MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Mon Sep 16 2019
MUNTING NAYON
31 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Mon Sep 16 2019
MUNTING NAYON
31 years of Community Service
×
ANG PILIPINAS NOON AT NGAYON


By Ni : Marivic Senense-Maluyo (www.pinoysojourners.org)
Paris, France
Sat 19th February 2011




Pagmamahal, ugat ng katapangan at kabayanihan

Oh Pagmamahal! Pag-ibig! Mga katagang bukam-bibig ng lahat sa buwan na ito ng Pebrero. Napakahiwaga mo sapagkat ang mga katangian moy walang kapara sa mundo. Ayon nga sa kasabihan Ang pag-ibig kapag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Ang pagmamahal sa sinisinta, asawa, anak, kamag-anak, kapwa-tao at bayan ay ilan lamang sa pinag-uukulan ng damdaming ito.

Nang dahil sa pag-ibig sa lupang sinilangan ng ating mga ninuno, marami ang nagtiis at nagbuwis ng buhay upang matamo ang kalayaan nito. Matapos ang ilang siglo ng pagpapasakop mula sa mga dayuhang bansa, nagkaroon ng lakas ang ating mga ninuno na mag-aklas laban sa mga ito kapalit man nito ang kanilang buhay. Masalimuot ang naging kapalaran ng bansang Pilipinas kung ating babalikan ang kasaysayan subalit habang aking sinariwa ang kasaysayan nito mula noong una, napagtanto ko na utang natin ang ating mayamang kultura sa mga dayuhang ito na naging bahagi ng ating kahapon.

Batid kong ang pagtuturo ng kasaysayan ng bansa mula sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo ay napakahalagang hakbang upang maunawaan natin ang ugat ng ating pinagmulan upang patuloy natin itong alagaan at ipagmalaki. Sa kabila ng kaalamang ibinabahagi ng mga guro, kailangan pa rin nating magsaliksik at magbasa kung ano nga ba ang sitwasyon natin noon bago pa man dumating ang mga dayuhan. Maraming katanungan ang nagsasalimbayan sa aking isip tulad na lamang ng Sino nga ba tayo bago pa man sila nagsidating? Mayroon bang tayo kung wala sila? Sinu-sino nga ba ang ating mga ninuno? At paano tayo naging TAYO ngayon? Ang mga katanungang ito ang nais kong bigyang linaw at ibahagi sa inyo kaya samahan ninyo ako sa aking pagbabalik-tanaw ng ating nakaraanSubalit bago natin simulan nais ko munang pakinggan ninyo ang mga awiting ito:

Ang Bayan Ko at Pilipinas kong Mahal



http://www.youtube.com/watch?v=JOXxhS6W91w

(Nagpapasalamat ako sa Jc3vids channel para sa video na ito At nais kong ipabatid pagkatapos kong mapanood ito at mabasa ang paglalarawang isinulat mo, pare-pareho tayo ng hangaring i-angat at ipagmalaki ang bansa sa sarili nating mga paraan subalit mayroon din tayong mga katanungang nakauumay pakinggan at maraming naaasar at nagtataka hindi lamang tayo kundi maging ang mga dayuhan na sa kabila ng walang kasingganda at walang kaparang yaman mayroon ang Pilipinas bakit mahirap pa rin ito/tayo?...Ito ay simple lang sagutin ng nakararami at ang kadalasang sagot ay dahil sa korapsyon ng mga namumuno ng bansa at ibinubunton ang sisi sa lahat ng nakaluklok na mamamayang Pilipino din naman ang dahilan kung bakit sila naroon sa kanilang puwesto at pagkatapos ay uulanin ng batikosbakit ganoon at ganito? Bakit naghihirap ako at tayo? Bakit nga ba? Nasubukan na ba nating umupo sa isang tabi upang tanungin nang taimtim ang ating sarili?

Isa ako sa mga karaniwang mamamayan na mayroong ganoong panghuhugasga, inaamin ko, nakikita ko ang paghihirap ng bansa at kadasalang nasasambit koy hindi mapagkakatiwalaan ang mga namumuno. Sa kabilang banda nabatid kong kailangan ng bawat mamamayan nang malalim na pagbubulay-bulay at pag-alam ng ating pinag-ugatan at mula sa pagtuklas na ito mauunawaan natin ang Pilipinas ngayon at sa darating pang panahon kung walang pagbabagong magmumula sa puso, isip at gawa ng bawat isa.)

Naramdaman ba ninyo ang mensaheng nais iparating ng mga awiting ito? Nakita ba ninyo ang kabayanihan ng mga mamamayang Pilipino noong panahon ng pagkakasadlak nito sa kamay ng mga dayuhan? Ang pagbubuwis ng maraming buhay makamit lamang ang kalayaang pinakaasam na siyang patunay nang wagas at tapat na pagmamahal sa bayan? Sa bawat katagang ito, mula sa awitin mararamdaman ang bawat hibla ng buhay na nawala at pilit na nagsusumigaw ng kalayaan at pag-angat ng bayan magpahanggang ngayon. Bilang mamamayan sa kasalukuyan, magagawa ba natin ang kabayanihang ipinamalas ng mga ninuno natin noon? Maaaring isagot ng ilan, na hindi na uso ang magpaka-martir ngayon at binabaril na ang martir sa Luneta Hindi biro ang dinaranas ng Pilipinas ngayon Bawat isa ay kailangang kumilos para dito. Sana ang bawat isa ay magkaroon ng kasagutan sa katanungang ANO ANG MAGAGAWA KO SA BAYAN KO??? at hindi ang ANO ANG MAIBIBIGAY NG BANSA SA AKIN???

Hinihimok ko ang bawat isa - ang pinakasimpleng mamamayan ng bansa, ang ating mga namumuno na iniluklok sa puwesto ng taong bayan na kahit man lang sa simpleng katanungang ito ay pag-ukulan natin ng panahong sagutin, malay natin umusbong ang hindi makasariling hangarin at iisipin natin ang bayan muna, bago ang sarili at hindi natin mamamalayan na habang umaangat ang bansa ay kasabay na umuunlad din ang ating mga sariling pamumuhay Alam kong lahat tayo ay nagmamahal sa ating bayan saanmang lupalop ng mudo tayo naninirahan kung kayat buo pa rin ang aking pag-asa na sa kabila ng lahat makakaalpas din tayo at ang bansang Pilipinas sa hirap! Mabuhay ang Pilipinas!




Author, Marivic Senense-Maluyo

About the author, Marivic Senense-Maluyo

Marivic, 31, is a resident in Paris since 2006 and holder of French certificates on various levels, notably in child care.

She finished Master of Arts in Teaching, Isabela State University (Main Campus) Echague, Isabela, Philippines in 2005.

While in the Philippines, Marivic did some teaching jobs in Isabela State University, Roxas Memorial, Agricultural and Industrial School, Matusalem, Roxas, Isabela and Salinungan National High School

Marivic is married, with two children
Tweet

ichiban roi
quezon city
Tue 26th July 2011

theres nothing wrong with the government!!!
maganda ang bansang PILIPINAS!
tayong mga tao,na bumubuo sa sankalipunan, ang sumusira sa magandang hangarin ng ating pinuno ng bayan!
why question his personality?why judge what he can do?
let's open up our minds to a good consequence that something good is going to happen!!
MN