Isang awit ni Rene Calalang
Ni Rene Calalang
Scarborough-Ontario
And Malolos Bulacan
March 3, 2020
BALIK SA PILIPINAS
(141)
At ako ay muling umuwi sa atin
Mga pangyayari’y muling ulilatin
Udyok ng puso ko’y upang aking sundin
Ang inumpisahan ay upang tapusin.
(142)
Sa aking dating mga kaesk’wela
Ay mayroong isang bigo sa pagsinta
Sa sama ng loob ay inisip niya
Siya ay magmadre o kaya’y magmongha.
(143)
Sa di ko malamang tunay na dahilan
Pagmamadre niya ay di natuluyan
At sapagkat siya’y tapat kung magmahal
Kanyang kasawia’y binuhos sa dasal.
(144)
Kanilang tirahan ako ay nagpunta
Upang kumustahin, saka kung talaga
Kaniyang panahon doo’y ginugol nga
Pagbigkas ng dasal at pagnonobena.
(145)
Sa malabong mata, ako’y inaninaw
At saka nagwikang, “Totoo bang ikaw?
Ang siyang narito sa aking harapan
Gusto kong malaman, bakit napadalaw?”
(146)
“Aking kaibiga’t dating kaesk’wela
Ako ay narito sapagkat mahal ka
At upang malaman kung bakit talaga
Na iyong piniling tumandang dalaga.”
(147)
“Aking kaibigan, dapat mong malaman
Ako ay lumaking tapat kung magmahal
Ang ugaling ito, sa aki’y iniwan
Nang mahal kong ina, bago sumahukay.”
(148)
“Kaniyang sinabing, puso ko’y iisa
Dapat na ibigay lamang sa Kaniya
Sa lalaking iyong pinakasisinta
Di dapat ariin ng sino mang iba.”
(149)
“Ngunit sa ‘ting buhay, walang sigurado
Mga nagaganap, di mo kontrolado
Lalaking minahal, ako ay niloko
May asawa pala’y inibig pa ako.”
(150)
“Sa sama ng loob, ako ay sumumpa
Na ako’y hindi na, iibig ng iba
At ang balak ko nga ay magmadre sana
Di nga lang natuloy ng dahil kay Ama.”
(151)
“Sinabi ni Amang, ako’y matanda na
Sa iyong pag-alis ay walang kasama
Tuhod ko’y masakit dahil sa rayuma
Sino ang titingin sa ‘king pag-iisa.”
(152)
“Dito sa ‘ting bayan ay may isang grupo
Ang pinanggalingan ay kung saan dako
Kanilang pagdating, sila raw ay sugo
At upang ikalat, salita ni Kristo.”
(153)
“At ang sabi nila, tayo’y magdarasal
At saka hihingi ng kapatawaran
Hindi lang sa ating mga kasalanan
Kung hindi sa ibang landas ay naligaw.”
(154)
“Kan’lang paliwanag, ako’y nakumbinsi
Kanilang samahan, ako ay sumali
Upang ipagdasal ang mga marami
Kamaliang gawa ay ayaw magsisi.”
(155)
Sa sandaling iyon ako’y nagkakutob
Nasamahan niya’y masasamang loob
Pagligtas sa mga nasa sansinukob
Ay pakana lamang para makalikom.
(156)
Ngunit ako’y hindi nagpapahalata
Sapagkat ang sa ‘ki’y isang sapantaha
Para ko malaman kung ito’y tunay nga
Kailangan ko pa ang pag-imbistiga.
(157)
At aking sinabing, “P’wede bang sumama
Sa araw ng dasal at iyong pagsamba
Gusto ko rin sanang makilala sila
Ang inyong pinuno at mga kasama.”
(158)
“Ang iyong sinabi’y magandang dahilan.
Upang makilala, mga kasamahan
Para mo makita, mga kabanalan
Naming ginagawa sa sangkatauhan.”
(159)
“Kaya kung gusto mo, tayo ay magpunta
At nang makilala lahat-lahat sila
Magugustuhan mo pag iyong nakita
Sila’y mababait at magagalang pa.”
