SUMIKAT NA ANG ARAW- KABANATA 22
Ni Rene Calalang
Scarborough-Ontario-Canada
TAPOS na ang halalan at ang lahat ng kandidato ng Pangkat ay nanalo. Hindi lamang iyon, libo libo ang kanilang mga bagong kasapi sa buong bansa.
Bilang pagdiriwang ng kanilang tagumpay ay ipinasiya nina Alex at Rita na magpakasal. Alam nila na SUMIKAT NA ANG ARAW sa bagong Pilipinas.
Ipinasiya nila na ganapin ang kasalan sa Paco Park dahil sa kasaysayan nito.
ANG Paco Park, na dating kilala sa pangalang Paco Cemetery, ay isang pabilog na libingan ng mga mayayaman at mga makapangyarihan noong panahon ng Kastila. Sa loob ng park ay naroon ang Chapel of St. Pancratius, (kilala na Patron Saint of the Children, sapagkat siya ay pinatay noong siya ay labing apat na taon lamang dahil sa kanyang pagtanggap at pagsamba sa Panginoong Hesukristo). Itinigil ang paglilibing dito noong 1912 at noong 1966 ay ginawang park.
Kilala din ito bilang palihim na libingan ng ating dakilang bayani na si Dr. Jose Rizal matapos siyang barilin sa Bagumbayan. Dito rin inilibing ang tatlong dakilang pare na sina Father Gomez, Burgos at Zamora.
Sa kasalukuyan ay dito ginaganap ang mga classical at mga traditional Pilipino music concerts na ginaganap linggo linggo na tinatawag na PACO PARK PRESENTS, kasama na ang pagdiriwang ng Philippine German Month sa buwan ng Marso.
Katapat ng arkong pasukan at sa harap ng Chapel of St. Pancratius ay isang nakataas na fountain, na sa gabi ay pinagliliwag ng mga ilaw na may ibat ibang kulay na nagbibigay nang sumasayaw na bahaghari.
Sinisilungan ang park sa init ng araw ng mga matatayog, malalaki at madahong mga puno. Karaniwang nakikita ang nagpapalipat-lipat sa sangang mga kalapati.
Ngayon ay kilala ang park na ito bilang lugar na kasalan at iba pang mga pagtitipon.
IYOY isang simpleng kasalan na ang mga nagsidalo ay ang mga pamilya nina Alex at Rita at ang Pamunuan at mga piling kasapi ng Pangkat.
Itoy simple sapagkat wala ang sampu o higit pang mga ninong o ninang na sa katayuan nila ay dapat sana ay mga mayayaman, makapangyarihang mga tao. Iniwasan nila ito sapagkat alam nila na isa sa ating mga di kagandahang kinagisnang kaugalian ay ang pagiging sagisag ng impluwensiya ng ninong at ninang sa kanyang inaanak.
Sa halip, ang kanilang ninong at ninang ay tig-isa lamang, na traditional, sapagkat alam nila na ang pagkakaroon ng ninong at ninang ay pagkakaroon din ng pangalawang mga magulang. Ilan bang ina at ama mayroon ang isang tao, di ba iisa lamang?
Hiniling nina Alex at Rita na ang lahat nang naroong mga lalakeng kabilang ng Pangkat ay nakasuot ng uniporme ng Katipunero sapagkat sa kasalukuyan, sila ang mga bagong Katipunero, iba nga lamang ang uri ng pakikilaban at iba ang uri ng kaaway. Iba rin ang uri ng kanilang ipinaglalaban, na noong panahon ng Kastila, iyon ay kalayaan; ngayon, iyon ay katiwalian.
Hiniling din nina Alex at Rita na ang mga babaeng kasapi ng Pangkat ay magsuot ng Maria Clara bilang paggunita sa mga babaeng sagisag ng babaeng Pilipina, ayon kay Rizal. Ito rin ay upang gunitain ang asawa ni Andres Bonifacio, si Gregoria de Jesus, na sa mga larawang makikita sa kasaysayan ay nakasuot ng Maria Clara.
Nakasuot ng rayadillo si Alex, na sa nakakaalam ng ating kasaysayan ay masasabing hawig sa suot ni General Gregorio del Pilar ng kanyang ipagtanggol ang Tirad Pass.
Naka puting Pilipina dress si Rita, na sa kanyang paniniwala ay sagisag ng kalinisan hindi lamang ng kanyang panlabas na kaanyuan kung hindi ng kanyang buong pagkatao.
Nasa likod ni Alex ang kanyang ninong. Nasa likod naman ni Rita ang kanyang ninang. Kaagapay ni Alex ang kanyang best man na si Avelino Enriquez (na pinili niya kahit na sa isang panahon ay kanyang kalaban, ay kanya namang hinangaan dahil sa tibay ng paninindigan nito). Kaagapay naman ni Rita ang kanyang maid of honour na si Conchita Kim (na pinili ni Rita dahil sa ginawa nitong pagtalikod sa pamilya ng dahil sa tibay ng kanyang paniniwala).
Ang seremonya, na ginampanan ni Father Nicolas, na marahil ay kanya nang huling function bilang Reverend, ay ginanap sa harap ng puntod ni Rizal matapos siyang barilin sa Bagumbayan.
Pagkatapos na magsabi sina Alex at Rita ng I DO sa isat isa ay biglang nagliwanag ang kangina lamang ay kulimlim na langit. Pagkuway sumilip ang araw. Ang mga puting kalapati ay gumawa ng ingay at nagliparan patungo sa kalawakan para bang sinasabing SUMIKAT NA ANG ARAW sa bagong Pilipinas.
WAKAS
KASALAN SA PACO PARK