SUMIKAT NA ANG ARAW (KABANATA 9)
Ni Rene Calalang
Scarborough, Ontario
ANG Fort Santiago ay sagisag ng karunungan, kagitingan at kalupitan ng tao.
Karunungan, sapagkat itoy natayo na kalipunan ng mga ibat ibang karunungan sa panahong wala pa ang mga makabagong gamit ng engineering at architecture.
Kagitingan, sapagkat sa ibat ibang panahon ng pananakop: ng mga Kastila, ng mga British, ng mga Amerikano at ng mga Hapon, ang Fort Santiago ay sagisag ng pagtatanggol ng aring kapangyarihan. Nagkalat ang mga alaala na ginamit sa pagtatanggol. Nariyan ang nga antigong Spanish cannons. Nariyan ang mga marka ng mga tama ng mga machine guns at mga kanyon ng mga tangke sa mga dinding ng mga gusali.
Kalupitan, sapagkat Siya ay saksi sa walang awang pagkapiit at pagkamatay ng mga taong ang kasalanan lamang ay sila ay nasa kabilang panig sa panahon ng digmaan. Dito ay daan-daang mga Pilipino at Amerikanong sundalong bilanggo ang namatay sa dungeon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Namatay sila sa sakit, sa gutom at sa torture. At sapagkat ang dungeon ay mababa sa dulo, sa paglaki ng tubig sa Ilog Pasig ay marami rin ang namatay sa pagkalunod.
Kalupitan, sapagkat dito ipiniit at nilitis - ng litis na walang katarungan - ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Sa isang gusali sa Plaza de Armas, sa gawing kaliwa, paharap sa Pasig River, ay ang Rizal Shrine. Dito, sa isang madilim, walang ventilation na kuwarto ipiniit si Dr. Rizal. Sa tanglaw ng isang maliit na lampara, sa kulungang ito niya isinulat ang kanyang tulang Mi Ultimo Adios na tula ng pamamaalam sa kanyang mga mahal sa buhay at sa bayang kanyang pinakasisinta.
Kaagapay ng piitan, ay isa pang kuwarto, na nag-iingat ng mga alaala ng kanyang minsang pagkabuhay. Narito ang ilang mga damit na kanyang ginamit noong siya ay nag-aaral sa Europa. Narito ang kanyang ilang mga katha at obstra maestra (bilang sculptor) na mga bunga ng kanyang katangian bilang kinikilalang artist,
NAGLALAKAD sina Alex at Rita sa hardin nang makasaysayang lugar. Maayos, pantay-pantay ang pagkakaputol ng mga damo at mga shrubs. Malusog at malago ang namumulaklak na mga halaman. Mayabong ang matataas na mga puno. Maayos na nakadikit at nakahulma sa lupa ang mga tansong bakas ng mga paa na kapag tinunton ay magwawakas sa lugar na pinagbarilan kay Dr. Rizal sa Luneta.
May paisa-isang kalesang nagpapahinga sa lilim nang malalaki, malalagong mga puno ng akasya. Mayroon ding naglalakbay, sakay ang dalawang pasahero na karaniwan ay magkasintahan o bagong kakakasal, na nagpapagunita ng isang romantikong tanawin. Mayroon ding mga pasahero na sakay ng kalesa upang gunitain ang isang lumang bahagi ng ating kasaysayan.
May mga bantay na naglalakad o nakahimpil sa harapan ng mga gusali. Kapuna-puna ang suot nilang uniporme - na uniporme ng mga Katipunero.
Ngunit lalong kapuna puna ang apat na bantay na naka uniporme ng Katipunero na palaging nakasunod kina Alex at Rita.
Napansin iyon ni Rita. Ano ba ito? Parang sinusundan tayo ng apat na Katipunero.
Mga kasama ko ang mga iyan. Mamaya sasabihin ko sa iyo kung bakit sila narito.
Hindi ba kasama mo sila kahit saan ka magpunta?
Hindi naman. Kaya lang ngayon ay kailangan ko sila.
May threat sa buhay mo ano?
Mamaya ay ipaliliwanag ko sa iyo.
Iniba ni Rita ang usapan. Hindi ka maniniwala pero ngayon lang ako napunta rito.
Ha?
Oo.
Bakit?
Walang nagsabi sa kin nong bata pa ko na ganito kaganda ang lugar na ito. Na ganito kadakila ang kasaysayan ng lugar na ito. Pero ngayon ay malaki na ko, at matanda na, ay panahon na para makita ko.
