Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang
By Rene Calalang
Wed 30th June 2010
Hindi alam ng aking mga kapatid, mga malalapit na kamag-anak at ilang piling kaibigan; na si Ina, bago sumahukay ay may habilin sa akin. Ang habilin ni Ina ay kilalanin namin na tunay na tiyahin si Nana Sela. Gusto ni Ina na magpunta kami sa kanila tuwing araw ng Pasko. Gusto ni Ina na anyayahan namin siya at ang mga kabilang sa kanyang pamilya tuwing may handaan kanino man sa aming magkakapatid. Gusto ni Ina na dalawin namin siya tuwing kami ay uuwi, galing sa ibang bansa, at kung maari ay pasalubungan ng kahit ano.
AYON sa bali-balita noong ako ay maliit pa, si Nana Sela ay kapatid ni Ina sa ama. Kung totoo ito; samakatuwid, siya ay anak sa labas ng ama ni Ina, si Lolo Sidro.
Pinilit umano ng pamilya ni Lolo Sidro at ng pamilya ni Nana Sela na ipaglihim ang kasaysayan nina Lolo Sidro at ng ina ni Nana Sela sapagkat noong panahon ni Ina, at siguro ay mas grabe pa noong panahon ni Lolo Sidro, ay pahahon ng napakataas na moralidad.
Ito ay panahon na itinatakwil ang makiapid sa may asawa. Ang paggawa nito ay nangangahulugan ng isang malaking kahihiyan - na nangangahulugan na maari kang itakwil, o isumpa, o palayasin. Ito ay panahon na ang makipagligawan sa labas ng bahay ay nangangahulugan na ikaw ay isang mababa ang uring babae. Ito rin ay panahon na mahinhin ang mga dalaga at agad sinusupil ang maagang pag-alembong.
Anong nasa labi mo? pagalit na itatanong ng isang ina kapag makitang namumula ang labi ng anak.
Lipstick po.
Ilang taon ka na ba?
Disiotso po.
Disiotso ka pa lang ay nagkokolorete ka na.
Pero ina, dalaga na po ako.
Anong dalaga? Bata ka pa! Alisin mo iyan! Kung hindi ay kukurutin kita sa singit, nag-uutos at malakas ang boses na sasabihin ng ina sa halos ay maiyak na anak.
Ito rin ay panahon na maginoo at disente ang mga binata.
Mahaba na yata ang buhok mo ngayon, iho? sasabihin ng ama kapag makitang tila mahaba na ang buhok ng anak na nagbibinata gayong dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan ng siya ay huling magpunta sa barbero.
Uso ngayon ang medyo mahaba-habang buhok, ama.
Anong uso-uso! Magpagupit ka. Ipa-crewcut mo, ala Aguinaldo, para magustuhan ka nang nililigawan mo.
Opo, ama, isasagot nang masunuring anak.
Ang ligawan ay pormal. Aakyat ka ng ligaw, suot ang pinakamagandang damit, pinakabago at pinakamalinis na pantalon na tuwid na tuwid ang liston sa bisa ng almirol. Nangingintab ang suot na bagong tsarol na sapatos.
Ang akyat ng ligaw ay sa araw ng Linggo lamang. Magmamano ka sa mga magulang ng nililigawan mo at magbabakasakaling nang dahil sa mano ay baka mahulog ang loob nila sa iyo sapagkat sa kaugaliang ating kinagisnan, ang pagmamano ay sagisag ng kabaitan.
Magdadala ka ng kahit na anong regalo kahit na iyon ay inutang mo lamang o binili sa pamamagitan nang pagbibili ng isang kabang palay o ilang inahing manok.
Hindi ka maaring lumampas ng alas otso sapagkat kung hindi ay makaririnig ka ng mga pasaring, Ano ba yan? Dito na yata matutulog.
Kung minamalas ka ay baka latagan ka pa ng bahig sa iyong harapan.
