MUNTING NAYON
30 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela.
Last Update: Thu Aug 16 2018
MUNTING NAYON
30 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela.
Last Update: Thu Aug 16 2018
MUNTING NAYON
30 years of Community Service
×
GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 5)


By Rene Calalang
Scarborough-ON-Canada
December 11, 2017


HAYOP sa chicks si Bruce. Hindi lamang mabilis ang kanyang bibig kung hindi mabilis pati ang kanyang mga kamay. Wala siyang pinatatawad - matanda, bata, kahit ano ang relihiyon, kahit ano ang kulay. Sa mga nakakakilala sa kanya, masasabing siya ay sex maniac.

Nagagawa lamang ni Bruce ang mga bagay na ginagawa niya dahil nasa kanya ang mga biyaya upang magawa ang mga bagay na ito. Guwapo siya, matangkad, balbon, at may mapang akit na ngiti. Sa biglang tingin, siya ay may hawig kay Tom Selleck, na ang kaibahan lamang, bukod sa kanyang bigote ay balbas sarado siya na kanyang ipinapa groom kay Ronaldo sa saloon na pinapasukan nito. Masasabing suki siya ni Ronaldo.

Walang trabaho si Bruce ngunit marangyang nabubuhay. Iba ang inuuwian niya kung Lunes, iba kung Martes, iba kung Miyerkules, iba kung Huwebes at iba kung Biyernes. Pag Sabado at Linggo ay sa condo siya, na kanilang inuupahan kasama ang tatlo pang kaibigan.

Pahinga kung Sabado at Linggo, para mag recharge, sabi niya sa kanyang tatlong room mates.

Hayop ka talaga.

Kasalanan ko ba. Ito ang misyon ko sa buhay, ang makapagpaligaya.

NGUNIT ang pahinga niya kung Sabado ay sa araw lamang sapagkat isa sa kanyang katangian, na puhunang kanyang ginamit upang kumita ng karagdagang pera, ay ang husay niyang magsayaw. Nagdi D.I. siya, na kadalasan ang kumukuha sa kanya ay mga Cougars, na kadalasan ay kanyang nagiging Sugar Mommy.

Kung wala siyang party kung Sabado, kadalasan ay sumasama siya sa kanyang mga kaibigan sa Zanzibar Club, na isang club na nilalagian ng mga babaeng naghahanap at mga lalakeng nangha hunting. Dito, dahil sa husay niyang magsayaw at sa tamis ng kanyang mga salita ay madali siyang nakaka pick-up.

ISANG araw na nagpapa groom si Bruce, bilang katuwaan, dahil tsismosa si Ronaldo at alam halos ang lahat ng tsismis sa Toronto, ay ipinakita ni Bruce ang larawan ni Isabel.

Nanlaki ang mga mata ni Ronaldo ng makita ang larawan ni Isabel.

Kilala mo?

Ay, Day, hindi lang kilala kundi Ex ko.

Ex! Are you kidding me?

Hindi Day. Mag-ingat ka sa babaeng iyan. Hayop iyan.

ISANG Sabado bago magpasko, dahil abala ang karamihan dahil sa darating na pagdiriwang ay walang D.I. si Bruce. Nag-istambahay si Bruce, kasama ang isa niyang kapuwa D.I., si Conrad, sa Zanzibar Club.

Nakaupo sila ngunit malikot ang mga mata ni Bruce, naghahanap ng maha hunting. Pagkuway namataan niya si Isabel.

Kasama si Isabel ang kanyang room mate, si Camila. Nagsasayaw sila ng babae sa babae.

Pinagmamasdan ni Bruce ang mga kilos ni Isabel at kung saan ito nakaupo. Nangiti siya ng makita niyang nakaupo sila ni Camila sa isang pabilog, apatang mesa sa sulok ng gusali.

Kinalabit ni Bruce si Conrad,May target tayo ngayon.

Really? Sino?

Iyong dalawang iyon. Inginuso ni Bruce ang mesa nina Isabel.

Kilala mo?

