29 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
MAY HANGGAHAN ANG PAGTITIIS - (Part 3)


Ni Rene Calalang
Scarborough-Canada
July 26, 2017

 
 


MAGPAPASKO na at ang pinagtatrabahuhan ko, na kinatatalagahan niya ay sarado ng dalawang lingo. Humingi pa siya ng isang linggong karagdagang bakasyon sa pinagtatrabahuhan niya, na ibinigay naman sa kanya.

Dalawang linggo bago magsara ang pinagtatrabahuhan ko ay ibinigay na sa kanya ang kanyang holiday pay.

Hindi sapat ang kanyang pera, at muli, lumapit siya sa Arabo upang dagdagan ang kanyang utang, na pumayag naman sapagkat nagbabayad naman siya sa oras sa kanyang kasalukuyang utang.

MALUNGKOT ang pagkakauwi ni Estela. Hindi katulad nang maraming ibang walang suliranin at maperang balikbayan. Ang sa kanya ay tungkol sa kapakanan nila ni Emmanuel.

“Noong umuwi ka, ano’ng nakita mo?” pagpapatuloy na tanong ko.

“Nakita ko po ang mga ginagawa niya.”

“Ginagawang ano?”

“Nagda drugs po sila.”

“Sila? Sinong sila?”

“Iyong pong barkada niya.”

“Ano’ng drugs ang ginagamit nila?”

“Shabu po.”

“Ano’ng ginawa mo pagkatapos mong makita sila.”

“Nag-iiyak po ako at nagtatakbong umalis.”

“Ano’ng ginawa niya?”

“Tinagka po niyang habulin ako pero pinigilan siya ng mga kasama niya.”

“Dahil sa high siya.”

“Opo.”

“Saan ka nagpunta?”

“Umuwi po ako sa bahay ng kuya ko.”

“Ano’ng sabi ng kapatid mo?”

“Sabi po niya ay huwag muna naming pag-usapan ang nangyari dahil sa pagod ako. Magpahinga daw po muna ako. Kung nakapagpahinga na daw po ako at saka maliwanag na ang isip ko at hindi na ako emotional ay saka na namin pag-usapan ang nangyari”

NAKAPAGPAHINGA na si Estela. Mahinahon na siya. Sinabi niya sa kanyang kuya kung ano ang gusto niyang mangyari, “Ayoko na sa kanya. Napakawalanghiya niya. Pero gusto kong madala si Emmanuel sa Canada.”

Payo sa kanya ng kanyang kuya, “Huwag kang pabigla-bigla dahil kahit na ano ang gawin mo ay asawa mo pa rin siya.”

“Ano’ng gagawin ko?”

“Bigyan mo pa siya ng isa pa pang pagkakataon.”

Saglit na tumigil si Estela sa pagkukuwento. Muli, namula ang kanyang mga mata, na parang gustong umiyak. Kumuha siya ng tissue paper sa kanyang handbag at dinampian ang kanyang namumula, gustong umiyak na mga mata.

Nagpalipas pa ako ng ilang sandali bago ko siya tinanong, “Ok ka na ba?”

“Opo.”

“Ano’ng sinabi mo sa kanya?”

“Sabi ko po ay mag rehab siya.”

“Magre rehab daw po siya pero kailangan kong tulungan ko siya.”

“Sabi ko po, pag hindi siya nag rehab, baka ma Duterte siya.”

“Kung magre rehab siya at gumaling, at sabihin niya na magbalikan kayo, papayag ka ba na naman?”

“Hindi ko po alam dahil iyong mga ginawa niya, mahirap kong makalimutan. Isipin na lang ninyo na dalawa ang trabaho ko dito at nagpapaalilia ako para makapagpadala ako ng pera sa kanila. Iyon pala ginagamit lang niya ang anak namin para damihan ko ang ipinapadala ko.”

“Ituloy natin ang kumpisalan natin sa pagre rehab niya.”

“Binigyan ko po siya ng anim na buwan para magbago. Hindi po niya alam pero minamatyagan siya ng kuya ko.”

“Sabi po niya kapag tumatawag sa akin, dahil humihingi ng pera ay nagre rehab siya. Pero sabi po ng kuya ko ay patuloy pa rin po ang pagda drugs.”

“Ano’ng ginawa mo?”

“Sabi ko po sa kanya, kahit alam ko na nagsisinungaling siya, ay mabuti naman, na sisimulan ko ng lakarin ang kanilang mga papeles para makapunta sila rito, pero ang totoo ay iyong anak lang naming ang kukunin ko.”

