NORLANDO POBRE, 3rd PRIZE WINNER AND FINALIST - Life of Dr. Jose Rizal in Europe International Art Competition 2014
Ni Norlando Pobre
Manila
July 15, 2014
Norlando Pobre, Pinoy artist-painter na naninirahan sa Switzerland ay tumanggap ng award as 3rd Prize winner sa Awarding Ceremony ng
Life of Dr. Jose Rizal in Europe International Painting Competition 2014 na ginanap sa Mabuhay Restop sa Luneta Rizal Park noong Sabado, July 13, 2014,
Sampung (10) Professional Artist at Anim(6) na Student Caterory ang napiling Finalists sa International Painting Contest na ito na naglalarawan ng Buhay ng National Hero na si Dr. Jose Rizal noon siya ay nasa Europa.
Kamakailan, ang mga 16 Finalists Paintings ay inikot at In-Exhibit sa 6 na European Countries na niliobt ni Dr. Jose Rizal noon ; sa Austria, Switzerland, Italy, Belgium, United Kingdom at Germany. Bawat Bansang ito ay may Hurado para sa Final Judging. Ang Life of Dr. Jose Rizal in Europe International Painting Competition » ay sinimulan last year 2013 sa Pilipinas at may 36 Obras lahat ng mga Artists Participants.
Isa si NORLANDO (
Lando) POBRE a Swiss based Filipino Resident Artist-Painter ang sumali sa Rizal Contest. Siya ay nakatira sa Ciyudad ng St.Gallen, Canton St.Gallen, Eastern Switzerland.
Nag-aral si LANDO POBRE ng Architektura sa St. Louis University sa Baguio.
Dumating si Lando noong 1974 sa Europa at sa Austria nagsimula na nagtrabaho bilang isang « Church Restorer » sa mga Simbahan at Cathedrals, Ni re-restor nila ang mga ceiling frescoes, wall / passage Murals at restorasyon ng mga lumang Barrock na altar, mga lumang statwa, figura at mga lumang paintings sa mga simbahan.
Habang nasa Europa, ipinagpatuloy pa rin ang kakayahang sining sa pagpipinta at pakikipagsalo sa mga kompetesyon.
Noong 1980 ay dumating sa Switzerland si Lando, nagkapamilya dito, naghanapbuhay at nagsariling freelance Artist hanggang ngayon.