MATAGAL na nanatiling lihim o lihim-lihiman ang kasaysayan ni Nana Sela; sapagkat sa panahong iyon, ang ganitong bagay ay isang malaking kahihiyan. Pinag-uusapan ka ng buong baryo. Pinagtsitsimisan ka ng lahat ng mga tsismoso at mga tsismosa sa mga binguhan at mga madyungan at mga peryahan at mga hingutuhan.
Kaisa-isang anak si Ina at si Nana Sela at kaisa-isang niyang kapatid (sa labas). Mahal na mahal ni Ina ang kaisa-isa niyang kapatid lalo pa nga at alam niyang siya ay isang maralita.
NGAYOY umuwi akong naiiba sa mga nauna kong maraming pagdalaw sa aming bayan. Wala ang mga pamamasyal sa mga magaganda, di pangkaraniwang lugar na pinupuntahan ng mga turista, mga balikbayan at mga may pambayad na perang mga kababayan. Wala ang pagpunta sa mga higante, makabagong super at megamall upang doon ay mamili upang dagdagan pa ang mga namumuwalan na sa kabusugang mga dresser at mga cabinet ng mga damit at mga gamit. Wala ang pakikisalamuha sa mga kababata at mga kababaryo sa harap ng kahon-kahong San Miguel beer at ilang stateside (para sa kanila lamang sapagkat ako ay hindi umiinom).
Itoy isang pagdalaw na ang hangarin ko ay upang makita; na maaring sa huling pagkakataon, si Nana Sela. Itoy isang pagdalaw upang tuparin ko ang HABILIN NI INA..
Kasama ang ilan pang kabilang sa aming pamilya at bitbit ang ilang mga pasalubong ay sagsag nang nagpunta kami sa bahay ni Nana Sela.
Binagtas namin ang mga maalikabok at makikipot na mga daan at baku-bakong mga pilapil. Tinawid namin ang ilang tulay na gawa sa payat na mga kawayan na tinalian ng lapat, na sa paglakad ko ay nangangambang baka ako ay masilat. Ipinagtanggol namin ang aming sa sarili sa kahol at maaring kagat ng mga naglipanang mga aso sa tulong ng mga lanubo ng bayabas. Yumuko kami sa yabong ng mga puno at mga halaman. Nagkurus kami sa pagdaan sa mga punso at nakiraan; sapagkat ayon sa mga tagaroon, ay kailangang humingi kami ng pahintulot sa mga duwende at mga matandang nakatira sa punso upang kami ay hindi maengkanto. Sinabi sa amin ng iba pang mga tagaroon, na huwag daw kaming titingin sa ituktok ng isang mataas ay malagong puno ng balite sapagkat ayon sa kanila, ay ayaw daw ng kapreng nakatira roon na sila ay tinitingnan.
Sa daay nagkalat ang mga saksi ng kahirapan: mga taong payat na payat at masasabing nangangailangan ng tulong at pagpapagamot; ngunit tulong at gamot na hindi nila makayanan. Nagtatakbuhan ang mga batang limahid, marurumi, nakayapak ngunit mga batang masasaya sapagkat hindi pa nila alam ang tunay na kahulugan ng buhay. Iniwasan naming huwag masyadong makipagkuwentuhan sa mga maraming kakilala sa aming dinaraanan; sapagkat kung pagbibigyan namin silang lahat ay baka hindi na kami mausad.
Sa isang umpukan sa harap ng isang tindahan ay hindi namin naiwasang hindi huminto sapagkat ang tindahang ito ay ari ng pinakamatandang tao sa aming baryo, na gayong halos ay isang daang taon na ay kung bakit napakalakas pa at napakalinaw pa ng isip si Tata Kiko.
Sa dalawang magkaharap na bangkong kawayan, ang mga katandaan ay naroon at pinag-uuasapan ang maliligayang mga kahapon. Masasaya sila, at pagkuway tinanong ko ang aking sarili na dapat ba silang magsaya.
