Super Typhoon Yolanda
Sinulat ni : Ven Del Pilar Faundo San Jose, Hagonoy, Bulacan, Philippines Toronto, Ontario, Canada
Ako ay nanlulumo at lubos na nakikiramay sa sinapit ng mga mamamayan ng gitnang Visayas sa kararaan lamang na super bagyo na may katutubong pangalang Yolanda at Haiyan sa buong mundo. Mayroong 5.598 na tao and nasawi at mayroon pang 1750 ang nawawala at hindi pa nababatid ang kinahinatnan.
Maraming kabahayan ang nawasak ng rumarasang tubig dagat, nasira ng hagupit ng nagpupuyos na hangin at napabagsak ng malakas at walang paknit na pag-ulan. Ang mga tao ay wala ng makain. Wala na ring mabilhan ng pantawid gutom at uhaw, kaya umaasa na lamang sa bigay ng pamahalaan ng Pilipinas, sa bayanihan ng mga kapuwa Pilipino at nang lumaon , sa kagandahaang loob ng buong mundo. Samut saring karanasan ng mga mamamayan na pinalad na mabuhay sa gitna ng panganib at kamatayan, ay ating nairinig at nakita sa radyo at television, at nabasa sa mga pahayagan. Tinataya ng NDRRMC ( National Disaster Risk Reduction Council ) na may 16 na bilyong piso ang nawasak na infrastractura, at 12 bilyon naman ang nasira sa agricultura . may 29 libong familya ang nasalanta. Sa unang tingin, mahihirapang makabangon at makabalik sa dati ang mga nabagyo ng Yolanda ngunit hindi natin matatawaran ang kakayahan at tibay ng loob ng ating mga kababayang Bisaya. Babangon at babangon sila sa pag-usad ng panahon at manunumbalik ang dati nilang galak at sigla. Ang aking karanasan sa panahon ng bagyo ay malayong malayo kung ihahambing sa nakaraang bagyo Yolanda. Ito ay gakalingkingan lamang kung ihahalintulad ngunit hindi malilimutan ito sapagkat nakatatak sa aking murang isipan.
Nang dumaan ang bagyong Trix noong 1951, ang bayan ng Hagonoy ay nadamay. Natatandaan ko pa na bago dumating ang bagyo, kami ng aking ama nagsusuhay ng kawayan at nagbagting ng malalaking alambre upang huwag magiba ang lumang bahay na pawid. Ako noon ay isa palang binatilyo at patulong tulong lamang sa aking ama. Sa kasagsagan ng bagyo ang mga magulang ko at mga kapatid na babae ay lumikas sa aming kapit- bahay na may matibay na tirahan na gawa sa bato. Ako at ang aking kaibigan si Tata Biting ay natulog sa aming bahay sa ilalim ng lamesa sa gitna ng ugong ng hangin at langitngit ng bahay namin..
Naging okey naman kami hangaang sa humupa ang bagyo. Wala namang nasawi at nasugatan. Kaunti lamang ang nasiraan sa aming lugar, maliban nalamang sa mga mangingisda na inabutan ng unos sa dagat. Dalawang malayo kong pinsan na nagsusulib sa gitna ng Manila Bay ay nalalad at hindi na natagpuan ang kanilang bangkay. Ang bagyong Trix ay walang dinalang baha na hindi tulad ngayong panahong ito na laging kaakibat ang biglang pagragasa ng baha. Siguro hindi pa uso noon ang global warming at climate change. Noon ay marami pang punong kahoy sa kabundukan at hindi masiyadong nalulusaw ang iyelo sa North at South pole. Hindi mapipigilan ang pagdalaw ng bagyo sa Pilipinas sapagkat ang ating bansa ay nasa gitna ng typhoon belt. Subalit kailangang maghanda ang lahat sa abot na makakaya ng bawat isa. Dapat magkaroon ng makabuluhang paguugnayan ang pamahalaang lokal at pambansa at isantabi pansamantala ang pagiiringan at pulitika. Dapat ding turuan ang mga mamamayan ng mga kaalaman sa panganib na dulot ng bagyo.
Kung maaari lamang ay turuan ang mga bata sa iskuela han para sila medyo maging handa. Ihanda at tagurian ng pamahalaang lokal kung saan ang ligtas na lilikasan ng mga lokal na mamamayan na mayroong aasahang pangunahing gamot, pagkain at tubig. Ang bagyo ay nalalaman kadalasan kahit na malayo pala mang, at walang katuwiran na ang mga pangunahing at basic na panganagailangan ay hindi mapaghandaan ng pamahalaan.
ISANG KARANASAN SA PANAHON NG BAGYO