MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Dec 20 2019
MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Dec 20 2019
MUNTING NAYON
31 years of Community Service
×
DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY - (Part 4)


Ni Rene Calalang
Scarborough-Canada
November 26, 2016


ANG CRUISE nila ay magmumula sa Barcelona, Spain at magwawakas sa Rome. Ngunit ang Barcelona ay balita sa linis at ganda, kaya ipinasiya nilang umalis nang mas maaga ng tatlong araw at gugulin ang panahong iyon upang makita ang Barcelona.

ANG CRUISE nila ay magmumula sa Barcelona, Spain at magwawakas sa Rome. Ngunit ang Barcelona ay balita sa linis at ganda, kaya ipinasiya nilang umalis nang mas maaga ng tatlong araw at gugulin ang panahong iyon upang makita ang Barcelona.

Na kanilang ginawa.

Sa Barcelona, noong umaga ng unang araw nila, ay sumakay sa Red Turistic Bus upang makita, kahit pahapyaw man lamang, ang ilang bahagi ng lunsod. Ngunit sa hapon, ang nalalabing bahagi ay kanilang ginugol upang makita ang balita sa kagandahang Sagrada Familia, na obra maestra ni Gaudi, na gayong mahigit ng isandaang taong ginagawa ay hindi pa natatapos.

Humanga sila sa Barcelona dahil sa ganda at ayos nito, lalo na ang mga boulevard, na ang bawat uri ng gumagamit ay may kani kanyang pansariling daanan: may bahagi para sa mga taxi at mga bus; may bahagi para sa mga naglalakad at nagda jogging; may bahagi para sa mga nagbibisekleta. At sa pagitan nang ibat ibang pansariling daanan ay nakalatag ang luntiang damo, nakahanay sa tila sinukat na pagitan ang ibat ibang uri nang namumulaklak na mga halaman, na sa bisa ng sikat ng araw ay namumukadkad. Nakahanay din sa pagitan ng mga bulaklak, at nakatindig sa matabang lupa ang malagong mga puno.

Kinagabihan, sa hotel, si Mr. Chiu ay nagkakamot ng ulo.

Bakit Papa?

Ayon sa kasaysayan ay halos apat na daan nasa kapangyarihan ng Kastila ang Pilipinas. Bakit hindi nila ginawang singganda nito ang Pilipinas, lalong lalo na ang Maynila? tanong ni Mr. Chiu.

Abala ho sila sa pagpapalaganap ng Christianity, na ayon sa marami ay maliligtas daw ang kaluluwa natin at mapupunta tayo sa langit.

Naniniwala ba kayo doon?

Walang masama sa relihiyon, pero kailangan ding gampanan ng tao ang kanilang mga katungkulan bilang mga mamamayan.

Ang nalalabing dalawang araw ay ginugol nila sa pagbisita sa mga iba pang mga makasaysayang gusali at simbahan sa Barcelona.

ANG QUEEN OF THE SEA, na cruise ship na kanilang sasakyan ay isang 100,000 toneladang bigat ng pinagkabit kabit na bakal na nakalutang sa dagat. Ang loob ay isang maliit na lunsod ng kasaganaan at pagsasaya. Naritong lahat ang mga bagay na sa pangkaraniwan at mortal ay nagbibigay ng kaligayahan: casino, formal dining, disco club, formal dancing, auditorium, sundeck, swimming poolat sa mga nagkasala habang nasa barko isang maliit na kapilya.

Napansin ni Mr. Chiu, na pili ang mga nagsisilbi sa barkong ito, na otsenta porsiyento ay mga Pilipino. Iba sila sa pangkaraniwan sapagkat silay hinugot sa libong pinagpilian. Kapansin-pansin ang kanilang pagiging iba.

Ang mga lalake ay guwapo at matatangkad, mga tapos ng kolehiyo, magagalang at may magagandang mga manners sapagkat sa munting reklamo ng nagbayad nang malaking halagang mga pasahero, sila ay maaring mawalan ng trabaho.

Ang mga babae ay magaganda, matataas at may mataas ding pinag-aralan. Marami sa kanila ay nasa bar at nagsisilbi ng inumin at pagkain, naglilinis at kumukuha ng mga linen at naglalagay ng iba pang mga kailangan sa mga cabin.

Kinakailangan nilang sumunod at maging masipag. Kung minsan ay kinakailangan nilang magtrabaho nang mahigit pa sa hinihingi nang nilagdaang kasunduan. Ang paglabag sa alin mang mga ito ay nangangahulugan na maari silang mawalan ng hanapbuhay at sa bansang pinanggalingan ay maaring matigil ang pag-aaral nina Boy at ni Nene sa pribadong paaralan, maaring maantala ang pagpapagawa nang malaki at magandang bahay na sagisag nang pagiging seaman at maaring mabawi ang hinuhulugang sasakyan.

Ngunit sa pagsisilbi ay marami ang maligaya sapagkat ang kanilang bayad ay mataas na hamak kung ihahambing sa kanilang kikitain sa lupang iniwan. Ang pagiging narito ay nangangahulugang din nang paminsan-minsang pagkakasala na bunga nang di makayanang pangungulila mga pagkakasalang pinatatawad na ng pinagkasalahan sapagkat sa oras ng pangangailangan, mayroon pa bang kabanalan.

