26 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
SUMIKAT NA ANG ARAW - KABANATA 20

ISANG ARAW SA ACADEMY



Ni Rene Calalang
Scarborough-Ontario, Canada

 
 


MAY paanyaya kay Alex na isang reunion ng alumni ng Philippine National Military Academy. Iyo’y isang pagtitipon na karaniwan ay kailangang kasama ang asawa o kasintahan upang magkaroon nang masayang gabi. Walang asawa o kasintahan si Alex at si Rita lamang ang maari niyang anyayahan.

Ipinasiya niyang anyayahan si Rita.

Nasa KATUTUBO RESTAURANT sila noon upang maghapunan sapagkat nagustuhan na nila ang pagkain dito, na mga prutas at mga gulay na inani sa pamamagitan ng pamamaraang organic. Nagustuhan din nila ang mga isda at iba pang sea foods na niluto nang sariwa.

Ngunit ang gabing ito, na ini reserve ni Alex, ay iba. Hiniling niya ang isang candle light dinner sa isang pribadong kuwarto, na sa gitna ng mesa, sa flower base na crystal, ay maglagay ng isang dosenang red roses.

“Wow! Very romantic. Sigurado ka bang nasa tamang lugar tayo?” pabirong tanong ni Rita.

“Sasabihin ko sa iyo mamaya kung ano ang occasion ngayon.”

“Really? Excited ako.”

Dumating ang naka uniporme ng puting waiter at inilagay sa kanilang harapan ang wine glass na crystal. Inilagay din nito sa gitna ng mesa ang isang bote ng mamahaling champagne. Inalis ng waiter ang tapon ng champagne at binuhusan ng champagne ang kanilang wine glass.

“This is really something different. What is the occasion?”

“I’ll let you know later but first I have to ask you a favour.”

“Sure.”

“Gusto kong samahan mo ako sa reunion namin.”

“Kailan?”

“Pitong araw magmula ngayon.”

“Iisipin ko.”

“Bakit?”

Nagdadalawang isip si Rita kung sasama siya. Kahit na gusto niya si Alex, at alam niyang gusto naman siya nito, ay wala naman silang formal na relationship. Totoong kung minsan ay sumasama siya sa ilang mga lakad ni Alex na may kinalaman sa mga ginagawa ng Pangkat, ngunit ang katotohanan ay gusto niyang bawasan ito. Iginagalang niya ang kanyang sarili at ayaw niyang magkaroon nang masamang hinala ang kanilang mga kasama sa kanya.

“Hindi magandang tingnan. Parati tayong magkasama na parang magkasintahan o mag-asawa gayong wala naman tayong relationship. Para sa akin ay hindi tama iyon. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao. Kahit makabago ako ay hindi ako payag doon.”

“Di magpakasal tayo?”

“Pero hindi naman tayo mag boyfriend.

“Di boyfriend mo na ‘ko at girlfriend naman kita. O ano? Payag ka?”

Natawa si Rita. “Ang bilis mo naman. Ngayon ka lang nagtapat ay gusto mo na kaagad na sagutin kita.”

Si Alex naman ang natawa. “Pareho din iyon. Ikaw na rin ang nagsabi, “Time is of the essence. O ano, payag ka?”

Pabirong natawa si Rita. “Iisipin ko muna.”

“Bilisan mo ang pag-iisip. Kulang tayo ng panahon.”

“Sige na nga. Pero hindi pa tayo maaring magpakasal.”

“Bakit hindi?”

“Hindi ka pa nagpo propose sa akin?”

Si Alex naman ang nagbiro, “Iisipin ko muna kung pakakasalan kita.”

“Sigurado ka bang “Yes” ang isasagot ko.”

Tumayo si Alex. Inalis ang sinsing sa kanyang daliri na sagisag na siya ay nagtapos sa Philippine National Military Academy. Inabot niya ang kaliwang kamay ni Rita at inilagay ang sinsing sa daliri nito, sabay luhod at sabing, “WILL YOU MARRY ME?”

