Mga Tula ni Rene Calalang
Ni Rene Calalang
Scarborough-Canada
And Malolos-Bulacan
Sa ibayong dagat, sa banyagang lupa ikaw ay dumating
Puno ng pag-asa ang hibang mong puso’t ang isip mo mandin
Ang inaasam mo na kasaganaan ay makakamtan rin
Ang mga iniwan sa lupang nilisa’y matutulungan din.
Ngunit hindi lahat ng panaginip mo’y magiging totoo
Marami pa pala ang uri ng tao sa balat ng mundo
Ay nahihimbing pa sa katotohanang ang lahat ng tao
Kahit ano’ng kulay at pinanggalingan ay pare-pareho.
Marami sa ati’y naging matagumpay sa pakikilaban
Marami rin namang ang inaasaha’y naging kabiguan
Sa pakikidigma’y kahit na ano man ang kinahinatnan
Dahil sa hangad mong bumuti ang buhay ng iyong iniwan.
MIGRANTENG MANGGAGAWA