29 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
Acers Virgin Mobile wagi sa SAMARITAN season 4 sa Riyadh



Ni Marlon Baris Vicente
Riyadh-Saudi Arabia
August 7, 2016

 
 


RIYADH: Sa katatapos lamang na SAMARITAN Volleyball League Season 4 opening program na ginanap noong ika-22 ng Hulyo 2016 sa Al Yamama Recreation Center, tagumpay ang Acers Virgin Mobile team na masungkit ang pagkilala bilang Best in Uniform. Ipinagkaloob naman sa Meed Brawlers ang pangalawang pinakamataas na pwesto at Bisdak para sa ikatlong pwesto.

Itinuturing ang pagkilalang ito na isang importanteng bahagi ng programa dahil sa pagbibigay-oras at panahon ng mga grupo para magkaroon ng kaaya-ayang uniporme, na isang bahagi sa pormal na pagbubukas ng nasabing liga, na nasa ikaapat na season na.

Para sa Best Banner award, naipagkaloob ang parangal na ito sa mga grupong Bisdak, Meed Brawlers at Kingdom Spikers para sa una, pangalawa at pangatlong pagkilala, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga umupong hurado na nagbigay ng mahalagang papel sa pagpili ng mga nanalo ay sina Randy Asistin (HB Brands), Francis Noces (Virgin Mobile), Marie Joanne Yodico (FAWRI Remittance) at Marlon Vicente (Freelance writer/Event Host).

Ang programa na tumakbo ng mahigi’t isang oras ay pinasimunuan ni Roger Cadion, bilang program host. Sinimulan ito ng tinatawag na parade: presentation of teams na sinundan ng isang pambungad-panalangin sa pangunguna ni Bong Estoesta. Nagbigay-talumpati ng pasasalamat naman si Jondee Ramos, ang presidente ng grupo at si Marie Joanne Yodico, na kumatawan sa mga sponsors. Pinangunahan din ni Alvin Medina ang Declaration of Oaths ng mga manlalaro, ang tinanghal na MVP ng nakaraang season (SVL 3).

Naging matagumpay ang pagbubukas ng liga dahil sa partisipasyon ng mga koponan na kinabibilangan ng Kingdom Spikers, Q Invaders, Riyadh Hitters, Diggers, Meed Brawlers, Riyadh Spankers, Brothers, Moneygram Acers Stringers, Classmate, Riyadh Coneo, Bisdak, Vechters, D’Incredibowls at Acers Virgin Mobile. Kasama rin sa  nagbigay-tulong at suporta ay ang iba’t-ibang  establisimento at grupo kagaya ng PAL (Philippine Airlines), Virgin Mobile, FAWRI Remittance, The Filipino Channel-TFC, Cameraderie Club International at Scouts Royale Brotherhood (SRB).

Ang SAMARITAN (Samahang Manlalaro ng Riyadh Tunay At Nagkakaisa) ay binubuo nina Jondee Ramos-President, Jerry Cruz-Vice President, Arjay Talicuran-Secretary, Robert Malabanan at Edgar Dela Cruz-Treasurer, Kenneth Gomez at Byne Villota-Auditor, Jaydee Casiño, Robertson Que, Richard Suvere, Nathan Centeño, Johnny Valiente, June Apura, John Dale Celis, Ervin San Miguel, Dario Famadico, Mhallie Narrido, Rodel Gatan at Carlo Hernandez-Board Members, Bong Estoesta, Edward ‘Booba” Gangat at Yan-Yan Guia-Advisers at Alvin Medina, Arlo De Guzman at Julius Castañeda-Tournament Coordinators. (Marlon B. Vicente, an OFW freelance writer. E-mail at m.vicente21@yahoo.com).

    MoreFilipino young doctor shines in World Congress of Osteoporosis in Italy
    Marlon Baris Vicente

    RIYADH: Out of 1,436 abstract submitted during the World Congress on Osteoporosis and Osteoarthritis (WCO) held in Florence, Italy, a...
    MoreApprentice panalo sa SPIS Open Men’s V-League
    Marlon Baris Vicente

    RIYADH: Malaking tagumpay na maituturing para sa mga Parents and Teachers ng SPIS-Second Philippine International School ang pagtatapos ng 1st SPIS Open...
    MoreReagan Tila wagi sa FBAR Masters/Elite Event League
    Marlon Baris Vicente

    RIYADH: Mula sa 40 kalahok sa Masters/Elite Event, tagumpay na naiuwi ni Reagan Tila ang kampiyonato sa katatapos lamang na...
    MoreTinaguriang shooting master Allan Caidic dumating sa Riyadh
    Marlon Baris Vicente

    RIYADH: Hindi maikakaila ang lalim ng pagmamahal ng mga Pinoy sa larong basketball. Maituturing itong numero uno sa larangan ng...
     
    MoreELIZABETH MARIE MABB Wins Miss Philippines PIDC Title at the PIDC 2017 BEAUTY PAGEANT
    Tony A. San Juan

    Toronto-June 3, 2017: True to its long held tradition and purposeful practice, the quintessential Philippine Independence Day Council - PIDC, proudly and remarkably conducted its 17th annual beauty pageant . The selection and coronation of the "2017 Miss Philippines PIDC" and "Little Miss Philippines PIDC" winners was held on June 3, 2017 at the Isabel Bader Theatre, University of Toronto-Victoria College, Toronto with over 300 people in...
     
    MoreRafanans Crowned as MME King and Queen of Hearts
    Fe Paca Taduran

    Phillip and Gloria Rafanan were recently crowned as the Movement for Marriage Enrichment  (MME) King and Queen of...
    MoreFILIPINO COMMUNITY IN GHENT -  BELGIUM CELEBRATES 119TH PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY (ARAW NG KALAYAAN)
    Herminia Cruz Reyes

     
    Ghent-Belgium June 3, 2017: The program of the day was focused on TAHANAN: Family, Solidarity, Liberty,...
    MoreAPCO’s Freedom Charity Ball 2017 a voice for Harmony and Respect
    Richard J. Ford

    Sydney-June 10, 2017The Freedom Charity Ball 2017 was celebrated at the Club Marconi, Bossley Park on 10th...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.