APM MUSIKAHAN 2018 IDINAOS SA PHILIPPINE EMBASSY SA RIYADH
By Robin Magno
Riyadh-Saudi Arabia
May 9, 2018
Riyadh-May 4: Matagumpay na naitanghal ng Asosasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (APM) ang “Musikahan 2018: The Champions’ Showdown!” sa chancery ng Philippine Embassy sa Riyadh (Saudi Arabia) noong ika-4 ng Mayo, 2018.
Ang nasabing pagtatanghal ay isang pagdiriwang ng ika-13 anibersayo ng APM sa pamumuno nina Jeff Almendras (nagtatag ng APM) at Jun Magsino (kasalukuyang presidente ng APM), sa pamamagitan ng mga awit at mga sayaw (itong huli ay mula naman sa hanay ng AfterShock Dancers).
Naging panauhing pandangal sina Ambassador Adnan Alonto at ang kanyang butihing maybahay na kapwa pinanood nang buo ang pagtatanghal.
Napanood din ang pagtatanghal ng mga kasapi ng APM sampu nang kanilang mga pamilya, at mga taga suporta, kaibigan at mga tagahanga ng APM.
Kasamang nagpamalas ng kani-kanilang husay sa pag-awit ang mga APM Bagong Kampeon na sina Ronie de Castro (2015), Maritess Mamaclay (2016) at Reymond Guillena (2017). Kabilang din sa “showdown” si Raymund Ruben (Grand Champion ng Saudi Arabia Pop Icon 2009 at ng TFC/DZMM Global Pinoy Singing Idol Middle East 2013).
Ilan sa mga nagpakitang gilas din sa hanay ng mga tinaguriang APM Singers sina Jun Magsino, Victor Palacio, Elenita Salicubay, Catherine Aquino, Rania Elseboie, Almira Matias, Aimry Roa, Malik Mariano, Almira Roa, Shericah Lacambra at ang APM Star Kids na sina Chloe Sarmiento, Geedelle Margaret Tibus, Colind Ernacio, Nyca Fernandez and Bernie Fatima Noble.
Maliban sa APM at AfterShock Dancers, nagpamalas din nang kahusayan ang Rithmo Band kasama si Marina Ivanenko.
Ito rin ay nagsilbing alay sa mga kasapi na papalisan na nang Saudi Arabia upang mamirmihan na nang tuluyan sa Pilipinas pagkaraan ng maraming taon tulad nina Dr. Elenita Salicubay na babalik na sa Pilipinas pagkaraan ng 18 taon sa Saudi Arabia, at ni Catherine Aquino na ipagpapatuloy ang pag-aaral sa Pilipinas.
Sa nasabing pagtatanghal, pinasalamatan ng APM ang kanilang mga taga suporta at sponsors, pati na din ang mga naging katuwang sa produkyon: Rithmo Band, AfterShock Dancers, WFDC/Noel Raz, Gerome Lago, Von Ryan Balidio, Olan Arawag, Darren Clive Leighton, Jojo Rodriguez Jr., Alamat Esconde, TFC/Lyndon Aballe at JP Aleta, 90.5 Heart FM/Jun Lazos at Edmund Joaquin, Jorge A. Demafilez, Robin Magno, pamunuan ng embahada (Ambassador Adnan Alonto at Cultural Attache Gloria Jean Zafra, sampu ng mga kasama nila sa embahada), APM Parents, APM Friends at APM Production Team.
In YouTube:
APM 13th Anniversary - The Champions Showdown with Raymund Ruben, Ronie de Castro, Maritess Mamaclay, Reymond Guillena @ the Philippine Embassy in Riyadh / May 4, 2018 / Video by Edmund Juaquin
Can you turn back the hands of time? Only through memory that stands the test of time. [Lay aside French novelist Marcel Proust’s Remembrance of Things Past, a home reading assignment of long ago.] I’m going down memory lane with snippets of poetry that enliven the mind — and yours too, maybe....
MY SECOND TRIP, in the company of some relatives, was a bit different as we were able to see other places inside the former military base and discover what was there that, at one time, we were not allowed to see them....
May 5-TORONTO, ONTARIO, CANADA - The Little Miss Philippines Canada 2018 candidates of the Philippine Canadian Charitable Foundation (PCCF) showcased...
Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.
This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.