Saglit akong nag-isip at bumuntunghininga. Sinagot ko ang aking tanong: na ang kaligayahan ay wala sa dami nang aring materyal na mga bagay, wala sa dami ng pera, wala sa ganda ng asawa at kasintahan, wala sa taas ng pinag-aralan, wala sa dami nang napuntahang mga lugar. Ang kaligayahan ay nasa linis ng kalooban, nasa pagmamahalan ng iyong pamilya at nasa kaligayahan sa iyong ginagawa.
Sino ba iyang kasama mo Rading, at imported yata?tanong ng isang naroon, na kung tama ang aking hula ay si Tata Siano.
Ang Tata Siano naman. Si Rene ho ito, iyong kapatid kong taga Canada.
Si Rene ba iyan? Ibang iba na ang hitsura niya ngayon. Puting puti at saka para ng Amerikano.
Ganoon din ho. Pumuti lang at saka medyo kuminis ang balat.
Iba talaga ang hangin doon, ano? Pag-alis dito, Negro; pagbalik, mestiso.
Natawa ako. Hindi naman ho. Nakukulong lang kami doon pag winter at hindi naarawan. Pero kung tutuusin ho ay mas gusto ng mga tagaroon ang kulay natin dito, tan ho ang tawag doon.
Maganda ba naman iyon. Ang magaganda dito ay iyong mga artista dahil mapuputi sila.
Hindi ho totoong dahil maputi ka ay maganda ka. Ang kagandahan ho ay nasasapuso. At saka nasa tumitingin ho ang kagandahan.
Kow, ang batang ito ay nagmakata pa.
Kinalabit ako ng mga kasama ko upang kami ay magpatuloy na.
Saka na lang ho natin ituloy ang ating pag-uusap, pamamaalam na sabi ko.
Pagkuway nasa harap na kami ng bahay ni Nana Sela.
Ang bahay ni Nana Sela ay isang luma, walang ayos na bahay na gawa sa hollow blocks at katutubong mga gamit gaya ng kawayan, pawid, kogon at yantok.
Swerteng naroon sa harap ng bahay si Andres, na kaisa-isang anak na lalake ni Nana Sela. Nakahiga siya at nagduduyan sa ilalim nang malagong punong mangga.
Pagkuway umigtad siya sa pagkakahiga nang kami ay makita. Kilala niya ako sapagkat magkamag-aral kami sa mababang paaralan.
Kailan ka dumating? tanong niya.
Mga isang linggo na, sagot ko.
Iniabot niya ang kanyang kamay at nagkamay kami.
Nasa loob ng bahay ang Ina, pagpapatuloy niya.
Sa aming pagpasok, na siyang kusina, ay sinalubong kami ng mga saksi ng kahirapan at mga paraan ng lumang pamumuhay. Ang kalang lutuan ay gawa sa pulang lupa na sa panahon ngayon ng cyberspace technology ay hindi ko inaasahang may gumagamit pa pala.
Nakalapat sa tatlong tungko ng kalan ang isang palayok na gawa rin sa pulang lupa, na kung natatandaan ko ay gawa sa San Rafael, Bulacan. Sa gilid ng kalan ay maayos na nakasalansan ang mga tinilad at halos ay pantay-pantay na mga kahoy panggatong.
Sa bangerahan ay nakapatong ang isang kudkuran na ang kabayu-kabayuhang kinakabitan ng pangkudkud ay gawa sa ugat ng isang malaki at matandang punong santol. Sa itaas ng banggerahan ay nakasabit ang mga sandok at mga kampit at mga siansi at mga kawali at mga kaldero.
