SUMIKAT NA ANG ARAW -KABANATA 21
SA ARAW NG PAGPILI
Ni Rene Calalang
Scarborough-Ontario-Canada
TATLONG ARAW na lamang at halalan na. Panahon na upang alamin ni Alex ang kalagayan ng mga kandidato ng Pangkat.
Sapagkat sila ay nasa Hilagang Luzon na, nagpasiya nilang puntahan ang Concordia at San Cristobal.
Sinalubong sila nina Crisanto at Thomas kasama ang iba pang mga kandidato ng Pangkat.
“Kumusta ang biyahe ninyo?” tanong ni Crisanto.
“Maganda. Hindi kami napagod dahil nasa
academy kami kahapon. Saan ang punta natin ngayon?”
“Doon sa ginagawa naming aklatan. Katatapos lang at ngayon ang
blessing. May kaunting handaan.”
IYON ang unang aklatan na itinayo ng pangkat ni Crisanto. Itinayo ito sa pinakamalayong sulok (sa lupang abuloy ng pamilya ni Crisanto) upang malayo sa
basketball court sapagkat bilang aklatan ay kailangan nito ang katahimikan.
Sa pagkakaroon ng mga
volunteers na mga
architects,
engineers at mga
enviromentalists, ang natayo ay isang maganda, makabago at
environmental friendly na gusali. Lumaki rin ang
budget sa pagdami ng
fundraising at sa pag-aabuloy ng pera o ano mang makakayanan ng mga taga Concordia.
Ginamit din dito ang pinagsamang makabagong
technology at
practical na mga pamamaraan upang maging
energy efficient. Nariyan ang paggamit nang maraming mga
solar panels sapagkat sagana ang ating bansa sa sikat ng araw. Nariyan ang paggamit ng mga
skylights upang magkaroon ng
natural na liwanag. Nariyan ang paggamit ng bubong na tisa upang hindi maalinsangan sa loob ng gusali.
Humanga si Alex sa kanyang nasaksihan. Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Nagpadala ng
text kay Crispin upang bigyan ito ng
exposure sa PHILIPPINE HOPE at sa PHILIPPINE HOPE PRESENTS TV station.
Pili ang mga panauhin.
Narito si Father Mercado, isang bata, makabagong pare, upang magbigay ng
blessing. Iba si Father Mercado. Kakampi siya ni Father Nicolas. Tulad ni Father Nicolas, ay naniniwala siya na hindi sapat ang dasal upang maging isang ganap na Kristiyano.
Narito ang lahat ng pamunuan at mga guro ng nga paaralan sa Concordia.
Narito ang lahat ng mga kasapi ng Pangkat.
Narito ang mga mag-aaral na uhaw sa dunong ngunit busog sa pangarap. Sa wakas, sa loob-loob nila, ang kanilang inaasam na karunungan ay matatagpuan at makakamtan na rin nila sa daan daang mga aklat at magasin at sa pamamagitan ng paggamit ng
cyberspace technology.
Ngunit mapupuna na walang mga pulitiko dito sapagkat sa Concordia, ang hari pa rin ay ang mga TRAPO.
Marami ng mga aklat ang nasa aklatan gayong kauumpisa lamang, na ayon sa
volunteer librarian ay padala ng mga taga Concordia na may mga kapatid, kamag-anak o kaibigan sa Canada o America.
Mayroon na ring mga
personal computers na kahit na hindi ang pinaka
latest version ang
operating system at iba pang mga
software, ay sapat naman upang mabigyang katuparan ang mga pangangailangan ng mga mananaliksik.
Kapuna-puna rin ang mga
furnitures dito, na lahat ay gawa sa kawayan, na sagana sa Nueva Provincia.
Sa pagkakaroon ng mga
artist sa Pangkat, ang mga
furnitures ay nagkaroon ng mga
arts, na ini
apply nila ng
patent. Sa hinaharap, gusto nilang
i mass produced ang mga
furnitures at ang perang kikitain ay gagamitin sa mga proyekto ng Pangkat.
Oras na ng bendisyon. Nilikom ni Father Mercado ang mga naroon upang mag-alay muna ng isang maikli, makabuluhang dasal.
Namuno si Father Mercado,
“We thank you Lord for bringing us here together to bless this wonderful building made possible by these Christian volunteers who believe that to achieve a certain goal, a collective effort is needed; and that money, though needed, is not everthing, and that prayers must be supplemented by actions. We thank you and ask you to continuously guide them in their noble endeavor. AMEN.”
“AMEN.”
Lumakad ang prusisyon ng mga dumalo sa pangunguna ni Father Mercado, iwiniwisik ang banal na tubig sa bawat kuwarto at bawat pasilyo.
