MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Dec 20 2019
MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Dec 20 2019
MUNTING NAYON
31 years of Community Service
×
SI WILLIAM AT ANG MABANGONG KUWINTAS NG ILANG-ILANG - Part 1


 
Ni Rene Calalang
October 6, 2019
 
 


SAMANTALANG nakaupo ako labas ng ancestral home ng aking maybahay sa Bani, Pangasinan ay dumating ang isang lalake na may matipuno at deretsong katawan, tipong militar na nakasuot ng kulay comouflage pants na fatigue na pantalon na may patsi-patsi tulad ng isang leopard .

Natatandaan ko ang mukhang iyon. Siya ang nag-alok sa amin ng mabangong mga Kuwintas ng Ilang-Ilang pagkatapos naming magsimba noong unang araw ng Linggo ng aming pagdating.

Sagsag ang kanyang lakad patungo sa lihim na daanan na magwawakas sa lumang kusina ng bahay na iyon.

Sa unang pakiwari ko ay naroon lamang siya upang gumamit ng comfort room ngunit nang matagal-tagal na siya ay nagkaroon ako ng hinala na baka may nangyari sa kanya gaya nang naatake siya dahil sa init ng panahon. Sinabi ko iyon kay Alex, na pinsan ni Lita C, na aking maybahay.

“Hindi Kuya, doon siya natutulog,” sagot ni Alex.

“Ha?”

“Oo, Kuya.”

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Alam ko ang lugar na iyon - na iyon ay dating kusina na walang tulugan at ang naroon lamang bukod sa kalan (na ang gamit na panggatong ay mga kahoy pa) at isang lumang banggerahan, ay isang papag na gawa sa tinilad-tilad na kawayan.

Pagkalipas ng ilang sandali ng pag-iisip ay itinanong ko sa aking sarili, “Paano siya makakatulog doon gayong ang lugar na iyon dahil nasa labas ng bahay, ang lamok ay sagana.”

Naitanong ko ito sa isa sa mga pamangkin ng aking maybahay.

“Kuwan Kuya. Sasanayan lang iyan.”

Lalo akong nagulat sa aking narinig. “P’wedeng bang sasanayan iyan? Paano kung ang mga lamok na iyon ay carrier ng dengue fever , di mahahawa siya?”

“Hindi Kuya. Hindi na kami tinatablan ng mga iyan.”

ISANG araw na kami ay ginabi sa pag-uwi ay sinabi ni Alex sa lalakeng iyon na ihatid niya kami sa guest room ng isang pribadong gusali sa harap ng munisipyo na aming tinutuluyan.

“Huwag na,” sabi ko. “Wala naman sigurong mangyayari sa amin.”

“Mahirap na, Kuya.”

Pumayag na rin ako. Habang naglalakad kami ay nakasilip ako ng pagkakataon para mag-interview .

“Ano’ng pangalan mo?” naitanong ko.

“William, Sir.”

“Tagasaan ka?”

“Calasiao, Sir.”

“Calasiao. Pero dito ka nagtitinda ng mga bulaklak ng Ilang-Ilang.”

“Oo, Sir. Ito ang teritoryo ko kasama na ang Bolinao, Agno at Burgos.”

“Kani-kanya na ba kayo ng teritoryo?”

“Hindi naman, Sir. Kaya lang doon sa ibang mga bayan, maraming kalaban.”

“Ilang taon ka na?”

“Beinte otso, Sir.”

“Ano’ng tinapos mo?”

First year college lang, Sir.”

“Ng ano’ng kurso.”

Criminology , Sir.”

“Bakit ka naghinto?”

“Namatay Sir ang ama namin kaya nagtigil ako para papag-aralin ang dalawa kong nakababatang kapatid. Kawawa naman sila Sir, kung hindi sila makatatapos.”

“Sa trabaho mong iyan, nakapagpapaaral ka pa?”

“Oo, Sir.”

“Ano’ng kurso ang kinukuha nila?”

“Iyong mas matanda Sir, IT. First college sa Calasiao.”

“Iyong pangalawa?”

High School pa lang, Sir. Third year .”

“Ikaw? Ano talaga ang hilig mo?”

Police Officer , Sir. Gusto kong maging Police Officer, o kahit na sa ibang sangay ngMilitary, basta militar.”

“Kaya pala Criminology ang kinukuha mo, at ang suot mo ay parating pangsundalo.”

“Oo, Sir.”

“May nagsabi sa akin, hiwalay daw kayo ng Misis mo.”

“Totoo, Sir. Pero hindi kami kasal.”

“May anak kayo?”

“Isa, Sir.”

“Bakit kayo naghiwalay?”

“Sa hirap ng buhay, Sir. Umalis siya ng hindi ko alam. Nag-abroad sa Taiwan.”

“Iyong anak ninyo?”

“Naroon Sir sa mga magulang niya.”

“Di hindi mo na siya nakikita?”

“Pinupuntahan ko Sir sa kanila linggo-linggo pagkatapos kong magtinda ng Ilang-Ilang.”

Pagkuwa’y naroon na kami sa harap ng guest room na aming tinutuluyan.

“Maraming salamat. Mag-usap uli tayo. Hindi pa tapos ang interview natin.”

“Yes, Sir.”

------------------------------------------

MAY KARUGTONG
Tweet

×
Rosalina B. Guanzon
Malolos,Bulacan ,Philippines
Tuesday 8th of October 2019

Sir I really enjoyed your stories while reading it i can relate my self to the story...am looking forward to the continuation of your last story read. Thank you for sharing your minds and hearts to us..
MN