MUNTING NAYON
33 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Aug 20 2021
MUNTING NAYON
33 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Aug 20 2021
MUNTING NAYON
33 years of Community Service
×
 KASABIHANG FILIPINO  

TUSO MAN DAW ANG MATSING, NAPAGLALALANGAN DIN   


By Sinulat.  Ven Del Pilar Faundo, KCR  
              Toronto, Ontario, Canada                Hagonoy, Bulacan, Philippines
Tue 12th June 2012




Ang kasabihang ito ay naging bukang bibignoong taong 1950s dahilan sa pagkakalathala ng anecdota ng matsing at pagong sa primer reader sa mababang paaralan. Ang storya ng matsing at ang pagong ay kinatha at binigyan ng buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na hinango niya sa walang kamatayan pabula ni Esopo.

Sa storyang ito, dalawang ulit na naisahan ng pagong ang matsing. Sa unang pagkakataon, ang matsing mismo ang pumili ng may dahong bahagi ng pagpasiyahan nilang dalawa na hatiin ang puno ng saging na napulot nila sa tabi ng ilog. Ang akala ng matsing ay mas madaling magbunga ang may dahong bahagi kaysa sa maugat na kaputol. Walang nagawa si pagong kungdi ang magpaubaya na lamang sapagkat siyaay kayankayanan ng matsing. Sa pangalawang pagkakataon dito na nautakan ng pagong ang matsing.

Ng hindi patikimin ng matsing ang pagong sa aning saging, nilagyan ng pagong ng tinik ang pagbaba ng matsing sa puno ng saging. Nagalit ang matsing sa sakit na kanyang dinanas. Pinamili niya ang pagong ng parusang gusto niyang ipataw para makaganti, ang tirisin siya sa almires o itapon sa ilog para malunod. Sinabi ng pagong ay gusto niya sa almiris para dumami siya kaysa sa ilog na ikalulunod niya. Nahulaan ng pagong na kung ano ang aayawan niya ay ito ang mamabutihing gagawin ng matsing. Ang akala ng matsings iya ay mautak, tuso at kaya niyang maisahan ang pagong para makabawi sa maling pagpili ng bahagi ng puno ng saging na natuyot at ngayon sa pagpili ng almires na hindi niya susundin ang kagustuhan ng pagong. At alam na natin ang nangyari. sa katapusan. Ang pagong ay itinapon ng matsing sa ilog na ikasiya ng pagong sapagkat iyon namn kanyang natural na kapaligiran at talagang kagustuhan.

Isang halimbawa ng pagkakalalang o pagkakalinlang sa isang tuso at may angking galing sa militar ay ang manong si Julius Ceasar. Nagapi niya ang maraming general kabilang si Gnaeus Pompey sa matink na taktika at masugid na lihim na pagmamatyag sa larangan ng digmaan. Subalit sa gitna ng senado, nautakan siya ng grupo ni Cassius at Cato. Naasasinated siya ng hindi sukat niya akalain at lalo siyang namangha ng si Brutus ay isa sa mga conspirators " Et Tu Brute " na tumarak ng balaraw sa kanya. Ang kasabihang "Tuso man daw ang matsing, napaglalangan din " ay napatunayan at naging makatotohanan.

Isa pang pangyayari ng pagkakalalang ay naganap ng noong nakaraang World War ll sa Europa ng malinlang ni General Dwight Eisenhower at ng Allied Forces ang mga matatalino at mga tacticiang general na Aleman. Pinapaniwala ng Allied Forces na gustong salakayin ang lugar ng Calais France ngunit sa katotohanan, ang puntirya nilang talaga ay ang dalampasigan ng Normandy kahalintulad ng taktika ng pagong sa tusong matsing ng piliin niya ang almires sa halip na umaagos na ilog na iyon pala ang kanyang tunay na kagustuhan. At alam natin ang katapusan at kinahinahinatnan ng kasaysayan.
Tweet

MN