Hindi. Pero makikilala natin kung magpapakilala tayo.

Lapitan natin.

Mamaya ng kaunti. Uubusin ko muna ang beer ko.

Sige, para lumakas ang loob mo.

Ikaw?

Hindi ko na kailangan ang beer. Kung ayaw nila, di huwag.

Makalipas ang mga labinlimang minuto. Tena, aya ni Bruce.

Sinong sa iyo? tanong ni Conrad.

Akin yong mas mataas.

Sige.

Katatapos lamang magsayaw nina Isabel at Camila. Naupo sila.

Tumayo sina Bruce at Conrad patungo sa mesa nina Isabel.

Pagkuway nasa tabi na sila ng mesa nina Isabel. Good evening, ladies, simula ni Bruce.

Tumingala si Isabel at tiningnan si Bruce, mandiy sinisiyasat ang hitsura ni Bruce.

Sa pagtatama ng kanilang mga mata ay ngumiti si Bruce sabay kindat ng kaliwang mata.

Nangiti si Isabel.

Are you waiting for somebody? pagpapatuloy ni Bruce.

Not really.

Could we then join you ladies in your table?

Tiningnan ni Isabel si Camila. Tumango ito.

Ok.

IYOY gabi ng masayang pagdiriwang ng apat na bagong magkakakilala. Lubos ang pagsasaya nina Isabel at Camila dahil sa husay magsayaw nina Bruce at Conrad, na sa tulong ng kaunting inumin, ay bigay hilig ang kanilang pagsasayaw.

MABILIS ang pagkikilala nina Isabel at Bruce. Walang pakipot si Isabel dahil tipo niya si Bruce, na kanyang maihahambing kay Ric sa panlabas na anyo. Labis ang kaligayahang ibinibigay ni Bruce kay Isabel.

LULONG ang pagkaloko ni Isabel kay Bruce. Ginagawa ngayon ni Bruce sa kanya ang mga ginawa niya kay Cipriano.

Sawa na sa pagpunta sa mga resorts sa Carribean sina Bruce at Isabel. Gusto naman ni Isabel na danasin ang mga sea cruises. Spring at may dalawa pang linggong natitira sa kanyang taunang bakasyon, na gusto niyang gamitin sa Mediterranean Cruise. Sinabi niya iyon kay Bruce.

No problem. Just let me know the date so that I can pack, sagot ni Bruce na walang pahiwatig na hahati siya sa gastos.

Ang ikalawang linggo ay gusto niyang gamitin sa Alaska Cruise. Ang sagot ni Bruce ay tulad ng nauna, No problem. Just let me know the date so that I can pack.

MAKALIPAS ang siyam na buwan ng kanilang ng kanilang pagkikilala at pagtatalik, nakadama ng panghihina si Isabel. Sumakit ang kanyang ulo at mayroon siyang kaunting lagnat. Nagkaroon din siya ng mga rashes sa kanyang katawan.

Nagtungo siya sa kanyang Family Doctor. Binigyan siya ng maraming test.

Nang lumabas ang resulta ay nalamang HIV positive siya.

MABILIS na kumalat ang masamang balita, hindi lamang sa mga kalipunan ng mga Filipino sa Metro Toronto, kasama na ang mga anak ni Cipriano, kung hindi sa San Roque, na bayang pinanggalingan ni Isabel sa Pilipinas. Nakarating din iyon sa kaalaman nina Mario at Ric.

Kani kanya sila ng mga kuro kuro tungkol sa naganap.

Mabait at maunawain si Mario, at hindi niya kailanman ninais na may masayang mangyari kahit ikaninuman, Kawawa naman. Sana ay gumaling siya.

Kay Ric, Buti nga sa kanya. Naganti na rin ako.

Sa tatlong anak na naiwanan ni nasirang Cipriano, lalong lalo na sa babae, kay Asunsion, na pinakamalapit kay Cipriano, TALAGANG GANYAN, GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY

Ang nakaraan:
GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 4)
GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 3)
GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 2)
GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 1)
Tweet

×
MN