(160)
Aming pinuntahan ang nasabing grupo
Aking kinausap, pinakaministro
Ako ay tiningnan sa paa at ulo
Mandi’y inaarok, ang kalooban ko.
(161)
“Tingin ko sa iyo, ikaw ay kristiyano
Sa bagay na iyan, kasama mo ako
Tayo’y magdarasal t’wing araw ng Linggo
At mananalangin do’n kay Hesukristo.”
(162)
“Mahal na ministro, ipagpaumanhin mo.
Kung ako’y magtanong sa bagay na ito
Ako po ay taong ‘di relihiyoso
Kahit na ako’y isang katoliko.”
(163)
“Magpatuloy ka aking kaibigan
Sa bagay na iyan kita’y tutulungan
At maraming bagay dapat mong malaman
Ang buhay sa lupa ay sandali lamang.”
(164)
“Bakit po ba ngayon ay napakarami
Mga relihiyong nakakakunsumi
Walang anu-ano, walang sabi-sabi
Susulpot na lamang na parang kabuti.”
(165)
“Ang tunay na nasa, ano ba talaga?
Relihiyong ito nang itatag nila
Upang sagipin ba aming kaluluwa
O pagsamantalahan aming mga bulsa.”
(166)
“Maghunus dili ka mahal na ginoo
Pagsasalita mo’y nakaiinsulto
Kaming nangarito’y nagsasakripisyo
Upang mailigtas, kaluluwa ninyo.”
(167)
“Ang aking sinabi’y sana’y pasens’yahan
Nagtatanong lamang sa bagay na iyan
Ang inyong damdamin kung aking nasaktan
Ako’y humihingi ng kapatawaran.”
(168)
“Mabuti pa yata ikaw ay bumalik
Kami ay may miting sa linggong darating
Ikaw ay umupo saka iyong dinggin
Mga kabutihang aking sasabihin.”
(169)
At ako’y nagbalik sumunod na linggo
At upang makinig sa punong ministro
Ako ay nagulat sa dami ng tao
Lahat-lahat sila ay pawang seryoso.
(170)
Ang ministrong ito’y isang karinyoso
Magaling mambola’t mambilog ng ulo
Kahit sinasabi ay hindi totoo
Parang totohanan, paniwala dito.
(171)
At nagsimula na isang pagmimisa
Na pinamunuan ng ministro nila
Yumuko ang ulo’t pumikit ang mata
Ng mga naroong nagsisipagsimba.
(172)
At sila’y nagdasal nang buong taimtim
Nakikinig sila lahat nang banggitin
Sinusunod nila lahat nang sabihin
Nang punong ministrong tila Diyos mandin.
(173)
Napagmasdan kong ang mga naroon
Taimtin ang dasal puso’y nakalulong
Mayroong ding ibang luha’y bumabalong
Saka umaagos sa tabi ng ilong.
(174)
Ng ang isip nila’y tila nalason na
Kung baga sa isda ay gango na sila
Di sila tututol kahit na ano pa
Ang lahat ng utos ay susundin nila.
(175)
At nangolekta na ang mga kasama
Halagang malaki, kailangan nila
Hindi p’wedeng sampu o kaya’y sing’kwenta
Kundi d’yes pors’yento ng kanilang kita.
(176)
Ngayo’y nag-uusap, matapos ang misa
Ang mga kapatid kabilang sa sekta
Tingin ko sa kan’la, sila’y maligaya
Ngunit katunaya’y niloloko sila.
(177)
Di ko na natiis na di mag-usyoso
Sa mga naganap na nasaksihan ko
Kung magalit sila’y bahala na ako
Na magpaliwanag sa itatanong ko.
(178)
At aking tinanong kung saan pupunta
Mga nakolekta ng mga kasama
Sinabi sa akin, “Naloloko ka ba!
Malaking bunganga ay iyong isara!”
(179)
Sa pagtatanong ko, ako ay makulit
Gusto kong malaman at saka kung bakit
Ang pagbibigay tila pamimilit
At di kusang loob, nanggaling sa isip.
