MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Thu Aug 01 2019
MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Thu Aug 01 2019
MUNTING NAYON
31 years of Community Service
×
"Mga Tula ni Rene Calalang"
 
TAGUMPAY




Ni Rene Calalang
 


Ang batayan ba ng tagumpay ay materyal na mga bagay?

Sa luwang ba ng bakuran at ganda ng aring bahay?

Sa dami ba ng aring ginto at pera sa bangko Sentral?

Sa lawak ba ng ‘isdaan at laki ng kabukiran?

Sa uri ba ng tinapos sinusukat ang tagumpay?

Na aral ng karunungang nagmula sa pamantasan.

Sa taas ba ng tungkulin sa trabahong pinasukan?

Sa daigdig na naghamon at hinarap na larangan.

Sa panlabas na anyo ba natatamo ang tagumpay?

Sa ganda ba ng maybahay at dami ng kasintahan?

Sa ningning ba ng alahas, palamuti sa katawan?

Sa damit bang suot natin na maganda at makinang?

Hindi dapat kaibigan na hatulan ang tagumpay

Sa materyal na mga bagay at natamong karunungan

O sa taas ng tungkulin sa trabahong pinasukan

O sa angkin nating ganda sa labas na kaanyuan.

‘Pagka’t tayo’y iba iba’t kani-kanyang katangian

Noong tayo’y ipanganak at lumaki at nag-aral

May marunong, may mayabang, may pusakal at gahaman

May mabuti na huwaran at gawa ay kabutihan.

Ang tagumpay ay paggamit ng bigay na kakayahan

Na handog na katutubo noong tayo ay isilang

Ng DIYOS na mahabagin, matulungi’t mapagbigay

Ang TAGUMPAY ay ligaya nang pagiging TANGING IKAW.

-------------------------------

Rene Calalang

Scarborough, Ontario

& Malolos, Bulacan
Tweet

×
MN