MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Wed Dec 18 2019
MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Wed Dec 18 2019
MUNTING NAYON
31 years of Community Service
×
Mukha ng Pinoy 2011 Nagbigay Pugay sa “Makabagong Filipino”


By J. Nava Cruz
Riyadh, Saudi Arabia
Thu 14th October 2010




Matagumpay na nailunsad ng Pinoy Sining (The Filipinos for Arts & Culture) sa pangalawang pagkakataon ang kanilang Mukha ng Pinoy 2011 Search Para sa Kalendaryong Filipino kamakailan sa Riyadh na tinampukan ng mga napiling 12 kalahok na kalalakihang Pinoy at dalawang natatanging Mukha ng Filipina sa Liwasang Bonifacio ng Pasuguan ng Pilipinas sa Kaharian ng Saudi Arabia.

Sa gitna nang naghuhumiyaw na kasiyahan ng mga Pinoy na sumaksi sa naturang patimpalak, sinabi ng pamunuan ng PS na tunay silang nag-adhika na bigyang papuri ang paggamit ng Pilipino o Wikang Pambasa kasabay sa pagbibigay kulay sa kalinangang sining at kulturang Filipino. Tinanghal na Mukha ng Pinoy 2011 at Mukha ng Enero si G. Cristopher (Cris) Redondo, tubong Bicol; G. Gary Naca, Unang Karangalan (First Runner-up) at Mukha ng Pebrero mula sa Kalibo, Aklan; G. Ralph Felipe, tubong Nueva Ecija, Pangalawang Karangalan (2nd Runner-up) at Mukha ng Marso kasama sina Bb. Jane Ampoloqio at Bb. Pia Marie Paulican bilang mga Natatanging Mukha ng Filipina para sa Taong 2011. Bukod kina Redondo, Naca at Felipe makakasama sa paglulunsad ng 2011 Kalendaryong Filipino ang mga Mukha nina: Louie Andrew Hiponia (Abril); Ryan Quinlao (Mayo); Alvin Louie Abucay (Hunyo); Benedict Rolan (Hulyo); Dennis Javier, (Agosto); Hassan Amin (Setyembre); Darwin Sanchez (Oktubre); Norman Mallari (Nobyembre) at Joel Mirabete (Disyembre) kasama ang buong pamunuan ng Pinoy Sining at mga taga-suporta. Bukod sa mga nabanggit na titulo, binigyang papuri din si Redondo bilang Pinakamahusay na Kalahok sa Kasuotang Pambansa (Barong Tagalog); si Naca bilang Pinakamahusay sa Kasuotang Pampalakasan at Kasuotang Pang-Rehiyon (Sportswear and Regional Costume); si Felipe bilang Pinakamahusay na Talentong Pang-entablado (Mr. Talent) at Pinakamagandang Mukha sa Larawan (Mr. Photogenic) at si Darwin Sanzhez, Kaibigan ng mga Kalahok (Mr. Friendship).

Ayon kay G. Manuel Lauzon, kasalukuyang Pangulo ng PS, Ginawa namin sa abot ng aming makakaya na mailunsad ang naturang palabas na naaayon sa konsepto ng orihinal na debuhong pang-entablado na sinulat ng aming kasama na si J. Nava Cruz. Isa itong copyrighted na konsepto at binibigyan namin ngayon ng pagkakataon na tuluyang mailunsad at mai-rehistro sa Pilipinas bilang Mukha Charities. Dinagdag naman ni G. Rodel Menda at G. Charlotte L. Villones na ang naturang palabas ay naglalayon na maipakita ang tunay na Mukha ng Pinoy sa gitna nang pagkakaiba sa pananampalataya, kaugaliang pang-rehiyon at wika.

