MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Oct 18 2019
MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Oct 18 2019
MUNTING NAYON
31 years of Community Service
×
"Mga Tula ni Rene Calalang"
 
GUNITA


 
Ni Rene Calalang
Scarborough, Ontario
& Malolos Bulacan
 


Ang tao nang isilang ay hubad at pantay pantay
Walang tali’t walang gapos sa paa at mga kamay
Mga mata’y walang piring, ang bibig ay walang busal
Walang malay, walang muwang sa takbo ng ating buhay.

Sa paglipas ng panahon ay maraming magaganap
Malalaki’t maliliit na dula sa ating buhay
May masaya, may malungkot, may malupit at mapanglaw
Mga hamon ng tadhana’t pagsubok sa kakayahan.

Ang malupit na kahapo’y nakaukit sa isipan
Masakit at tila tinik na bikig sa lalamunan
Ito’y isang dalamhating pabigat sa kalooban
Ginigising ka sa gabi’t binabagabag ka sa araw.

Ang magandang nakaraa’y isang binhing ipinunla
Sa hamon na babakahin sa daigdig ng himala
Sa bukas na haharapi’y ito’y isang paghahanda
Pagka’t ang daigdig ay malupit at malungkot ang tadhana.

Kung malungkot ang nangyari’y ito’y ating kalimutan
Iwaglit sa alaala’t itakwil sa kaisipan
Ibaon ang karanasan sa balon ng gunamgunam
Ang panahon ay maigsi upang ito’y pag-isipan.
Tweet

×
MN