Filipino Volleyball Association of Riyadh
Liga ng FILVAR nagtapos ng may kabuluhan
By Marlon B. Vicente
July 1, 2014
Riyadh, Saudi Arabia: Naging makabuluhan ang gabi ng pagtatapos ng liga ng FILVAR (Filipino Volleyball Association in Riyadh) kung saan ang pamunuan nito ay nakalikom ng halagang SR 1,150 mula sa donation box na kanilang pinaikot bilang tugon ng grupo sa pagtulong kay “Mario,” dito.
Si Mario ay isang kabayan na natagpuan na walang malay sa gitna ng disyerto, dalawang buwan na ang nakalipas. Naging sentro ito ng usapan sa social media pagkatapos maibalita ni Jp Aleta sa TFC Balitang Global, na siyang naging daan para ang pamunuan ng mga iba’t-ibang organisasyon ang pagsasagawa ng adbokasiya para siya ay matulungan, at isa nga nga rito ay ang liga ng FILVAR.
Bukod kay MARIO, kasama din sa natulungan ng grupo ay ang Palmayo Resettlement sa Florida Blanca, Pampanga sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang Projector. Ang Palmayo Resettlement ay pinamumunoan ni Rev. Fr. Jesus Manabat, Jr., kung saan ang layunin nito ay ang tulungan ang mga native aetas.
Ang nasabing liga ay ang ika-siyam na season ng torneyo kung saan nakamit ng Pove Thunder Chloe ang kampiyonato sa huling gabi ng bakbakan upang talunin ang Riyadh Hitters, na nagkamit ng ikalawang pwesto sa iskor na 3-0. Sinundan naman ito ng Diggers Reload at Acers Heart Strong para sa ikatlo at ikaapat na pwesto na siyang bumuo ng final four. Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng tropeyo at cash prizes mula sa organizer.
Kabilang rin sa mga kinilala para sa kanilang husay at galing ay sina Alvin Medina, Jaylord Apas, Anthony Guiao, Ahmed “Adel” Flash, Jeff Jakaria at Tj Tive Guevarra para sa Myhtical Six at Alvin Medina (Best Spiker), Sherman Salac (Best Digger), Robert Que (Best Blocker), Anthony Guiao (Best Setter), Tj Tive Guevarra (Best Server) at Jeoris Novilla (Best Libero) para naman sa indibidwal na pagkilala.
Ang tagumpay ng torneyo ay dahil na rin sa pagbibigay ng panahon at atensyon ng pamunuan ng FILVAR sa pangunguna ni President Wahid Jaafar sampu ng kaniyang mga kasamahan, at higi’t lalo sa tulong at suporta ng FILA, Al Marai, FAWRI Money Transfer Services/MoneyGram, D’Experts, Centrepoint, Yo!, F&M Perfume, Jollibee, Vladimir Villafuerte, Geronimo Solis at Marlon B. Vicente kasama ang nhorms143photography, AKHRO, UMIF at TFC. (Marlon B. Vicente, an OFW based in Riyadh, Saudi Arabia. E-mail at ).