"Mga Tula ni Rene Calalang"
Ni Rene Calalang
Scarborough- ON-Canada
& Malolos, Bulacan
October 16, 2019
Sa bayang San Quentin may malaking ilog
Tubig na malabo’y mabilis ang agos
Pangkat ng talangka ay nangalulunod
At isang kumunoy sila’y hinihigop.
Ang mga talangka’y kumapit sa pampang
Tinangkang umakyat para maiwasan
Mabilis na agos na kasasadlakan
Nang nakaambang isang kamatayan.
Ang pag-akyat nila’y hindi sabay sabay
May mga nauna’t may mga naiwan
May mga mabilis, may mga mabagal
Mayroong mahusay sa gawang akyatan.
Naunang talangka ay nahihirapan
Marating ang lugar na kaitaasan
Ng nasabing pampang na s’yang kaligtasan
Sa gustong sumakmal na ‘sang kamatayan.
Sa halip itulak ang mga nauna
Upang ang ibabaw ay marating nila
Ang mga nahuli’y hinahatak sila
Upang ang itaas di nila masampa.
Ganitong naganap ang pinagbatayan
At pinagmulan ng ‘sang kasabihan
Ugaling talangka kapag tinularan
Tayo’y magiging isang kabiguan.
Marami sa ati’y ugali’y ganito
Ay isip talangka ang iniidolo
Kapagka ang iba ay umaasenso
Di natin matanggap, naiinggit tayo.
Iba’y naiinggit sila’y malamangan
Dami ng salapi’t mga kasangkapan
Taas ng puwesto at pinag-aralan
Kaya ang ginawa’y di sinuportahan.
Dapat na itigil ganitong ugali
Para umasenso itong ating lahi
Ang ugaling ito kapag di napawi
Ay patuloy tayo sa PAGKAPALUNGI.
ANG TALANGKA
Ni Rene Calalang
Scarborough- ON-Canada
& Malolos, Bulacan
October 16, 2019
Sa bayang San Quentin may malaking ilog
Tubig na malabo’y mabilis ang agos
Pangkat ng talangka ay nangalulunod
At isang kumunoy sila’y hinihigop.
Ang mga talangka’y kumapit sa pampang
Tinangkang umakyat para maiwasan
Mabilis na agos na kasasadlakan
Nang nakaambang isang kamatayan.
Ang pag-akyat nila’y hindi sabay sabay
May mga nauna’t may mga naiwan
May mga mabilis, may mga mabagal
Mayroong mahusay sa gawang akyatan.
Naunang talangka ay nahihirapan
Marating ang lugar na kaitaasan
Ng nasabing pampang na s’yang kaligtasan
Sa gustong sumakmal na ‘sang kamatayan.
Sa halip itulak ang mga nauna
Upang ang ibabaw ay marating nila
Ang mga nahuli’y hinahatak sila
Upang ang itaas di nila masampa.
Ganitong naganap ang pinagbatayan
At pinagmulan ng ‘sang kasabihan
Ugaling talangka kapag tinularan
Tayo’y magiging isang kabiguan.
Marami sa ati’y ugali’y ganito
Ay isip talangka ang iniidolo
Kapagka ang iba ay umaasenso
Di natin matanggap, naiinggit tayo.
Iba’y naiinggit sila’y malamangan
Dami ng salapi’t mga kasangkapan
Taas ng puwesto at pinag-aralan
Kaya ang ginawa’y di sinuportahan.
Dapat na itigil ganitong ugali
Para umasenso itong ating lahi
Ang ugaling ito kapag di napawi
Ay patuloy tayo sa PAGKAPALUNGI.