(180)
Ang punong ministro’y tila napundi na
Tumaas ang boses, kumurap ang mata
Sa galit na boses ay sinabi niya
“’Pag di ka nagtigil! baka samain ka!”
(181)
Di ako nagtigil sa kakulitan ko
Sabi ko sa kaniya, “Sagutin mo ako
Pag di mo sinagot ang mga tanong ko
Sa diaryo’t magasin ay susulat ako.”
(182)
“Yamang mapilit ka’t gusto mong malaman
Kung saan pupunta, nakamkam na yaman
Sasabihin ko na, huwag kang maingay
Ito ay pupunta sa kaitaasan.”
(183)
“Para magtigil ka sa kakulitan mo
Bibigyan na kita, perang libo-libo
Kundi sapat ito, sabihin katoto
Dadagdagan ko pa kahit na magkano.”
(184)
“Mahal na ministro, di mo makukuha
Ako sa suhulan at lagyan ng pera
Gusto kong itanong sa inyong kon’syensa
Tao’y mahirap na’y niloloko n’yo pa.”
(185)
“Ang bagay na iya’y di ko kasalanan
Sapagkat sila’y may sapat na gulang
Pagsama sa ami’y kusang loob iyan
Di namin pinilit, sumama sa kawan.”
(186)
Sa mga labi ko’y lumabas ang ngiti
Ngiting hindi tunay, may pagkukunwari
Kawawa naman itong ating lahi
Tuloy at mabilis ang pagkapalungi.
(187)
Marami na ngayong bagong relihiyon
Na ginagamit, ating Panginoon
Ngunit ang hangari’y upang magkaroon
Limpak na salapi at maraming man’syon.
(188)
Ang bagay na ito’y madalas mangyari
Sa bansang mahirap at lahing inapi
Maling kinagisnan ay hindi nagapi
At di nakaahon sa pagkalugami.
-------------------------------------------------
MAY KARUGTONG
MALULUBHANG MGA SUGAT - Part 6
Ni Rene Calalang
Scarborough-Ontario
And Malolos Bulacan
March 3, 2020
BALIK SA PILIPINAS
(141)
At ako ay muling umuwi sa atin
Mga pangyayari’y muling ulilatin
Udyok ng puso ko’y upang aking sundin
Ang inumpisahan ay upang tapusin.
(142)
Sa aking dating mga kaesk’wela
Ay mayroong isang bigo sa pagsinta
Sa sama ng loob ay inisip niya
Siya ay magmadre o kaya’y magmongha.
(143)
Sa di ko malamang tunay na dahilan
Pagmamadre niya ay di natuluyan
At sapagkat siya’y tapat kung magmahal
Kanyang kasawia’y binuhos sa dasal.
(144)
Kanilang tirahan ako ay nagpunta
Upang kumustahin, saka kung talaga
Kaniyang panahon doo’y ginugol nga
Pagbigkas ng dasal at pagnonobena.
(145)
Sa malabong mata, ako’y inaninaw
At saka nagwikang, “Totoo bang ikaw?
Ang siyang narito sa aking harapan
Gusto kong malaman, bakit napadalaw?”
(146)
“Aking kaibiga’t dating kaesk’wela
Ako ay narito sapagkat mahal ka
At upang malaman kung bakit talaga
Na iyong piniling tumandang dalaga.”
(147)
“Aking kaibigan, dapat mong malaman
Ako ay lumaking tapat kung magmahal
Ang ugaling ito, sa aki’y iniwan
Nang mahal kong ina, bago sumahukay.”
(148)
“Kaniyang sinabing, puso ko’y iisa
Dapat na ibigay lamang sa Kaniya
Sa lalaking iyong pinakasisinta
Di dapat ariin ng sino mang iba.”
(149)
“Ngunit sa ‘ting buhay, walang sigurado
Mga nagaganap, di mo kontrolado
Lalaking minahal, ako ay niloko
May asawa pala’y inibig pa ako.”
