29 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 5)



By Rene Calalang
Scarborough-ON-Canada
December 11, 2017

 
 


HAYOP sa chicks si Bruce. Hindi lamang mabilis ang kanyang bibig kung hindi mabilis pati ang kanyang mga kamay. Wala siyang pinatatawad -  matanda, bata, kahit ano ang relihiyon, kahit ano ang kulay. Sa mga nakakakilala sa kanya, masasabing siya ay sex maniac.

Nagagawa lamang ni Bruce ang mga bagay na ginagawa niya dahil nasa kanya ang mga biyaya upang magawa ang mga bagay na ito. Guwapo siya, matangkad, balbon, at may mapang akit na ngiti. Sa biglang tingin, siya ay may hawig kay Tom Selleck, na ang kaibahan lamang, bukod sa kanyang bigote ay balbas sarado siya na kanyang ipinapa groom kay Ronaldo sa saloon na pinapasukan nito. Masasabing suki siya ni Ronaldo.

Walang trabaho si Bruce ngunit marangyang nabubuhay. Iba ang inuuwian niya kung Lunes, iba kung Martes, iba kung Miyerkules, iba kung Huwebes at iba kung Biyernes. Pag Sabado at Linggo ay sa condo siya, na kanilang inuupahan kasama ang tatlo pang kaibigan.

“Pahinga kung Sabado at Linggo, para mag recharge,” sabi niya sa kanyang tatlong room mates.

“Hayop ka talaga.”

“Kasalanan ko ba. Ito ang misyon ko sa buhay, ang makapagpaligaya.”

NGUNIT ang pahinga niya kung Sabado ay sa araw lamang sapagkat isa sa kanyang katangian, na puhunang kanyang ginamit upang kumita ng karagdagang pera, ay ang husay niyang magsayaw. Nagdi D.I. siya, na kadalasan ang kumukuha sa kanya ay mga “Cougars,” na kadalasan ay kanyang nagiging “Sugar Mommy.”

Kung wala siyang party kung Sabado, kadalasan ay sumasama siya sa kanyang mga kaibigan sa Zanzibar Club, na isang club na nilalagian ng mga babaeng naghahanap at mga lalakeng nangha hunting. Dito, dahil sa husay niyang magsayaw at sa tamis ng kanyang mga salita ay madali siyang nakaka pick-up.

ISANG araw na nagpapa groom si Bruce, bilang katuwaan, dahil tsismosa si Ronaldo at alam halos ang lahat ng tsismis sa Toronto, ay ipinakita ni Bruce ang larawan ni Isabel.

Nanlaki ang mga mata ni Ronaldo ng makita ang larawan ni Isabel.

“Kilala mo?”

“Ay, ‘Day, hindi lang kilala kundi Ex ko.”

“Ex! Are you kidding me?”

“Hindi ‘Day. Mag-ingat ka sa babaeng iyan. Hayop iyan.”

ISANG Sabado bago magpasko, dahil abala ang karamihan dahil sa darating na pagdiriwang ay walang D.I. si Bruce. Nag-istambahay si Bruce, kasama ang isa niyang kapuwa D.I., si Conrad, sa Zanzibar Club.

Nakaupo sila ngunit malikot ang mga mata ni Bruce, naghahanap ng maha hunting. Pagkuwa’y namataan niya si Isabel.

Kasama si Isabel ang kanyang room mate, si Camila. Nagsasayaw sila ng babae sa babae.

Pinagmamasdan ni Bruce ang mga kilos ni Isabel at kung saan ito nakaupo. Nangiti siya ng makita niyang nakaupo sila ni Camila sa isang pabilog, apatang mesa sa sulok ng gusali.

Kinalabit ni Bruce si Conrad,”May target tayo ngayon.”

“Really? Sino?”

“Iyong dalawang iyon.” Inginuso ni Bruce ang mesa nina Isabel.

“Kilala mo?”

“Hindi. Pero makikilala natin kung magpapakilala tayo.”

“Lapitan natin.”

“Mamaya ng kaunti. Uubusin ko muna ang beer ko.”

“Sige, para lumakas ang loob mo.”

“Ikaw?”

“Hindi ko na kailangan ang beer. Kung ayaw nila, di huwag.”

Makalipas ang mga labinlimang minuto. “Tena,” aya ni Bruce.

“Sino’ng sa iyo?” tanong ni Conrad.

“Akin ‘yong mas mataas.”

“Sige.”

Katatapos lamang magsayaw nina Isabel at Camila. Naupo sila.

Tumayo sina Bruce at Conrad patungo sa mesa nina Isabel.

Pagkuwa’y nasa tabi na sila ng mesa nina Isabel. “Good evening, ladies,” simula ni Bruce.

Tumingala si Isabel at tiningnan si Bruce, mandi’y sinisiyasat ang hitsura ni Bruce.

Sa pagtatama ng kanilang mga mata ay ngumiti si Bruce sabay kindat ng kaliwang mata.

Nangiti si Isabel.

“Are you waiting for somebody?” pagpapatuloy ni Bruce.

“Not really.”

“Could we then join you ladies in your table?”

Tiningnan ni Isabel si Camila. Tumango ito.

“Ok.”

