OFW maglulunsad ng isang nobela
By Marlon B. Vicente
September 21, 2014
Ayon pa sa may-akda, ang nobela ay isang kwento ng misteryo at kababalaghan na maiuugnay sa pang-araw araw na pangyayari sa buhay ng tao, emosyon, reaksyon at pagsasadula sa eksaktong lugar ng pinangyarihan ng kwento.
Dagdag aniya, “Ang isang kwento bagama’t isang kathang-isip lamang na sinuportahan ng aktwal na lugar kung saan nangyari ito ay mas makatotohanan.”
Si Nava Cruz ay isang OFW (Overseas Filipino Worker), freelance writer/documentarist sa Gitnang Silangan at published book author sa Pilipinas. Ilan sa kaniyang mga obra ay ang ’OFWs Behind the Curtains’ (Mga OFWs sa Likod ng Kurtina) at ‘The Desert Roses’ – ang kaniyang una at pangalawang aklat.
Sa kasalukuyan, bukod sa masusing paghimay sa kabuan ng nobela, kamakailan lamang ay kaniya namang inilunsad ang Mensahero News Magazine Online (www.mensahero.com.ph) kasama si Rodel Menda, Pinoy Sining President, na siyang naging kaniyang katuwang sa pagbuo ng konsepto hanggang sa maisakatuparan ito. (Marlon B. Vicente, an OFW freelance writer. E-mail at ).