(150)
“Sa sama ng loob, ako ay sumumpa
Na ako’y hindi na, iibig ng iba
At ang balak ko nga ay magmadre sana
Di nga lang natuloy ng dahil kay Ama.”
(151)
“Sinabi ni Amang, ako’y matanda na
Sa iyong pag-alis ay walang kasama
Tuhod ko’y masakit dahil sa rayuma
Sino ang titingin sa ‘king pag-iisa.”
(152)
“Dito sa ‘ting bayan ay may isang grupo
Ang pinanggalingan ay kung saan dako
Kanilang pagdating, sila raw ay sugo
At upang ikalat, salita ni Kristo.”
(153)
“At ang sabi nila, tayo’y magdarasal
At saka hihingi ng kapatawaran
Hindi lang sa ating mga kasalanan
Kung hindi sa ibang landas ay naligaw.”
(154)
“Kan’lang paliwanag, ako’y nakumbinsi
Kanilang samahan, ako ay sumali
Upang ipagdasal ang mga marami
Kamaliang gawa ay ayaw magsisi.”
(155)
Sa sandaling iyon ako’y nagkakutob
Nasamahan niya’y masasamang loob
Pagligtas sa mga nasa sansinukob
Ay pakana lamang para makalikom.
(156)
Ngunit ako’y hindi nagpapahalata
Sapagkat ang sa ‘ki’y isang sapantaha
Para ko malaman kung ito’y tunay nga
Kailangan ko pa ang pag-imbistiga.
(157)
At aking sinabing, “P’wede bang sumama
Sa araw ng dasal at iyong pagsamba
Gusto ko rin sanang makilala sila
Ang inyong pinuno at mga kasama.”
(158)
“Ang iyong sinabi’y magandang dahilan.
Upang makilala, mga kasamahan
Para mo makita, mga kabanalan
Naming ginagawa sa sangkatauhan.”
(159)
“Kaya kung gusto mo, tayo ay magpunta
At nang makilala lahat-lahat sila
Magugustuhan mo pag iyong nakita
Sila’y mababait at magagalang pa.”
(160)
Aming pinuntahan ang nasabing grupo
Aking kinausap, pinakaministro
Ako ay tiningnan sa paa at ulo
Mandi’y inaarok, ang kalooban ko.
(161)
“Tingin ko sa iyo, ikaw ay kristiyano
Sa bagay na iyan, kasama mo ako
Tayo’y magdarasal t’wing araw ng Linggo
At mananalangin do’n kay Hesukristo.”
(162)
“Mahal na ministro, ipagpaumanhin mo.
Kung ako’y magtanong sa bagay na ito
Ako po ay taong ‘di relihiyoso
Kahit na ako’y isang katoliko.”
(163)
“Magpatuloy ka aking kaibigan
Sa bagay na iyan kita’y tutulungan
At maraming bagay dapat mong malaman
Ang buhay sa lupa ay sandali lamang.”
(164)
“Bakit po ba ngayon ay napakarami
Mga relihiyong nakakakunsumi
Walang anu-ano, walang sabi-sabi
Susulpot na lamang na parang kabuti.”
(165)
“Ang tunay na nasa, ano ba talaga?
Relihiyong ito nang itatag nila
Upang sagipin ba aming kaluluwa
O pagsamantalahan aming mga bulsa.”
(166)
“Maghunus dili ka mahal na ginoo
Pagsasalita mo’y nakaiinsulto
Kaming nangarito’y nagsasakripisyo
Upang mailigtas, kaluluwa ninyo.”
(167)
“Ang aking sinabi’y sana’y pasens’yahan
Nagtatanong lamang sa bagay na iyan
Ang inyong damdamin kung aking nasaktan
Ako’y humihingi ng kapatawaran.”
(168)
“Mabuti pa yata ikaw ay bumalik
Kami ay may miting sa linggong darating
Ikaw ay umupo saka iyong dinggin
Mga kabutihang aking sasabihin.”
