ANG GANTIMPALA SA KATAPATAN NI JULIA - (Part 4)
Ni Rene Calalang
Scarborough-Canada
December 19, 2019
ISANG araw, habang nanonood ng TV si Atty, siya ay tila balisa na parang siya ay may nararamdaman. Tinawag niya si Julia.
Karakang lumapit si Julia. “Sir, ano ho iyon?”
“Maupo ka.”
Hinatak ni Julia ang wing chair na nasa sulok. Naupo siya sa tabi ni Atty.
“Julia, gusto kong payuhan mo ako kung papaano ko iiwanan ang akin yaman kung ako ay mamamatay.”
Saglit na hindi kumibo si Julia. Inaasahan niya na kung isang araw ay tatanungin siya ni Atty tungkol sa bagay na ito ay alam na niya ang kanyang isasagot.
Sa mahina, deretsahang pananalita ay sinabi ni Julia ang kanyang nasasaisip, “Kung ako ho kayo, ang malaking bahagi nito ay iiwanan ko sa isang Foundation na itatayo ninyo. Tutal ho ay marami na kayong natulungan dito sa atin kaya ituloy na ninyo, kahit na, huwag naman ho sanang magkatotoo, ay wala na kayo. Sa ganoon ho, ang pangalan ho ninyong mag-asawa ay mananatiling buhay sa alaala ng mga tao dito sa atin. Ano ho ang malay natin, baka may mga gumaya sa inyo.”
“Magandang idea iyan. Paano si Albert?”
“Iwanan din ho ninyo, pero iyong sapat lang para siya ay mabuhay. Sa nakikita ko ho, kung ipamamana ninyo sa kanya ang lahat ay baka lustayin lamang niya.”
Tumango-tango si Atty, mandi’y nag-iisip.
SAMANTALA, lumalala ang pagiging drug addict ni Albert at patuloy sa kanyang di kagandahang mga bisyo. Ang kanyang tinatanggap na allowance ay hindi sapat upang matustusan ang kanyang bisyo, na kailangan niyang maging drug dealer upang lumaki ang kanyang kailangang pera.
Isang araw na mayroon siyang customer, na hindi niya alam ay undercover cop pala at puno ng Elite team ng Narcotics Dept ng PNP. Inaresto si Albert sa isang buy-bust operation.
Isinakdal si Albert ayon sa mga batas na may kinalaman sa illegal drugs.
Kumuha si Atty ng abogado. Sa kanilang pag-uusap ay ipinasiya nila, na dahil sa lakas ng mga katibayan, ay makabubuti, na siya ring gusto ni Atty, na magdusa si Albert, na mag plead guilty sila.
Nang itanong ni Julia kung bakit ay sinabi sa kanya ni Atty, “Wala akong ipinakita sa kanyang masama upang lumaki siyang ganyan. Isa pa ay kailangang pagdusahan niya ang kanyang ginawang mga kasalanan dahil iyon ang batas. Para sa akin, ay dapat manaig ang batas upang umasenso tayo.”
Hinatulan si Albert ng tatlong taong pagkabilanggo, kasama na ang rehabilitation.
Sa halip na malungkot ay natuwa si Atty. Kinausap niya si Julia, “Maganda rin iyong makulong siya dahil kasama na ang rehab .”
“Paano ho kung sa paglabas niya ay mag drug uli siya?”
“Iyon ang pagkakamali niya dahil kapag ginawa niya iyon, kahit isang kusing ay wala siyang mamanahin sa akin.”
PAGKALIPAS ng dalawang taon at apat na buwan ay pinalabas na si Albert for good behaviour. Buo pa rin ang kanyang paniniwala na kung mamamatay si Atty ay siyang lahat ang magmamana sa maiiwang yaman nito.
Sa kanyang paglaya ay muling nag drug si Albert.
Sa sama ng loob ni Atty sa ginawa ni Albert ay muli siyang naatake, na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Ngunit bago siya nalagutan ng hininga ay sinabi niya kay Julia kung nasaan ang kanyang “Last Will and Testament”, na kasama sina Atty Concepcion at Albert ay buksan nila iyon sa harap sa harap ng Hukom. Sinabi din niya kay Julia na ang Will ay may kasamang dalawang maliit na sulat: isa para sa kanya, at isa para kay Albert, na buksan lamang nila iyon pagkatapos nilang malaman ang sinasabi ng Will.
Dinala nina Julia sa court ang “Last Will and Testament”, at sa harap nila ay binasa ito ng hukom.
Sinasabi sa ilang bahagi ng Will:
· I hereby designate Atty. Conception of ABC Property the Executor and Administrator of this Last Will and Testament. I hereby direct him to execute as follows:
o That the net monthly income of my two commercial properties whose address is -_________________be distributed as follows:
§ Sevenyt percent (70%) be channeled to the Suarez Foundattion – the Foundation I set up in my and my wife’s name to help in the education of the poor but deserving students in our town as well as in school improvements projects.
§ That the remaining thirty percent (30%) be channeled to my loyal caregiver, Julia Sarmiento, as a reward for the care she gave me as well as for her loyalty. She will, in turn, give an allowance to my son Albert, sufficient only for a simple survival.
· I further direct that the Executor and Administrator of this Last Will and Testament to execute as follows:
o To my loyal caregiver, Julia Sarmiento, I give and bequeath a property to wit: our residential property whose address is………………..
o To my son Albert Suarez, I give and bequeath the property to wit: a one bedroom condominium whose address is ……………………
Namutla si Albert sa kanyang narinig. Paano siya ngayon mabubuhay ng ayon sa rangyang kanyang kinagisnan at paano niya matutustusan ang kanyang bisyo gayong wala siyang trabaho at walang natapos na mataas na pinag-aralan.
Binuksan niya ang sulat at binasa,
Sinasabi ng sulat:
Dear Son,
I intentionally did not leave you very much because I fear that if I give you too much you will just waste it in your senseless, bad habit. Rather, I left it to those who I believe will benefit the most.
I hope that what I did will make you change. However, if you decided not to, you have to earn the means to finance it.
I hope you understand. I love you despite what had happened.
Dad
SA pagkakaupo, si Julia ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig - na ang kanyang katapatan ay ginantihan ng isang nilalang na marunong magpahalaga sa kanyang tinanggap na alaga at pagmamahal.
Binuksan niya ang maliit na sulat.
Sinasabi ng sulat:
Dear Julia,
Thanks for everything: the unconditional care, the faithful devotion, and the meaningful advice.
I thought that angels can only be found in heaven. How wrong I was, because I found one on earth – You.
I hope with what I left you, you will have a life you so deserved, and that your children will grow, and I am sure they will, based on the standards you show them.
I die happy knowing that in heaven, I will be with my beloved wife - eternally.
Atty Ricardo Suarez
Tumaas ang kanang kamay ni Julia at pinahid ng likod ng kanyang kanang kamay ang mga luhang tumulo sa kanyang mga pisngi.
Ang nakaraan:
ANG GANTIMPALA SA KATAPATAN NI JULIA - (Part 1)
ANG GANTIMPALA SA KATAPATAN NI JULIA- (Part 2)
ANG GANTIMPALA SA KATAPATAN NI JULIA - (Part 3)