Marami sa atin ang makasaysayang lugar, dangan nga lamang at kulang sa alaga.
Halimbawa?
Mayroon tayong National Museum, yong dating Congress sa atin.
Anu-ano ang mga naroon?
Marami. Naroon ang mga arts, gaya ng mga paintings nina Juan Luna, Hidalgo at Amorsolo.
Noong nasa Europe ako, minsan ay nagpunta ako sa Louvre sa Paris, at dito ay nakita ko ang mga obra maestra ng mga dakilang artists o painters sa kasaysayan ng daigdig. Gaano kadakila si Juan Luna kung ihahambing sa kanila?
Masasabi ko na isa siya sa kanila. Masasabi ko rin na kasinghusay nila siya.
Anu-anong mga paintings ni Juan Luna ang naroon?
Marami. Pero, namumukod tangi ang SPOLARIUM.
Ang kanilang paglalakad ay humantong sa bunganga ng kuweba o dungeon. Sarado ang gate nito mandiy upang itago ang kanyang madugong kasaysayan.
Alam mo ba na sa dungeon na ito ay daan daang mga Pilipino at Amerikano ang namatay sa torture, gutom at sakit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Narinig ko na...pero hindi ko alam ang kanyang buong kasaysayan.
Nagpatuloy sila sa kanilang mabagal na paglalakad patungo sa isang naghihintay na kalesa.
Sumakay tayo, mungkahi ni Rita.
Unang pagsakay mo ito sa kalesa.
Oo.
Ikaw?
Madalas. Kutsero ang ama ko noong araw.
Nilapitan nila ang kalesa. Naghihintay kayo ng pasahero?
Oo.
Gusto kong ipasyal ninyo kami.
Sakay na kayo.
Mabagal na naglakbay ang kalesa, paikot sa Intramuros. Minamasdan ni Rita ang kanilang dinadaanan, na bawat gusali ay alam niya na bahagi ng ating kasaysayan.
Tapos na ang kanilang maikling paglalakbay.
Magkano? tanong ni Alex sa kutsero.
Sinabi ng kutsero kung magkano.
Dinoble ni Alex ang bayad.
Maraming salamat, halos maluhang sabi ng kutsero sa pasasalamat.
Sa gitna ng hardin ay maraming mga bangko ang nakapuwesto. Sa isang bangkong katabi ng old Spanish cannon ay inaya ni Alex si Rita na maupo sila.
Naupo sila.
Hindi mo pa alam, pero may malaking trahedya, na maaring maapektuhan ang ating pangkat, ang naganap kahapon.
Trahedya! Malaki!. Alam ko na may nangyari dahil narito ang mga bodyguards mo. Pero hindi ko alam na tragedy. May pakiramdam si Rita na mayroon sa kanilang grupo ang pinatay. Sino ang pinatay?
Saglit na bumuntunghininga si Alex. Ang ating chairman.
Oh my God! Saan siya pinatay?
Sa Europe. Nasa kalapit bansa siya, sa isang speaking engagement.
Ano raw ang dahilan?tanong ni Rita.
Hit iyonpolitically motivated. Alam mo naman, sa grupo natin, marami tayong magiging kaaway.
Mahirap talaga ang buhay. Gumagawa na tayo ng mga kabutihan, marami pa tayong kaaway.
Napansin mo siguro na may apat na Katipunero na parating nakasunod sa atinmga bodyguards ko ang mga iyan.
Sinasabi ko na nga ba. Bakit kailangan mo ang mga bodyguards gayong nasa loob naman tayo.
May tinanggap akong text kagabibabala.
Babala?Anong babala?
Na ako raw ang susunod.
Saglit na di kumibo si Rita. Nag-iisip siya. Alam niya na sa uri ng trabaho ni Alex, ang buhay nito ay parating nakataya, na ang babala, totoo man o hindi, ay hindi sapat na dahilan upang ito ay mabagabag. Gayunman ay gusto niyang sa bibig ni Alex ito manggaling. Are you worried?
Absolutely not. I am a fatalist. If my time is up, my time is up.
What are we going to do now?
We will continue. The organization must continue.
Magmula sa kung saan ay humahangos na dumating ang isang teen-ager na lalake, mga labing anim na taon marahil, tulak nang kanang kamay ang isang maliit na kariton na may lamang mga pahayagan at iba pang mga babasahin, candy, sigarilyo, chewing gum, bottled water.
