punong sa lupa’y hahawak
Lupa ay umuho sa mga bahayan
Na nakapaligid sa mga paanan.
(280)
Mga kasangkapan at ari-arian
At mga bahayan ay nangatabunan
Nang gumuhong lupa na naging putikan
Marami ding tao’y nalibing ng buhay.
(281)
Ngunit sa isang madaling dahilan
Tore ng simbahan ay di natabunan
Tao ay nagsaya at sila’y nagdiwang
“Isa raw milagro, ating nasaksihan.”
(282)
At ang mga tao ay nagsipagsimba
At nagpasalamat sa nakita nila
“Nakikita ninyo at nagaganap na
Ang mga milagrong ‘pinangako Niya.”
(283)
Sa mga naroon ay may edukado
Saka isang ganap, tunay na Kristiyano
Kahit na siya ay di relihiyoso
Sa mundong ibabaw, siya’y isang santo.
(284)
Di nakatiis at siya’y kumibo
Kaniyang sinabi, “O mga katoto
Mata ay imulat, gumising na kayo
Ang katotohanan ay tanggapin ninyo.”
(285)
“Kaya di lumubog, tore ng simbahan
Sa mga narito ay pinakamataas
Kung ihahambing sa nangatabunan
Malaki ang agwat sa taas at tibay.”
(286)
“Sa mga naganap, walang kinalaman
Diyos na dakila’t makapangyarihan
Trahedyang naganap ay kapabayaan
At ating kawalan, tamang karunungan.”
(287)
“Di gusto ng Diyos na tao’y mamatay
Ang mga natira’y sa sakit maratay
Mabuhay ng salat, malugmok sa hirap
Magdusa nang tila wala ng hanggahan.”
(288)
“Di gusto ng Diyos ang puno’t halaman
Mawala sa ating mga kagubatan
Kaniyang ginawa pagka’t kailangan
Magbigay ng oxygen at tayo’y mabuhay.”
(289)
“Di gusto ng Diyos, ang hayop sa parang
Mawala ang kanilang gubat na tahanan
Sila ay tulad din nating mamamayan
Kailangang sila’y mayroong tirahan.”
(290)
“Kaya ibukas na, ating mga mata
Tayo’y maniwala sa sining at siyen’sya
At ating tanggapin, sa daigdig pala
Maling kaalaman ang naghahari pa.”
--------------------------
MAY KARUGTONG
MALULUBHANG MGA SUGAT – Part 9
Ni Rene Calalang
Scarborough, Ontario &
Malolos, Bulacan
May 6, 2020
NAGLAHONG GUBAT
(258)
Ako ay mayroong dating kakilala
Dating kaibigan doon sa Canada
Sa pamamasukan, siya ay tapos na
Umuwi sa atin, ‘pagkat matanda na.
(259)
Natatandaan ko na sinabi niya
“Kung ika’y mauwi, ikaw ay magpunta
Doon sa lugar ko at upang makita
Kapirasong lupang may tanim na mangga.”
(260)
Pinasiyahan ko na siya’y puntahan
At upang madama ang kaligayahan
Na dulot ng isang simpleng pamumuhay
Kulang nga sa pera’y maligaya naman.
(261)
Ang pinuntahan ko’y malayong lupain
Sa daan pa lamang ay aking napansin
Ang nakapanlulumo, na isang tanawin
Ito’y pagkasira ng Zambales Mountain.
(262)
Ang mga mata ko’y aking ipinikit
Ang nakikita ko ay upang iwaglit
Ang mga gunita nang lumang tanawin
Kay hirap iwalay, kay hirap iwaglit.
(263)
Sa paggunita ko sa ating kahapon
Aking iniisip, lumipas na taon
Gintong alaala, nagdaang panahon
Pilit bumabalik, gusto mang itapon.
(264)
Aking ginunita, panahong nagdaan
Ating mga bundok, isang kagubatan
Iba’t ibang hayop, ito ay tirahan
At kay daming punong pulos kadawagan.
(265)
Malalaking lawin ay nagliliparan
Sa langit na tila walang katapusan
Ang kanilang pakpak, tila kumakaway
At ako’y hulihin, kapag inabutan.
(266)
Ang mga tamaraw ay nagsusuwagan
Na sa biglang tingin ay nagpapatayan
Ngunit ang totoo’y naglalaro lamang
‘Pagkat sa kanila, gubat ay laruan.
(267)
Usang matutulin ay mayroon dito
Nangagsisitakbo nang dere-deretso
Hindi nila alam kung saan tutungo
‘Pagkat sila’y tila nasa paraiso.