(169)
At ako’y nagbalik sumunod na linggo
At upang makinig sa punong ministro
Ako ay nagulat sa dami ng tao
Lahat-lahat sila ay pawang seryoso.
(170)
Ang ministrong ito’y isang karinyoso
Magaling mambola’t mambilog ng ulo
Kahit sinasabi ay hindi totoo
Parang totohanan, paniwala dito.
(171)
At nagsimula na isang pagmimisa
Na pinamunuan ng ministro nila
Yumuko ang ulo’t pumikit ang mata
Ng mga naroong nagsisipagsimba.
(172)
At sila’y nagdasal nang buong taimtim
Nakikinig sila lahat nang banggitin
Sinusunod nila lahat nang sabihin
Nang punong ministrong tila Diyos mandin.
(173)
Napagmasdan kong ang mga naroon
Taimtin ang dasal puso’y nakalulong
Mayroong ding ibang luha’y bumabalong
Saka umaagos sa tabi ng ilong.
(174)
Ng ang isip nila’y tila nalason na
Kung baga sa isda ay gango na sila
Di sila tututol kahit na ano pa
Ang lahat ng utos ay susundin nila.
(175)
At nangolekta na ang mga kasama
Halagang malaki, kailangan nila
Hindi p’wedeng sampu o kaya’y sing’kwenta
Kundi d’yes pors’yento ng kanilang kita.
(176)
Ngayo’y nag-uusap, matapos ang misa
Ang mga kapatid kabilang sa sekta
Tingin ko sa kan’la, sila’y maligaya
Ngunit katunaya’y niloloko sila.
(177)
Di ko na natiis na di mag-usyoso
Sa mga naganap na nasaksihan ko
Kung magalit sila’y bahala na ako
Na magpaliwanag sa itatanong ko.
(178)
At aking tinanong kung saan pupunta
Mga nakolekta ng mga kasama
Sinabi sa akin, “Naloloko ka ba!
Malaking bunganga ay iyong isara!”
(179)
Sa pagtatanong ko, ako ay makulit
Gusto kong malaman at saka kung bakit
Ang pagbibigay tila pamimilit
At di kusang loob, nanggaling sa isip.
(180)
Ang punong ministro’y tila napundi na
Tumaas ang boses, kumurap ang mata
Sa galit na boses ay sinabi niya
“’Pag di ka nagtigil! baka samain ka!”
(181)
Di ako nagtigil sa kakulitan ko
Sabi ko sa kaniya, “Sagutin mo ako
Pag di mo sinagot ang mga tanong ko
Sa diaryo’t magasin ay susulat ako.”
(182)
“Yamang mapilit ka’t gusto mong malaman
Kung saan pupunta, nakamkam na yaman
Sasabihin ko na, huwag kang maingay
Ito ay pupunta sa kaitaasan.”
(183)
“Para magtigil ka sa kakulitan mo
Bibigyan na kita, perang libo-libo
Kundi sapat ito, sabihin katoto
Dadagdagan ko pa kahit na magkano.”
(184)
“Mahal na ministro, di mo makukuha
Ako sa suhulan at lagyan ng pera
Gusto kong itanong sa inyong kon’syensa
Tao’y mahirap na’y niloloko n’yo pa.”
(185)
“Ang bagay na iya’y di ko kasalanan
Sapagkat sila’y may sapat na gulang
Pagsama sa ami’y kusang loob iyan
Di namin pinilit, sumama sa kawan.”
(186)
Sa mga labi ko’y lumabas ang ngiti
Ngiting hindi tunay, may pagkukunwari
Kawawa naman itong ating lahi
Tuloy at mabilis ang pagkapalungi.
(187)
Marami na ngayong bagong relihiyon
Na ginagamit, ating Panginoon
Ngunit ang hangari’y upang magkaroon
Limpak na salapi at maraming man’syon.
(188)
Ang bagay na ito’y madalas mangyari
Sa bansang mahirap at lahing inapi
Maling kinagisnan ay hindi nagapi
At di nakaahon sa pagkalugami.
-------------------------------------------------
MAY KARUGTONG