Saglit na nag-isip si Rita bago sumagot, “Of course, I will.”

IYO’Y isang pormal na pagtitipon na dinaluhan ng mga WHO’S WHO sa academy. Nariyan ang mga retirado ng mga Generals at mga Colonels at mga Admirals at mga Commodores. Nariyan ang mga kasalukuyang mga Generals at mga Colonels at mga Admirals at mga Commodores. Nariyan ang mga Lieutenants at mga Captains at mga Majors na magiging mga Generals at mga Colonels at mga Admirals at mga Commodores sa hinaharap.

Pormal silang lahat na kung hindi naka barong Tagalog ay naka suit. Tulad ng inaasahan, ang kanilang mga partner ay naggagandahan, suot ang pinakamagandang damit at kumikinang na mga alahas.

Iyo’y isang gabi ng pagdiriwang na upang hindi magkaroon ng personality cult ay iniwasang ipakilala kung sino ang sino.

Ngunit nakilala si Alex ni Colonel Tolentino, na marahil, dahil sa paghanga niya kay Alex ay hindi niya naiwasang ipakilala siya. Lumapit siya sa emcee at sinabing gusto niyang ipakilala si Alex, na pinaunlakan naman siya, “No problem Sir, go ahead.”

Umakyat si Colonel Tolentino sa entablado at sa malinaw, buong boses ay sinabing, “Ladies and Gentlemen, I can’t help but announce that one of our guest here today is the leader of a nationalist group called ANG MGA BAGONG MAKABAYAN. Though, he is no longer in service, to all of us here, the alumni of this great institution, he will always be one of us.

He was also the hero of a hijacking incident that happened not too long ago, and for having subdued the hijacker, he saved hundreds of passengers from anguish and even possible death. For such a heroic act, he was awarded the medal for bravery given by the President.

Ladies and Gentlemen, put your hands together and give this very charismatic colleague and leader a very warm and thunderous ovation.”

Tila iisang tumayo ang lahat ng naroon at tila iisang ring binigyan si Alex ng isang masaganang palakpakan.

Hinintay ni Alex na humupa ang palakpakan bago siya tumayo. Ginantihan niya ang pagkilala sa kanya sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang dalawang kamay, pagharap at bahagyang pagyuko sa mga naroon sa apat na panig ng bulwagan.

Naupo si Alex.

Magkakasama sa pabilog, nadadamitan ng puting tela na mesa sina Alex at Rita, General Marasigan, Commodore Dominguez, Major Martelino at ang kani-kanilang maybahay.

Sumagi sa isip ni Alex ang mga pag-a-alinlangan ni Rita sa pagsama sa kanya. Upang mawala ang kung ano man ang hindi kagandahang iniisip ng mga kasama nila sa mesa ay ipinahayag ni Alex ang katotohanan, “I would like to announce that me and Rita are now engaged.”

Hindi nabigla ang mga nasa mesa sapagkat alam nila na sina Alex at Rita ay para sa isa’t isa.

“Wow! Congratulations to both of you.” Puno ng kaligayahan ang boses ni General Marasigan. Tumayo siya at kinamayan sina Alex. Dinampian niya ng halik sa pisngi si Rita.

Tumayo rin si Commodore Dominguez. Kinamayan niya sina Alex at Rita. Masaya ang boses na binati niya ang dalawa, “My congratulations to a wonderful couple. I know you will be excellent partners.”

Tumayo si Major Martelino at sumaludo, “Sir, Congratulations!”

Tumayo rin si Alex at ginantihan niya ng saludo si Major.

“Kailangang ipagdiwang natin ang pagiging engaged ninyo,” pagpapatuloy ni General Marasigan. Inabot niya ang bote ng champagne na nasa gitna ng mesa. Inalis ang tapon na takip nito. Sumingasing ang ispiritu ng champagne.

