KASABIHANG FILIPINO
By Sinulat : Ven Del Pilar Faundo KCR
Toronto, Ontario,Canada
Hagonoy, Bulacan, Philippines
Tue 23rd October 2012
Ang kasabihang ito ay atingnadirinig o nababasa nasiyang puno`t dulo ngunit mababaw na kadahilanan, kapag ang isang nilalang ay nabuyo sa tukso ng laman, nagdispalko ng pera, o nagpadala sa init ng ulo.
Kapag ang isang lalaking may-asawa ay nalulong sa ibang babae sa kanilang opisina o sa isang lugar na kanilang ginagalawan, kadalasan ay nangangatuwiran siya na nadarang lamang siya at natukso. Sa araw-araw na nakikita niya ang babae at laging nakakatalamitan, nabuhos ang kanyang kalooban at sa kalaunan ito ay nauwi sa sa pagtinginat pagnanasa. Nagkatotoo nga ang kasabihang `` kahoy mang babad sa tubig, kapag nadarang sa init, pilit na magdirikit.``
Kaya nga para maiwasan ang pagkakadarang sa init, huwag masyadong lumapit sa apoy. Iwasan ang pagkakataong matagal na nakapaligid sa ningas at kung maaari ay dalangan ang mga ganitong pagkakataon. Huwag pabayaang nagsosolo kayong madalas paramabawasanang pagkabuyo o pagkatukso. Huwag nating kalilimutan na may sarili tayong pagpapasiya at pagpipigil sa sarili at kailangan nating isiping mabuti ang kahihinatnan ng sandaliang aliw ng katawan kapalit ng matagalang suliranin sa asawa at mga anak at mga kamag-anak at kakilala.
Sa paksa naman ng salapi, ang pagdidispalko ay nagaganap sa mga taong maraming hinahawakang pera na hindi sa kanya. Natutukso silang kumupit para sa kanilang sarili lalo na kung sa kanilang akala, sila ay nindi mahahalata o hindi sila mahuhuli at kaya nilang malusutan. Ngunit sa katapusan aynating lahat na walang masamang gawaing hindi nabubunyag, walang lihim na natatago sa habang panahon. Kapag ang kanilang itinatagong pag-uumit ay nabunyag sa mga kinauukulan, isasangkalan nila na natukso lamang sila sa silaw salapi na nasa kanilang harapan at paghahawak na naduroon lamangpara pagsamantalahan ang pagkakataon.
Pero kung tutuusin, walang gawa lalo na sa pera na hindi nabubunyag sapagkat kung sila ay marunong magmanipula ng accounts ay mas maraming marunong sa kanila sa audit at pangangalaga sa kayamanan. Ang gawi ng naguumit o palsipikador ay madaling mapapansin dahil sa kanilang pawardi-warding paggastos na lampas sa kanilang kinikita, sa kanilang unexplained wealth na madalas nating mabalitaang naprosecuted, sa kanilang walang habas na pagpaparankisa at paghahambog.
Tungkol naman sa pagpapadala sa init ng ulo, ito naman ay maaari nating malunasan. Iwasan ang sanhi ng pinag-iinit ng ulo. Dalangan ang pagkakataong makasalamuha ang pinagmumulan ng galit. Makipagbati kung maari o makipag-usap ng masinsinan para magkaunawaan at magkahingahan ng saloobin.Huwag maging maiinitin ang ulo. Maging mahinahon at kung talagang kainakailangan ay mag-aral ng anger management. Humingi ng payo. Sumali sa
retreat at meditations. Humingi ng biyaya, awa at tulong sa Diyos.
Ang kasabihang ``kahoy mang babad sa tubid, kapag nadarang sa init, pilit na magdirikit`` ay kasabihan lamang at hindi dapat maging dahilab at sangkalan sa ating pagkakamali o pagkawala ng pagtitimpi sa sarili maging ito ay hinggil sa pag-ibig, sa pera at sa init ng ulo.
KAHOY MANG BABAD SA TUBIG, KAPAG NADARANG SA SA INIT, PILIT NA MAGDIRIKIT