Senador Nikki Coseteng, Bumisita sa Riyadh
By J. Nava Cruz
Riyadh, Saudi Arabia
February 4, 2010
Bumisita kamakailan sa Riyadh ang dating Senador Anna Dominique Nikki Coseteng hatid ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo (progressive education) na kasalukuyang isinasagawa at pinamamahagi ng Diliman Preparatory School (DPS) sa Pilipinas at kung saan siya ang tumatayong Presidente.
![](1_100584.jpg)
Sa kaniyang nakaraang pagbisita kasama ang kaniyang delegasyon na kinabibilangan nina G. Perry Coseteng, Executive Director ng Diliman Computer Technology Institute (DCTI); G. Raymond Ang, President, English Proficiency Intervention Program (EPIP) at G. Lawrence Lee, Director, Global Domain Learning System binigyan diin at pansin ng grupo ni Coseteng ang kanilang naiibang pamamaraan at aspeto ng paghubog nang kaisipan, kaalaman at talino.
Kasama sa aspetong ito ang: Glenn Domain Learning System kung saan magagawa ng mga ina na malaman ang mga pamamaraan na turuan ang kanilang mga anak ng mga pasikot-sikot sa pag-aaral ng matematika at maging ng encyclopaedic reading sa mga batang sanggol; English Proficiency Intervention Program, o ang mabilisang pagsasanay ng wikang English (pagsasalita at pagsulat) na bukas para sa mga batang nasa pitong taong gulang hanggang sa adults; computer courses naman para sa lahat handog ng DCTI at mayroon ding mga customized programs para sa mga nasa pribadong ahensya ng gobyerno at mga propesyunal.
Ang naturang pagbisita at ginawang pagtitipon ay naisakatuparan sa tulong ng Pasuguan ng Pilipinas sa Saudi Arabia sa pamumuno ni Ambassador Antonio P. Villamor kasama sina Labor Attache Rustico dela Fuente at mga opisyales ng Embahada. Tumayo namang overall coordinator ng naturang pagtitipon si Bb. Gina Abitona, Directress, Childrens House, isang naiiba at pristihiyosong children learning school sa Riyadh. (J. Nava Cruz, an OFW, is a writer-documentarist. E-mail at )