Maingat niyang binuhusan ng champagne ang kopita ng bawat isa.

Naulinigan ni Colonel Tolentino, na nakaupo sa katabing mesa ang nagaganap. “Wait a minute, Sirs. If you are going to offer a toast for them, let everybody do it for them.”

“Great idea! How come I did not think of that?”

“And you have to lead it on the stage,” mungkahi ni Colonel Tolentino.

Tumayo si General Marasigan at lumakad patungo sa stage. “Ladies and Gentlemen, because of the engagement of Colonel Reyes and his fiancée, we would like to offer them a toast. Please fill your glasses with champagne, stand and repeat after me.”

Tumayo silang lahat.

“Our most sincere congratulations to a wonderful couple. May their relationship blooms like flowers in the spring; may it be pliant like a bamboo tree, unbreakable even in the strongest wind. To both of you, we drink for your happiness.” pamumunong sabi ni General Marasigan.

Inulit iyon ng iba, “Our most sincere congratulations to a wonderful couple. May their relationship blooms like flowers in the spring; may it be pliant like a bamboo tree, unbreakable even in the strongest wind. To both of you, we drink for your happiness.”

Pinag- umpog nila ang kanilang mga kopita. Sumimsim sila ng champagne. Pinagkurus nina Alex at Rita ang kanilang mga kamay bago sila sumimsim ng champagne.

Pumalakpak silang lahat.

Naupo silang lahat.

“So, when is the big day?” tanong ni Commodore Dominguez.

Nagtinginan sina Alex at Rita, mandi’y iniisip kung sasabihin nila ang katotohanan. Tumango si Rita.

“It depends on the outcome of the election. If we do very well, we will do it right after as part of the celebration.”

“And if we don’t?” tanong ni General Dominguez.

“We may have to wait until things gets better.”

MAY KARUGTONG

    MoreSA ARAW NG PAGPILI
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    TATLONG ARAW na lamang at halalan na. Panahon na upang alamin ni Alex ang kalagayan ng mga kandidato ng Pangkat....
    MoreISANG ARAW SA ACADEMY
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    MAY paanyaya kay Alex na isang reunion ng alumni ng Philippine National Military Academy. Iyo’y isang pagtitipon na karaniwan ay...
    MoreNAGBABALIK NA PARAISO
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    SAMANTALA, sa Isla de Oriente, ang pulitika ay hindi na sanhi ng pagkasira ng kalikasan, bagkus ang pagkawala nito ang...
     
    MoreCFO NOW ACCEPTING NOMINATIONS FOR THE MIGRATION ADVOCACY AND MEDIA (MAM) AWARDS 2014
    Philippine Embassy

    The Commission on Filipinos Overseas (CFO) is now accepting nominations for the Migration Advocacy and Media (MAM) Awards 2014....
     
    MoreMADRID MEETING STRENGTHENS ENFiD
    Marie Luarca-Reyes

    ...
    MoreTO MY COUNTRYMEN WHO WOULD LIKE TO WORK IN MALTA
    Veronica Ugates

    Here in Malta most of the Filipinos are either nanny or caregiver or cleaners. Seldom do we have Nurses, accountants,...
    MorePHL EMBASSY IN TRIPOLI NON-CORE STAFF TO RELOCATE  TO TUNISIA
    Department of Foreign Affairs

    28 July 2014 – Due to the increasing violence and lawlessness in Tripoli, all non-core staff of the Philippine Embassy...
    MoreSA ARAW NG PAGPILI
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    TATLONG ARAW na lamang at halalan na. Panahon na upang alamin ni Alex ang kalagayan ng mga kandidato ng Pangkat....
    MoreFilipino Canadian Ontario Certified Teachers Register Increase, But Hiring Remains Elusive
    Tony A. San Juan

    In the current competitive education resource marketplace, there is an appreciable trend of growth in terms of number of Filipino Canadian...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.