Please Help!
(Laila Tolosa Al-Amin, OFW, Cancer Patient)

Riyadh, Saudi Arabia
Sun 19th June 2011
Annex I @@Please Help!
(Laila Tolosa Al-Amin, OFW, Cancer Patient)
@@By: J. Nava Cruz
@Riyadh, Saudi Arabia
Nakakahiyang lumapit sa ating mga kababayan. Alam kong mayroong din silang mga pansariling problema. Makakadagdag pa kami sa kanilang pasanin, mga salitang binitawan ni Laila Tolosa Al-Amin, isang OFW at cancer patient na naka-base sa Riyadh sa manunulat bago siya nagtawid-dagat para ihatid at samahan ang kaniyang mga anak pauwi ng Pilipinas kung saan sila magpapatuloy ng pag-aaral. Higit sa lahat, muling makita at makasama ang mga naiwang miyembro ng kaniyang pamilya at mga kamag-anak.

Ayon kay Laila, January 2009 ng makaramdam ako ng lower back pain. Akala ko dahil lamang sa pagod. October 2009, ang finding scholosis. Tuloy-tuloy ang check-up ko. Nagpalipat-lipat ako ng doctor. Kala noong una, tuberculosis lamang. Iyon pala, lung cancer stage IV metastasis. Nasa bones ko na at liver. Sinabi ni Laila, sa simula at sa bawat araw at gabing dumadaan, lubos na napakasakit sa kaniya habang pinagmamasdan ang kaniyang mga anak at asawa isipin pa ang kaniyang dalawang anak na nasa Pilipinas. Dagdag ni Laila, labis ang kaniyang pananalig kay Allah, sa Lumikha at tinatanggap niya ang lahat ng mangyayari. Sabi nga kaniyang bunsong anak, si Jamila, Never mind, Mommy. All of us will die. Kahit alam niyang lungkot na lungkot ang kaniyang bunso.
Sa pakikipagpalitan ng inpormasyon ng manunulat (via e-mail interview) kay Ate Laila at sa kaniyang pamilya sa Pilipinas, napag-alaman na ang King Fahad Medical City (KFMC) sa Riyadh, kung saan siya nagtrabaho bilang isang midwife, ang nagbigay suporta sa mga gastusin kasama na ang pagsisikap at pagtataguyod ng kaniyang asawa (si Mohammad Al-Amin) na matugunan ang napakaraming gastusin ng pamilya kasama na rito ang pag-aaral ng mga bata at ang ilan pang gastusing medical para kay Laila. Sa kasalukuyan, at habang nasa Pilipinas si Laila kasama ang kaniyang buong pamilya at nagbabakasyong asawa, napag-alaman na lubhang napakabigat ng kanilang pinagdadaang buhay isipin pa ang walang patid na gastusin sa medical expenses ni Laila tulad ng direstsong buwanang gamutan para sa kaniyang bone (someta) treatment 19,000 Pesos; 2,000 Pesos na doctors consultation fee, at ang kinakaharap na bone scan at CT scan halos humigit kumulang sa 50,000 Pesos. Ang nakakalunos ay wala na palang medical insurance si Laila dahil napaso na ang kaniyang OWWA contributions simula nang hindi siya makauwi ng halos dalawang taon at hindi na-renew ang mga dokumento. At sa buwanang suweldong SR 5,000 nang kaniyang asawa, si Mohammad, saan nga ba makararating ang (Dollars 1,335 o Pesos 56,900) para harapin ang lahat-lahat ng mga problema kasama pa ang gastusin ng tatlong anak sa kanilang pag-aaral sa university at high school: si Hassan (Central Philippine University), Ibrahim Miagao UP at Jamilla na nasa CPU High School.
At habang patuloy ang pag-asam ni Ate Laila na sana nga ay tuluyang makaya nang kaniyang katawan na muling makabalik sa Riyadh at makasama pa ang kaniyang asawa na patuloy na maninilbihan bilang isang OFW sa Saudi Arabia, taus puso namang lumalapit ang kaniyang tatlong mga kabataang anak sa mga Kababayang Pinoy na sana ay bigyang tugon ang kanilang kahilingan na tulungang madugtungan ang buhay ng kanilang pinakamamahal na ina.

(Habang sinisipi ang lathalaing ito, nasa Iloilo City ang mag-iina at kung saan patuloy na nagpapagamot si Laila sa Mission Hospital ng nasabing siyudad. At sa mga may ginintuan puso na gustong magkaloob nang tulong pinansyal, maaari itong ipadala sa kaniyang anak: (Hassan Mohammad T. Al-amin Bas, Philippine National Bank (PNB) PNB Account No. 592108 203 9139626, Address: Iloilo City, Philippines). Samantala, sa mga gustong magbigay suportang moral, maaaring makausap si Laila Tolosa Amin sa Cellphone No. 0063 9499319829 o sa pamamagitan ng cellphone ni Hassan: 0063 9485545280. (J. Nava Cruz, an OFW, is a freelance writer/author/documentarist E-mail at - from the pages of Abante Middle East / June 10, 2011)