(268)
At ang mga ibon ay nagsisiawit
Kahit walang notang magagandang himig
Sa puso ng mga nangagsisiibig
Ang ingay na ito’y kanta ng pag-ibig.
(269)
Mayroon din ditong iba’t ibang ahas
Iba ibang laki’t iba ibang kulay
Sila’y nakabitin sa sanga’t sa balag
At gustong kainin ang mga kulisap.
(270)
Sa burakang sapa ay nagtatampisaw
Mga baboy damo at mga kalabaw
Sa malabong tubig ay nilalabanan
Ang kagat ng lamok at init ng araw.
(271)
Ngayon ay iba na ang aking nakita
Malalagong puno, ito ay wala na
Ang luntiang bundok, ito ay kalbo na
Malalaking hayop, O nasaan sila.
(272)
Pilit mang iwaksi at hindi isipin
Ang mga dahilan ay kusang dumating
Kung bakit naubos mga gubat natin
Naglaho ang hayop, dumumi ang hangin.
(273)
Pangunahin dito’y maraming pinuno
At mga mambabatas nating pulitiko
Kasapakat sila ng mga mayroong negosyo
Ating kagubatan, ipinagkanulo.
(274)
Ang mga natira ay kinakaingin
Upang mga dawag kanilang linisin
At maging taniman nang ibang pananim
Iba’t ibang gulay at mga pagkain.
(275)
At saka dumating mga mag-uuling
Dala ang pansindi at upang sunugin
Ang natitira pang labi ng kaingin
Kanilang sinunog upang maging uling.
(276)
At sapagkat kulang ating karunungan
Sa kahalagahan nitong kagubatan
Pinikit ang mata’t bibig binusalan
Pagwasak sa gubat ay pinabayaan.
(277)
Maraming pinuno ng pamahalaan
Mga nagaganap, hindi pinigilan
Bagkus ay sila pa ang mga dahilan
Trahedyang naganap naging katuparan.
(278)
Minsa’y nagkaroon ng bagyong malakas
Ula’y di tumigil ng siyam na araw
Lumambot ang lupa sa bundok at parang
Tumaas ang tubig sa ilog at dagat.
(279)
Sapagkat ang bundok ay wala ng gubat
At ugat ng punong sa lupa’y hahawak
Lupa ay umuho sa mga bahayan
Na nakapaligid sa mga paanan.
(280)
Mga kasangkapan at ari-arian
At mga bahayan ay nangatabunan
Nang gumuhong lupa na naging putikan
Marami ding tao’y nalibing ng buhay.
(281)
Ngunit sa isang madaling dahilan
Tore ng simbahan ay di natabunan
Tao ay nagsaya at sila’y nagdiwang
“Isa raw milagro, ating nasaksihan.”
(282)
At ang mga tao ay nagsipagsimba
At nagpasalamat sa nakita nila
“Nakikita ninyo at nagaganap na
Ang mga milagrong ‘pinangako Niya.”
(283)
Sa mga naroon ay may edukado
Saka isang ganap, tunay na Kristiyano
Kahit na siya ay di relihiyoso
Sa mundong ibabaw, siya’y isang santo.
(284)
Di nakatiis at siya’y kumibo
Kaniyang sinabi, “O mga katoto
Mata ay imulat, gumising na kayo
Ang katotohanan ay tanggapin ninyo.”
(285)
“Kaya di lumubog, tore ng simbahan
Sa mga narito ay pinakamataas
Kung ihahambing sa nangatabunan
Malaki ang agwat sa taas at tibay.”
(286)
“Sa mga naganap, walang kinalaman
Diyos na dakila’t makapangyarihan
Trahedyang naganap ay kapabayaan
At ating kawalan, tamang karunungan.”
(287)
“Di gusto ng Diyos na tao’y mamatay
Ang mga natira’y sa sakit maratay
Mabuhay ng salat, malugmok sa hirap
Magdusa nang tila wala ng hanggahan.”
(288)
“Di gusto ng Diyos ang puno’t halaman
Mawala sa ating mga kagubatan
Kaniyang ginawa pagka’t kailangan
Magbigay ng oxygen at tayo’y mabuhay.”
(289)
“Di gusto ng Diyos, ang hayop sa parang
Mawala ang kanilang gubat na tahanan
Sila ay tulad din nating mamamayan
Kailangang sila’y mayroong tirahan.”
(290)
“Kaya ibukas na, ating mga mata
Tayo’y maniwala sa sining at siyen’sya
At ating tanggapin, sa daigdig pala
Maling kaalaman ang naghahari pa.”
--------------------------
MAY KARUGTONG