Liham mula kay Tatay
Ni Willie Jose
(Id like to give my columns space to my fathers letter sent to us in 1990 when my family and I were still in the Philippines. This letter is postmarked 27 DEC 1990 Long Island NY 117 via airmail. My Tatay who was fondly called Ka Tino by his close friends used to have a column Doon Po Sa Amin in the Philippine Free Press Pilipino magazine . He died in New York in 2007 at the age of 93.)
Ang Tunay na Diwa ng Pag-ibig at Pagmamahal
Ni Ka Tino Jose
Kay Willy at Lilia, kay Maureen at Lilet,
Gayundin kay Voltaire at May na bulilit,
Sa liham kong itoy nais kong pahatid,
Ang lahat ng aming mainit na halik .
Sa larangan ng panulat, sandata kong kinalawang,
Pamuli kong inihasa upang kayo ay sulatan,
Itoy bilang ganting-tugon sa sulat nyong naglalaman
Nitong tunay na diwa ng pag-ibig at pagmamahal.
Lahat kaming naririto ay tunay ngang nagagalak,
Pagkat kami ay lagi nang may balitang nasasagap,
Masasabing kahit mandin malayo ang ating agwat,
Pa na rin magkadaop itong ating mga palad.
Kung ako ang tatanungin ay mabuti na rin naman
Ang kung minsay magkalayo ngunit may pagtitinginan,
Di tulad nga nuong ibang magkasamang naturingan,
Ngunit parang asot pusa na laging nagkakalmutan.
Kayat lagi nyong tandaan, saan man kami naroroon,
Pag-iisip namiy lagi na sa inyoy nakatuon,
Tangi naming adhikain sa inyo ay makatulong
Nang sa gayon sa anumang hirap kayoy makaahon.
Tungkol sa min masasabing lahat kami ay masigla,
Lalo na nga si Gilbert na poging anak ni Victoria,
Pagkain nya sa tanghali, sa gabi at sa umaga
Ay di kaya na ubusin ng gutom na tatlong buwaya.
Ang buhay sa Amerika ay tulad din sa Maynila,
Kailangan ang kumayod upang meron kang matuka,
Kapag ikay tamarindo, walang sipag, walang tiyaga,
Ay wala kang mahihigop, kahit sabaw ng nilaga.
Kalagayan naming dito ay mabuti na rin naman,
Hindi kami naghihirap, di rin kami yumayaman,
Kung baga nga sa niluto ni Nanay na bagong ulam,
Tamang-tama sa timplada, di maalat, di matabang.
Hanggang dito na lang muna, saka na lang sa susunod,
Susulat din akong muli, upang kayo ay malugod,
Samantala, hinihiling nitong Tatay ninyong panot,
Sa pagsulat nyo sa amin ay huag kayong manghimagod.