Mga Tula ni Rene Calalang
Ni Rene Calalang
Scarborough, Ontario
& Malolos, Bulacan
Igalang mo naman ang Ina mong Bayan na iyong iniwan
Dapat mong isiping ikaw ay bahagi ng bayang nilisan
Ang tunay na anak ay hindi lilimot kahit ka nasaan
Hindi magbabago’t hindi magkukulang angking pagmamahal.
Kung sa ibang bayang iyong pinuntaha’y ika’y nagtagumpay
At iyong natamo ang inaasam na kasaganaan
Iyo ring nakita at naunawaan ang mga dahilan
Kung bakit may bansang mayaman at tayo ay bansang mahirap.
At kung isang araw ikaw ay bumalik sa bayang iniwan
Ang iyong nakitang mga kahirapan ay huwag tawanan
Sa iyong isipa’y iyong gunitain ang bayang nilisan
Ang iyong nakita't naging karanasan ay magsilbing aral.
Huwag kang magtaka at huwag husgahan ang mga namasdan
Sa iyong sarili ay iyong sagutin isang katanungan
Ano ba ang aking ginawa upang malunasan mga nasaksihan
At tayo’y matulad sa bansang maunlad na pinanggalingan.
…o…
SA MGA LUMISAN