“Pinangakuan mo siya para…”

“Para hindi niya ipagdamot ang anak namin sa paglakad ng papeles ng bata.”

“Nakuha mo naman ang anak ninyo?”

“Opo.”

“Pa’no mo ginawa iyon?”

“Ng ma approve na ang visa ng anak namin ay umuwi uli ako para kuhanin ang bata. Para hindi siya makahalata ay isinama ko rin siya.”

“Tapos?”

“Tapos, sabi ko sa kanya, darating ang visa ninyo mga tatlong buwan. Narito ang ticket mo, open ticket iyan, pero kailangang umalis kayo within one year.”

“Naniniwala naman siya?”

“Sa husay ng pagsisinungaling ko, naniwala naman po.”

“Paano kayo nakaalis ng hindi niya nalaman?”

“Sabi ko po ay luluwas kami sa Maynila dahil kailangan ng bata ang magpa medical, at saka iyong mga immunization, kailangang mayroon siya.”

“Pero ang totoo, deretso na kayo dito?”

“Opo. Dahil iyong mga bagahe ko ay nauna na,. dala na po ng kuya ko.”

“Iyong ticket niya?”

“Ipina cancel ko po kahit may penalty.”

“Ngayon?”

“Ngayon ay payuhan po ninyo ako kung ano ang gagawin ko. Tama ba ang ginawa ko dahil sa tingin ko ay hindi na siya magbabago.”

“Tama. Binigyan mo na siya ng second chance. Sapat na iyon. Tangkain mo na rin na magkaroon kayo ng legal separation.”

“Paano ko po gagawin iyon?”

“Kumuha kayo ng abogado para ma anull ang kasal ninyo.”

“Sa ano pong dahilan?”

“Mental cruelty. Medyo magastos iyan kukuha ka ng abogado, pero wala kang pagpipilian.”

“Hindi bale na po. Kahit na mabaon ako sa utang sa Arabo ay dadagdagan ko pa, makawala lang ako sa kanya.”

Iyon ang katapusan ng aming kumpisalan.

PITONG buwan kaming hindi nagkita dahil natalaga siya sa ibang gusali, na malayo sa pinapasukan ko.

ISANG araw pagkatapos ng aming huling pag-uusap ay tumawag siya sa akin, “Salamat po sa kumpisalan natin, malaya na ako.”
Ang Naaraan:

MAY HANGGAHAN ANG PAGTITIIS-(Part 1)

MAY HANGGAHAN ANG PAGTITIIS - (Part 2)

    Tweet
    MoreENFID European Conference in Essen, Germany     September 30-October 1, 2017
    Rohlee de Guzman

    Conference of Europe-based Filipinos: “Kung sama-sama, Kayang-kaya”...
    MoreA Canada-ASEAN free trade agreement benefits all
    Senator Tobias Enverga

    Canada is a trading nation to its core and our agreements with the United States, Mexico and the European Union are testimony to our desire — indeed, our need — to reach far beyond our borders to seek trading partnerships.
     ...
     
    MoreA Tribute to a Remarkable Lady-FELISA RAMOS VALENZUELA
    Wilfredo Valenzuela

    To our Nanay…. Love always
    ...
    MoreFBL Canada Turkey Ball – A 2017 Major Basketball Event
    Emar Sy

    With 71 teams from 19 basketball clubs including teams from Montreal competing in 9 Divisions (8U, 9U, 10U, 11U, 12U,...
    MoreBerghaus Girls - Wehl 1967-1970 50th Anniversary Celebration
    Irma Galias

    Berghaus Girls, Wehl group 1967-1970 celebrated their 50th anniversary, held at Novotel Hotel in Amsterdam last September 23....
    MorePhilippine food fest / Shangri-La Sydney
    Evelyn A. Opilas

    Food fest features all-time Filo faves
     

     
    All-time favourites, such as kare-kare, adobo,...
    MoreAGAPI rocks on their 13th year Anniversary Celebration
    Evelyn A. Opilas

    They rocked. Literally.
     

    The Association of Golden Australian Pilipinos Inc (AGAPI) marked its 13th...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
    MoreHistory of the Filipino Community in the Netherlands
    Orquidia Flores-Valenzuela

    Every story has a beginning and our story begins when a Cavitena accompanied her aunt to sail to another continent....
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.