Ngayon ay Sir at Mam na ang tawag sa kanila. Hindi lang nila alam ay katulad din nila silang namamasukan ng 9-5 limang araw isang linggo.

Taga saan ho kayo sa atin, Sir? tanong ng waiter na nagsisilbi sa kanila sa unang gabi ng kanilang formal dining.

Sinabi ni Emil kung tagasaan sila kahit na labing apat na taon na siyang wala roon.

Ano ho ang business ninyo doon, Sir? tanong ng isa pa, na para bang ang may negosyo lamang ang may karapatang maglakbay nang ganitong uri ng paglalakbay.

Wala na kami sa Pilipinas, sagot ni Emil.

Nasaan na ho kayo?

Nasa Canada na.

Kaya naman pala. Para bang sinasabi na ang isang pangkaraniwang nilalang na may pangkaraniwang trabaho ay makapaglalakbay lamang kung ikaw ay nakatira ay namamasukan sa isang mayamang bansa.

Ikaw? Taga saan ka? tanong ni Emil.

Bicol ho.

Saan sa Bicol?

Sinabi ng nagpapalit ng mga linen kung tagasaan siya.

Anong trabaho mo sa atin bago ka napunta ditto?

Auditor ho ako sa munisipyo.

Auditor ka, pero narito ka at nagpapalit ng linen ng mga cabin.

Kinakailangan ko na hong umalis dahil hindi ko na ho masikmura ang mga kalokohan sa atin.

Anong ibig mong sabihin?

Gusto ho nilang lutuin ko ang mga Financial Report sa munisipyo.

Pero hindi mo ginawa.

Oho.

Kung hindi ka umalis?

Baka patay na ho ako.

Ibig mong sabihin ay umalis ka dahil sa prinsipyo mo. Pero kung wala ang katiwalian na kagaya ng sinabi mo ay hindi ka aalis.

Oho. Sino ho ang gustong malayo sa pamilya na katulad ko. Mahirap ho ang kalagayan ko dahil kung may mangyari sa pamilya ko ay malayo ako.

Mabuti naman at may mga taong may prinsipyo na katulad mo.

Marami ho, kaya lang ay wala din kaming magawa.

Bakit wala?

Marami ho sa mga pinuno natin at maraming mayayaman ang problema. Nasa kanila hong lahat ang kailangan para ma neutralize kami, at marahi hong mga mayayaman ang hindi nagbabayad ng buwis, kaya walang pera ang gobyerno.

Tinamaan si Mr. Chiu sapagkat alam niya na isa siya sa mga dahilan kung bakit marami ang may kakayahan ang umaalis para kumita nang mas malaki at gumanda ang buhay. Naiisip niya na kung ang lahat ng tulad niya, na sa isang panahon ay matagumpay na mangangalakal, ay pananatilihin ang kanilang pera sa bansa, at magbabayad nang tamang buwis, ang pamahalaan ay yayaman - na kung gagamitin ng pamahalaan sa tamang pamamaraan ang tinanggap na yaman, ang bansa ay uunlad, magkakaroon nang magandang trabaho at magiging maligaya ang mga tao, at marahil ay hindi na sila aalis.

Marami pa silang nakausap, na kalipunan ng ibat ibang mga professionals na nagtapos ng ibat ibang uri ng karunungan: nurse, guro, inhinyero, arkitekto, mayroon pang isang doktora. Sa kanilang tanong kung bakit sila ay narito ay iisa halos ang sagot, Mahirap ho atin. Kung wala kang connection, walang mangyayari sa iyo. Kung hindi ako umalis, gutom.

HULING gabi na nila sa barkong iyon. Gabi ng pagtatanghal ng mga may kakayahan sa pagsayaw at pagkanta ng mga staff o crew ng QUEEN OF THE SEA. Gabi rin ito ng pasasalamat ng mga namamahala sa mga pasahero upang sila ay umulit o sabihin sa kanilang mga kaibigan, kakilala o mga kamag-anak na sa kabuuan, ang cruise ship na ito ay kasiya-siya, na ang pagsisilbi ng crew ay maganda, na pili ang mga makasaysayang lugar na pinuntahan - at dahil sa mga dahilang ito ay kinakailangang nilang gayahin sila, at kung maari ay ikalat nila ang magandang balitang ito. Ah! Marketing! May bibisa at hihigit pa ba sa pagkakalat ng balita kaysa sa pagpapalipat-lipat ng mga pananalita sa ibat ibang mga bibig.

Ikinalat na ng mga unang nanood ng palabas ang husay ng mga nagtatanghal sa barkong iyon. Mabilis ang balita. Punong-puno ang auditorium. Sa pagkahuli ng pagpunta ay nangangahulugan ng pagtayo ng dalawang oras sa pinakamalayong lugar, na karaniwan ay sa pinakalikod ng auditorium.

Labindalawa ang nagtanghal at sampu ang Pilipino nangangahulugan na hindi pangkaraniwan ang kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng pag-awit.

MAY KARUGTONG




Ang nakaraan:
DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY - (Part 3)
DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY - (Part 2)
DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY (Part 1)
Tweet

MN