Samantala, nagkakaisa ang mga Mukha Finalists na naiiba ang kanilang karanasan sa Mukha 2011 tulad na lamang ni Ralph Felipe, Hindi lamang isang organisasyon o samahan ang aking natagpuan kundi isang bagong pamilya sa loob ng Pinoy Sining. Ayon naman kay Gary Naca at Abdssakur a.k.a. Sugar, Nabigyang halaga ang aming talentong Pinoy sa makabuluhang orihinal na debuhong pang-entablado na ito. At para naman kay Redondo na nagdala sa kanya sa titulo ng Mukha ng Pinoy 2011 sa on-the-spot-question mula sa Pinuno ng Lupon ng Inampalan, (Diplomat Sheila Solas-Hernandez), sumali siya sa Mukha ng Pinoy 2011 dahil naniniwala siya sa makatotohanang adhikaing bitbit nito, sa kaniyang pagiging tunay na Filipino at yung kaniyang hangarin na maibahagi ang kaniyang kaalaman sa kapuwa Filipino sa ibayong dagat.

Ang naturang patimpalak ay pangkalahatang koordinasyon at produksyon ng mag-asawang Manuel Lauzon at Mellisen Lauzon, Direk Romwald Miranda, Engr. Rodel Menda, Dra. Alicia Magallanez, Charlotte L. Villones, Dra. Leah Ordonez, Caironisah Hadji sa mainit na pagsuporta nina Leonard Herrera, Gil Digueno, Basil Concepcion, Joel Salvador, Raymond Perariza, Hera Gonzaga-Gonzales, Abdssakur (Sugar), Junell Surigao, OFW Dancers, Mr & Mrs. Imelda Paulican, PS Folk Dancers, Kingdom Hospital, Camaraderie sa pamumuno ni Monthy Villavicencio, Joel Masculino at mahabang listahan ng mga kaibigan at taga-suporta. Tumayong mga punong abala sina Bb. Hera Gonzaga-Gonzales sa Final Night at Dra. Alicia Magallanes sa (Pre-Pageant Night); Gil Digueno at Leonard Herrera bilang mga overall make-up artists sa overall script na sinulat ni G. Charlotte L. Villones. Para sa karagdaang inpormasyon, maaari silang bisitahin sa www.pinoysining.com - (J. Nava Cruz, an OFW, is a writer/documentarist. E-mail at )





(Mula sa kaliwa: Rodel Menda, Pia Marie Paulican, Ralph Felipe, Cristopher Redondo,
Manuel Lauzon, Gary Naca and Jane Ampoloqio File Photo)





(Ang 12 Mukha ng Pinoy 2011 Finalists File Photo)




(Pinoy Sining Mukha ng Pinoy 2011 Productions / Organizers File Photo)




(Mga Nagwagi sa Mukha ng Pinoy 2011 kasama si Diplomat Sheila Solas-Hernandez File Photo)




(Mula sa kaliwa: Bb. Jane Ampoloqio at Bb. Pia Marie Paulican, Mga Natatanging Mukha ng Filipina 2011)




(Mukha ng Pinoy 2011 kasama si Dra. Alicia Magallanes File Photo)




(Mga masugid na tagapagtaguyod ng Mukha mula sa kaliwa:
Junell, Raymond, Gil, Leonard, Peter at kaibigan File Photo)





(PS Mukha Productions Family - File Photo)




(Guardians Founder Bro. Eddie at mga kasamahan na nagbigay katahimikan sa Mukha ng Pinoy 2011 File Photo)


(Mula sa kaliwa: C. Villones, Hera Gonzaga-Gonzales,J. Nava Cruz,Sugar at Dra. Alicia Magallanes File Photo)


(Mukha ng Pinoy Finalists kasama si Bb. Pia Marie paulican File Photo)


(Mukha ng Pinoy 2011 sa Kasuotang Pang-Rehiyon File Photo)


(Mukha ng Pinoy 2011 sa Kasuotang Pambansa (Barong Tagalog) File Photo)





(Kalahok 1 Norman Mallari File Photo)




(Kalahok 3: Cristopher Redondo File Photo)




(Kalahok 4: Gary Naca File Photo)




(Kalahok 5: Darwin Sanchez File Photo)




(Kalahok 5 at 2: Darwin Sanches at Benediict Rollan)








(Kalahok 7: Joel Mirabete File Photo)




(Kalahok 10: Louie Andrew Hiponia File Photo)





(Mula sa kaliwa: Ralph Felipe at Joel Mirabete kasama si Raymond Perariza, nakaputi File Photo)




(Mukha ng Pinoy Official Flyer Invitation File Photo)
Tweet

MN