IYO’Y gabi ng masayang pagdiriwang ng apat na bagong magkakakilala. Lubos ang pagsasaya nina Isabel at Camila dahil sa husay magsayaw nina Bruce at Conrad, na sa tulong ng kaunting inumin, ay bigay hilig ang kanilang pagsasayaw.

MABILIS ang pagkikilala nina Isabel at Bruce. Walang pakipot si Isabel dahil tipo niya si Bruce, na kanyang maihahambing kay Ric sa panlabas na anyo. Labis ang kaligayahang ibinibigay ni Bruce kay Isabel.

LULONG ang pagkaloko ni Isabel kay Bruce. Ginagawa ngayon ni Bruce sa kanya ang mga ginawa niya kay Cipriano.

Sawa na sa pagpunta sa mga resorts sa Carribean sina Bruce at Isabel. Gusto naman ni Isabel na danasin ang mga sea cruises. Spring at may dalawa pang linggong natitira sa kanyang taunang bakasyon, na gusto niyang gamitin sa Mediterranean Cruise. Sinabi niya iyon kay Bruce.

“No problem. Just let me know the date so that I can pack,” sagot ni Bruce na walang pahiwatig na hahati siya sa gastos.

Ang ikalawang linggo ay gusto niyang gamitin sa Alaska Cruise. Ang sagot ni Bruce ay tulad ng nauna, “No problem. Just let me know the date so that I can pack.”

MAKALIPAS ang siyam na buwan ng kanilang ng kanilang pagkikilala at pagtatalik, nakadama ng panghihina si Isabel. Sumakit ang kanyang ulo at mayroon siyang kaunting lagnat. Nagkaroon din siya ng mga rashes sa kanyang katawan.

 Nagtungo siya sa kanyang Family Doctor. Binigyan siya ng maraming test.

Nang lumabas ang resulta ay nalamang HIV positive siya.

MABILIS na kumalat ang masamang balita, hindi lamang sa mga kalipunan ng mga Filipino sa Metro Toronto, kasama na ang mga anak ni Cipriano, kung hindi sa San Roque, na bayang pinanggalingan ni Isabel sa Pilipinas. Nakarating din iyon sa kaalaman nina Mario at Ric.

Kani kanya sila ng mga kuro kuro tungkol sa naganap.

Mabait at maunawain si Mario, at hindi niya kailanman ninais na may masayang mangyari kahit ikaninuman, “Kawawa naman. Sana ay gumaling siya.”

Kay Ric, “Buti nga sa kanya. Naganti na rin ako.”

Sa tatlong anak na naiwanan ni nasirang Cipriano, lalong lalo na sa babae, kay Asunsion, na pinakamalapit kay Cipriano, “TALAGANG GANYAN, GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY”

Ang nakaraan:
·        GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 4)
·        GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 3)
·        GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 2)
·        GANTI-GANTI LANG ANG BUHAY - (Part 1)

    Tweet
    MoreCFO LAUNCHES THE 2018 PRESIDENTIAL AWARDS FOR OVERSEAS FILIPINOS
    Michael A. Apattad

    The Commission on Filipinos Overseas is pleased to inform the public that nominations are now open for the Year 2018 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas....
    MoreA NEW CONSTITUTION? ...First a few questions
    Carlos A. Arnaldo

    The televised Senate hearings on the issues concerning the proposed Constitutional Convention recently, were highly informative and helped to clarify the issues at stake. Prestigious guests, former Chief Justice Hilario Davide and former Chief Justice Reynato Puno graced the occasion with their astute observations based on decades of experience and juridical matters. Their participation raised the level of the debate....
     
    MoreFBL Canada and NABA GTA combined forces to form the biggest and largest Filipino Youth Basketball League in the GTA
    Emar Sy

    In 2017 FBL Canada launched its initial basketball youth league offering with 8 ball clubs and 44 team registrants. Promised...
    MoreLABO ELEMENTARY SCHOOL  BATCH 2 (LABO EAST DISTRICT)LABO,CAMARINES NORTE- JUNIOR ARTS CLUB
    Cecilia Zabala Pedir

    We believed in one way or another an essential component in molding artists of the future, by opening avenues to...
    MoreToday’s news brings back old school memories
    Willie Jose

    Every time I read today’s news, what comes to mind are some images and other unforgettable memories I had seen...
    MoreCELINE CELEBRATES HER 18TH BIRTHDAY IN ONTARIO
    Ann Margaret Grey

    Vaughan-December 29-2017: As famously said by the  infamous Olaf, “Some people are worth melting for.” Celine Grey, Miss Philippines PIDC...
    More2018 — OUR YOUNG, AND OUR POOR
    Carlos A. Arnaldo

    In all our history, no elected government of the Philippines has ever really faced the challenge of creating an inclusive...
    MoreANG BIKTIMA AT ANG MANLILINLANG - Part 1
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    IYO’Y isang burol at libing na dinumog ng mga tao ng dahil sa awa.
     
    Umano, si Teodulo...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
    MoreHistory of the Filipino Community in the Netherlands
    Orquidia Flores-Valenzuela

    Every story has a beginning and our story begins when a Cavitena accompanied her aunt to sail to another continent....
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.