Napansin ko na may nawawala sa banggerahan, na sa isang panahon ay isang bahagi ng dampa sa tabi ng bukid ang banga at tapayan ng inuming malamig na tubig. Madali kong sinagot ang palaisipang iyon. Ubos na ang balong ng tubig sa ilalim ng lupa sa dami ng taong gumagamit, kaya hindi na kailangan ang banga. O, kung may natitira pa, iyon ay polluted na sa dami ng lasong ibinabaon sa mga lupa at itinatapon sa mga ilog at mga sapa at mga patubig. O, kung may makukuha pa, iyon ay hindi na maaring inumin at maaring gamiting panghugas na lamang. Ang pumalit dito ay tubig na nagmumula sa mga tangke ng pamahalaang lunsod. Sa pagkawala ng poso artesyano, ay nagkaroon ng karagdagang gastos ang mga maralita.
Sa isang bahagi ng kusina ay naroon ang isang papag na kawayan, na walang alinlangan ay pahingahan ni Nana Sela. Naroon si Nana Sela, nakahiga at nagpapahinga. Pinilit niyang bumangon ng kami ay makita; ngunit pinigil siya ng isang mahina, marupok at pagod na katawan.
Pagkuway nilapitan siya ni Andres. Sinuportahan ang kanyang likod. Nilagyan ni ni Andres ng kaunting lakas at kaunting tulak ang kanyang mga kamay upang si Nana Sela ay makabangon. Ngayoy nakaupo na si Nana Sela sa gilid ng papag.
Sa pag-aakalang gustong maglakad ni Nana Sela ay tumatakbong dumating ang isa niyang apo, dala ang isang pares ng tsinelas. Inilagay niya iyon sa harapan ni Nana Sela. Tumatakbo ring dumating ang isa pang apo, dala ang kanyang tungkod. Hinawakan siya sa magkabilang kamay ng dalawa niyang apo at inalalayan. Pinilit niyang tumayo; ngunit muli, siya ay pinigil ng isang mahina, marupok at pagod na katawan.
Humanga ako sa pagmamahal at pag-aasikasong tinatanggap ni Nana Sela.. Isinara ko ang aking mga mata at sa aking diwa ay naglakbay ang isang masakit na katotohanan: narito si Nana Sela at nakaratay sa kahirapan ngunit sagana sa pagmamahal ng kanyang mag-anak. Nagmula ako sa isang mayamang bansa ngunit nasaksihan ko ang ilang kaawa-awang tanawin sa buhay ng mga matatanda.
Lumapit ako at nagmano sa butuhang kanang kamay ni Nana Sela. Narito ang isang katunayan na bilang paggalang ay kailangang gawin ko ang isang bagay na karaniwan ay hindi ko naman ginagawa. Umupo ako sa tabi ni Nana Sela.
KaKailan ka pa dito, sa madalang na pananalita ay tanong ni Nana Sela.
Isang linggo na po, magalang kong sagot.
KuKumusta naman ang pamilya mo?
Mabuti naman po.
IIlan ba ang naging anak mo,
Tatlong lalake po.
AApo, may apo ka na ba?
Tatlo na po.
AAno ang mga naging manugang mo. Pilipina ba o Amerikana?
Mga puti po.
Diang popogi ng mga apo mo.
Opo.
Nakita ko kay Nana Sela ang malaking hawig niya kay Ina. Sa hawas ng mukha, sa taas, sa kilos, sa pananalita. Nakita ko ang larawan ni Ina kay Nana Sela noong siya ay kaedad ni Nana Sela otsenta. Nakita ko iyon sa yayat na mga binti at mga braso, sa humpak ng mga pisngi, sa nangakausling mga balagat sa leeg, sa kulubot na mga balat sa mga kamay at mga braso. Nakita ko ang karupukan ng katawang lupa ng tao sa katawan ni Nana Sela.
Nakita ko kay Nana Sela ang parusa ng panahon. Makapal na salamin na nasisiguro ko na kung hindi niya suot ay hindi siya makakakita. Mga paa at mga binti at mga tuhod na namamaga na dulot ng makirot na rayuma mga karamdamang masasakit at makikirot ngunit mga sakit at kirot na tinitiis sa kakulangan ng tama at sapat na gamot. Nakita ko kay Nana Sela ang parusa ng kahirapan.