Nakataas ang kaliwang kamay nito, hawak at iniwawasiwas ang kopya ng Philippine Hope. Isinisigaw nito ang headline ng pahayagan. DIARYO!DIARYOO!!DIARYOOO!!! MALAKI AT MASAMANG BALITA LEADER OF A FILIPINO NATIONALIST GROUP ASSASINATED.
Tinawag ni Alex ang bata, Philippine Hope nga.
Lumapit ang bata sa kanila. Sa karitong tulak ay kumuha ang bata ng pahayagan. Iniabot niya iyon kayAlex.
Thank you, sabi ni Alex. Magkano
Beinte cinco po.
Binigyan ni Alex ng cincuenta ang bata. Keep the change.
Napansin ni Rita ang kalungkutan sa mata ng bata. Anong pangalan mo?
Patricio po.
Patricio ano?
Patricio del Cano po.
Ilang taon ka na?
Disisais po.
Napansin ni Rita na maliit ang bata sa edad niyang iyon. Marahil ay dahil sa payat ito. Malinis na puting kamiseta ang suot nito at ang suot niyang malinis din na maong na pantalon ay halatang malaki sa kanya at pinipigil sa pagbaba sa kapit ng sinturon.
Hindi na kumibo ang bata. Itinuloy nito ang pagtulak ng kariton.
Iniladlad ni Alex ang pahayagan. Sinasabi sa headline sa matingkad, malalaki, kulay dugong pagkakasulat, FILIPINO NATIONALIST ASSASINATED. Sa ibaba nito ay ang technicolor na larawan ng bangkay ni Armando Dalisay. Nakalatag ang kanyang tuwid na katawan sa bangketa. Naging tila mapa ang natuyong dugo sa tabi ng kanyang ulo. Sa kanyang paligid ay nakasambulat ang mga laman ng kanyang attach.
Nababakuran ng yellow tape ang kanyang bangkay at sa loob nito ay dalawang alagad ng batas ang naghahanap at kumukuha ng mga katibayan.
How was he killed?
Single shot to the head.
It must be done by a professional.
Those bastardsthey would not stop until they eliminate us, and I could be next.
Sa di kalayuan, mga dalawampung metro marahil ay naroon ang mga bodyguards ni Alex at nagmamasid.
Samantala ay hindi lumayo ang batang nagtitinda ng diaryo. Tulak ang kariton ay umikot lamang ito patungo sa likuran nina Alex at Rita.
Nagkahinala ang mga bodyguards ni Alex nang makita nilang sa pag-ikot nito ay isinabit niya sa kanyang likuran ang isang back pack. Nakalawit sa back pack ang isang alambre patungo sa kaliwang bulsa.
Lumakad ang bata patungo sa likuran nina Alex at Rita.
Humahangos na tumakbo ang chief of security ni Alex, na si PO3 Santos. Palundag na niyapos niya ang bata, sabay sigaw ng DAPA!.
Paigtad at padapang itinulak ni Alex si Rita. Padapang nakapatong si Alex sa likod ni Rita sa kanilang pagdapa, mandiy pinangangalagaan niya ang kaligtasan ni Rita. Kasabay din ng kanilang pagdapa ay ang pagyapos ni PO3 Santos sa bata na kasabay rin ay ang pagpindot ng bata sa detonator ng homemade bomb.
Isang malakas na ingay ng pagsabog ang nilikha nang pagsabog ng bomba.
Isang tanawing masakit sa paningin ang bangkay ni PO3 Santos at teen bomber.
Maliban sa pagkasindak ni Rita ay walang nangyari kina Alex at Rita.
KINABUKASAN ay headline sa lahat ng mga pahayagan sa Pilipinas, gayundin kahit na hindi headline ay malaking balita rin sa maraming pahayagan sa ibang mga bansa. Pangunahing balita rin ito sa lahat ng radio at television, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa ibang mga TV World News Networks sa maraming bahagi ng mundo.
Pinakamalaki ang coverage ng Philippine Hope, na isang pahayagan na ari ng isa kasapi at puno ng pangkat ng MGA BAGONG MAKABAYAN, na si Crispin Tan. Sinasabi sa headline ng Philippine Hope: TEEN BOMBER FAILED TO KILL MILITARY OFFICER.
MAY KARUGTONG
SA FORT SANTIAGO