Tapos na ang
blessing at ang sumunod ay isang masaganang pananghalian ng mga katutubong pagkain na handog ng mga taga Concordia.
Sa isang sulok, sina Alex at Crisanto ay nag-uusap. Iniba ni Alex ang paksa. “Ilan na ba ang naitayo ninyong
basketball court?”
“Siyam na.”
“Excellent.”
“Kumusta na ang mga kabataan?”
“Marami na ang sumama sa amin pero marami pa rin ang hindi.”
“Tiyaga lang. Iyan lang ang gagawin natin…tiyaga.”
“Ano sa palagay mo ang mangyayari sa halalan?”
“No contest.”
“Bakit mo nasabi iyan”
“Nagising na ang mga tao. Pag may ginagawa kami, sa halip na manood lamang at mamintas, karamihan ay tumutulong na, o iyong iba na hindi makatulong ay nagdadala na lang ng pagkain.”
“Pa’no ‘yong mga miting ng mga kalaban natin?”
“Karamihan ay nilalangaw.”
“Kahit na may kasama silang mga
celebrity?”
“Kahit sino pa ang dalhin nila.”
“Sigurado kang NO CONTEST.”
“Sigurado ako.”
SUNOD na pinuntahan nina Alex ang San Cristobal. Siya ay lalong namangha sa nakita niyang lalong malaking pagbabago: ang dating bahaw, patay na patubig ay buhay na. Ang dating maitim, tila asido, lasong tubig ay napalitan na nang malinis, tila
crystal na tubig na payapang umaagos. Tumatalon ang ilang bata sa tulay na nag-uugnay sa magkabilang pampang. Sa di kalayuan ay ilang
senior citizen ang namimingwit.
Naglalakad sila sa pampang nang bagong kahuhukay na patubig. Minamasdan nila ang mabagal ngunit tuloy tuloy na agos ng tubig. May ilang isda ang tumatalon, sumisirko na tila naglalaro.
“Ano ang lagay natin?” pasimulang tanong ni Alex.
“Walang problema. Ang tao na ang lumalapit sa amin na huwag na daw kaming kumampanya dahil sigurado na. Ang asikasuhin na lang daw namin ay ang ginagawa namin.”
“Baka masingitan tayo?”
“Sa palagay ko naman ay hindi. Katunayan nga, pag may miting ang mga TRAPO, kakaunti na lamang ang nagpupunta.”
“Bakit daw?”
“Sawa na raw sila sa mga pangako na napapako.”
“Maigi naman.”
“Hindi lang iyon, bilib sila sa amin.”
“Bakit daw?”
“Hindi pa raw kami nauupo ay katakot takot na ang nagagawa namin. Paano pa raw kung maupo na kami. S’yenga pala, iyong
video at
supplement na ginawa ng Pangkat ni Crispin, mabisa ba?”
“Napakabisa. Katunayan nga, marami ng mga kabataan ang sumasapi sa atin at ang sabi, pagkatapos ng halalan ay gagayahin ang mga ginagawa natin.”
“Good. Now, we are in business.”
SAMANTALA, sa San Quentin, ang inaasahan ng Pangkat ay isang maduming halalan.
Mahigpit ang labanan. Ito’y laban ng kabutihan laban sa kasamaan; ng kalinisan laban sa maduming mga pamamaraan. Dahil dito ang bagong tatag na NEIGHBOURHOOD WATCH ay nagkaroon ng trabaho.
Naroon sila, naka T-shirt na kulay pula at pantalong maong. Wala silang sandata, sapagkat sa pagkakaroon ng sandata ay dahilan upang sila ay hindi makalapit at makapagmasid. Ang sandata lamang nila ay ang
cell phone na may
camera, na ang iba na pinakamodelo ay mayroon ding
video camera.
Nakita sila ng mga
canvasser at ang mga iyon ay natakot. Alam nila na ang ano mang pandaraya na kanilang gagawin ay matatala sa mga camera at mga
video camera. Alam din nila na kung sila ay tututol at ikakaila ang mga katiwalian, ang mga iyon ay mapatutunayan ng mga
Neighborhood Watchers sa pamamagitan ng mga larawan at mga
video na kanilang ibibigay sa mga
Investigative Reporters ng PHILIPPINE HOPE at sa TV program na KAYA NAMAN PALA, at ang mga katiwalian ay mabubunyag.
Nakita ng mga
Neighborhood Watchers na ang kilos ng mga
canvasser ay pag-aalinlangan, na kung mayroon man silang iniisip na gagawing pandaraya, sila ngayon ay nagdadalawang isip.
NAROON na rin ang isang
platoon ng
Special Forces na itinalaga ni General Marasigan. Armado sila. Handang ipatupad ang mga batas sa anumang paraan, gagamitin ang lakas kung kinakailangan.
MAY KARUGTONG