Pagkuway narinig ko ang iyak ng isang manok. Ipinahuli ni Tata Kanor, na asawa ni Nana Sela, ang isang manokupang ihanda para sa amin sa pananghalian.
Nakaisip ako ng paraan upang iligtas sa nakaambang kamatayan ang isang hindi naman dapat na magwakas ang buhay kung hindi nang dahil sa amin - kahit ba iyon ay hindi tao kung hindi hayop ay may buhay din iyon. Pinigil ko iyon. Huwag na po Nana Sela dahil hinihintay kami sa bahay.
Ikaw naman. Ngayon ka lang napunta sa amin, e gugutumin ka pa namin.
Busog pa po ako at saka talagang hinihintay ako sa bahay, muling tanggi ko sapagkat nangangamba rin ako na baka ang kanilang hinuling manok ay isang inahing nangingitlog o isang dumalagang malapit nang mangitlog. Kasabihan sa aming baryo, na malinamnam daw ang lasa ng isang nangingitlog na inahin o mangingitlog na dumalaga.
Totoo ba iyon, iho?
Opo.
Gayon man ay hindi pumayag si Nana Sela na hindi kami kumain ng kahit ano man lamang doon.
O, sige po. Magmimiryenda na lamang kami.
O, ano naman ang gusto ninyong miryendahin? Mga kakanin at minatamis na may kasamang salabat o sariwang mga prutas.
Nasaling ni Nana Sela ang isa sa aking mga kahinaan, Minatamis na lang po.
Ibinaba ni Tata Kanor ang isang nakasabit na basket. Nangasim ako sa aking nakita: suman sa lihiya, bibingkang gawa sa purong ube at tamalis.
Inilatag ni Tata Kanor ang mga kakanin sa dalawang katamtamang laking bilao. Kinuha niya ang isang garapong may lamang minatamis na kundol at isa pang garapong may lamang minatamis na langka. Sa isang nangangalahating tikles ay kumuha siya ng apat na hinog na manggang tagalog. Dumaan sa mangga ang isang matalim na kutsilyo at naghiwalay ang bunot sa laman. Inihain sa amin ni Tata Kanor ang laman. Ibinigay niya sa apo ang mga bunot.
Sumagi sa aking isip ang aking malaki ng baywang. Ngunit paano ko matatangihan ang nasa harapan ko, na aking mga kahinaan. Pagkuway nangako ako sa aking sarili, na pagbalik ko sa Canada, ay muling magda-diet.
Kuwentuhan uli kami. Kain, kuwento. Kain, kuwento. Kain, kuwento.
Pagkuway nagpaalam na kami. Muli ay nagmano ako kay Nana Sela.
Sa aking harapan ay ibinaba ni Andres ang isang bayong ng prutas.
Ano iyan? tanong ko.
Tsiko. Kahit ito man lang ay matikman mo.
Salamat. Paborito ko ang mga ito.
May hiniling si Nana Sela ng kami ay nakatayo na upang umalis, Linggo de Ramos bukas at gusto kong magsimba tayong lahat.
Kung ang nag-anyaya sa akin ay isang pangkaraniwang kakilala lamang, ang magiging sagot ko ay Hindi. Ngunit ito ay paanyaya ng isang nilalang na binigyan ng galang nang dahil sa:HABILIN NI INA.
Tumango ako.
Sa simbahan ay katabi ko si Nana Sela. Sa bahagi ng misa na babatiin ko ang aking katabi ng Peace be with you o Sumaiyo ang kapayapaan ay nagmano ako at niyakap ko si Nana Sela yakap na dapat ay noon ko pa sana ginagawa, ngunit yakap na hindi ko ginawa ng dahil sa kahipokritan ng tao; ngunit ngayoy yakap na aking ginawa dahil sa akoy nagising na nang dahil sa HABILIN NI INA.
ANG HABILIN NI INA