KASABIHANG FILIPINO
By Sinulat ni Sir Ven Del Pilar Faundo KCR Hagonoy, Bulacan, Philippines
Toronto, Ontario, Canada
Sat 26th February 2011
Itong kasabihan o salawikain na ito ay alam at pinaniniwalaan ng karamihan sa mga Filipino. Kadalasan nga, ito ang ginagawang dahilan at palusot kapag nahuhuli sa itinakdang oras ang isang tao.
Magmula sa ating kamusmusan ay ito na ang ipinamulat sa ating murang isipan. Sabi nga noon ng ating mga magulang, guro at pinuno ay ayos lamang kahit nanaantala sa pagtupad ng utos nila basta natupad naman sa bandang huli. Kung tutuusin ay hindi natin sila masisi. Sabi nila na ang pagpapaubaya na ito ay minana lamang nila sa kanilang mga magulang at ninuno.
Itong kaugalian na ito ay siyang puno't dulo ng ating tinaguriang " Filipino Time " o palaging pagiging huli sa pagdating sa takdang oras ng pagtitipon, panayam o simpleng pagtatagpo. Alam man nila o hindi, ang pagwawalang bahala ng mga Filipino sa pagtupad sa itinakdang oras ay nagiging batik o puna sa pagiging Filipino natin. Kadalasan kung ang umpisa ng pagtitipon ay nakatalang 6:00 pm, ito ay natutuloy lamaang ng alas-8pm kasi karamihan ng tao ay alas-8 ang datingan sa paniniwalang ang karamihan ay umaasang " Filipino Time ". Iyon nga lamang nakahihiya sa mga panauhing ibang lahi na dumarating sa takdang oras. Ang pagtitipon ay natutuloy din kahit na huli sa oras subalit kadalasan ay nagigingmatagumpaynaman - ang kasabihang" Huli man daw at magaling, naihahabol din" ay nagkatotoo na naman. Nagiging biruan nga tuloy sa mga Filipino na kung gusto nanamamahala na magumpisa ang palatuntunan ng alas-8 ng gabi ay dapat imprenta sa programa na alas-6 ang umpisa.
Ang kaugalian na ito ay hindi na dapat pairalin ng mga Filipino lalo na yong nasanay na sa kaugaliang kanluran at nakatira na sa ibang bansa. Ang MALAISE o sakit, at masamang ugali na ito ng Filipino ay kayang gamutin at palitan ng mga makabagong Filipino. Magpataan ng sapat na oras ( May relo naman tayo, cellphone at radyo at sariling sasakyan ) upang makarating sa takdang oras. Isipin lamang natin na kung medyo naunang kaunti sa oras ngumpisa, hindi tayo magmamadali sa trapik ; madali ang makakuha ng parking spot ; maraming pagpipipilian ng upuan kung walang itinakda na ; maraming pagkakataon na makisalamuha sa mga kakilala bago mag-umpisa ang palatuntunan. Panatag ang ating kalooban, ang puso natin ay hindi tamatambol puera nga lamang kung mahilig tayo sa grand entrance.
Pabayaan na lamang sana natin na mabaon sa nakaraan at nakalipas ang hindi kagandahangkasabihang " Huli man daw at magaling, naihahabol din" Sa halip ay palitan natin ito ng kasabihang " Ang taong maagap, daig ang taong masipag ". Harapin natin ang mapait na katotohanan " Huli man daw at magaling, ay huli pa rin ".
HULI MAN DAW AT MAGALING, NAIHAHABOL DIN.