Hinaing, Pananaw ng mga Calumpiteneo sa Delubyong Dulot ni ‘Lando’
By
J. Nava Cruz
Calumpit
October 26, 2015
Miyerkules, 21 October ‘early morning’. Mabilis ang naging pagdaloy ng tubig-baha na nanggagaling sa Nueva Ecija at Pampanga patungo sa banyerang catch-basins: ang Bayan ng Calumpit at karatig na Bayan ng Hagonoy sa Lalawigan ng Bulacan. Tulad nang dati, naging isang bangungot sa buhay at kabuhayan ng mga taga-Calumpit at taga-Hagonoy ang delubyong hinatid ng Bagyong Lando.
Nakakikilabot na ‘back-flooding’ experience
Matinding takot ang unang bumalot sa mga Calimpiteneous. Mabilis ang paglaki ng tubig-baha. Mula 5:25 nang umaga ng October 21 hanggang sa katanghaliang tapat, tuluyan nang nilamon ng tubig-baha ang kalupaan ng Bayan ng Calumpit. Libo-libong buhay at kabuhayan ang mabilis na naapektuhan. Isa si Bebot Aguilar, na nasa Barangay San Jose ang nagpadala ng text messages sa manunulat na humihingi ng saklolo para ma-rescue dahil sa takot na makulong sa kaniyang apartment kapag tuluyang lumalim ang baha. Ganito din ang naging mga text messages ng kapatid ng manunulat na may kapansanan na hindi na nagawang makalipat sa kanilang mas mataas na gallery dahil na din sa mabilisang pagtaas ng baha. Nagkaroon ng problema sa pagbili ng makakain. Sa maiinon na tubig, ayon sa FB sharing ni May Cruz Real mula sa Barangay Panducot at guro sa Santa Lucia High School. Sa tala nang mga Calumpiteneos sa social media at ‘exchange of sms’, dalawang malinaw na larawan ang kaagad na makikita at madarama sa delubyong kinakaharap nila: Matinding takot! Taimtim na panalangin sa Diyos para sa kanilang kaligtasan.
Viewpoints ng mga taga Calumpit sa regular na pagbisita ng Delubyo?
Ayon kay Jennifer Alfonso Salva, 50 years old, isang social advocate sa pagbibigay nang first hand-information tungkol sa Bayan ng Calumpit, mula sa Barangay Gatbuca: “Sa obserbasyon ko sa lumipas na mahabang panahon, bumabaha lang noon tuwing ikalawang taon. Ngunit sa paglipas nang nagdaang limang taon, sumasampa na ang tubig-baha taun-taon.” Ayon naman kay Lourdes J. Ronquillo ng Barangay Cañiogan, guro sa Pungo Elementary School at tagapagtaguyod ng Solid Waste Management, “As for my personal views, hindi na mabibigyang solusyon ang pagbaha hanggang hindi natutuloy ang Pampanga dike na matagal nang pinaplano. Kaya nga lamang, may mga lugar sa Calumpit na mawawala na sa mapa. The topography itself ng Calumpit ang isa sa dahilan ng annual flooding.” Dagdag naman nang isang taga Calumpit na nagpatago sa pangalang ‘Livingdead’: “It would very hard na masort-out permanently ang problema nating mga taga Calumpit sa baha. Kasi, hindi naman sa ating lalawigan nanggagaling ang tubig na nagiging sanhi ng pagbaha sa ating lugar.”
“There’s more to it than meets the eye” sa usaping ito ng Delubyo.
Hindi na nga ba ito mabibigyang solusyon? O, maiibsan man lamang ang problema? O, mabigyang proteksyon ang buhay at kabuhayan ng bawat taong naaapektuhan? Nasaan na nga ba ang mga proposisyon noon na maglalaan nang malaking pondo para sa kampanya laban sa ‘illegal logging’ at ‘timber poaching’ sa kahabaan ng bundok ng Sierra Madre kung saan kasama sa kampanya ang mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Viscaya, Quezon, Rizal at Isabela? Nasaan ang sinasabing pondo para sa livelihood programs para matugunan ang pagbabagong buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng mga kasamang probinsya tulad ng Isabela para hindi matukso sa illegal logging business na tunay namang mga ganid na kapitalista, gahamang mayayaman at ilang mga pulitiko ang nakikinabang? Nasaan ang pinaiiral na layunin at batas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa programa ng reforestation? Higit sa lahat, nasaan ang buong suporta ng national government para maisakatuparan ang mga layunin at mga proposisyong ito? Nakalimutan na nga ba ang kahalagahan ng bawat isang puno sa kabundukan ng Sierra Madre na pumipigil sa rumaragasang tubig mula sa bundok pababa ng ating kapatagan? Mananahimik at tatanaw na lamang ba tayo sa banta ng bawat panganib sa ating buhay at kabuhayan?
Anu-ano na bang aksyon ang nasa project pipeline ng mga nanunungkulan sa gobyerno maging ito ay nasa ilalim ng local government at national government sa lumalalang problema taun-taon sa istorya nang delubyo? “Catch basins” ang Calumpit at Hagonoy! Subalit dapat bang maging kontento na lamang tayo sa katotohanang ito? May aksyon na nga ba ang pagpapatibay ng Angat Dam? O hanggang kwento lang ito? At habang nagkalat ang malakihang corruption sa pamamahala nang ating gobyerno, nakita ba nang mga kinauukulan ang mga suhestyon na magbibigay nang remedyo para matugunan ang pagbaha: pagbuo ng sinasabing Pampanga dike, pagpapalawak at pagpapalalim ng kailugan ng Calumpit at maging Hagonoy, at kung anu-ano pa? Samantala, kailan naman kaya tayong mga pangraniwang mamamayan ng buong Luzon, kasama na ang Bayan ng Calumpit at Hagonoy, ganap na matututong bigyang respeto ang kalikasan? Na ang basurang ating tinatapon ang siya ding basurang maglilibing sa atin? Dapat pa ba nating hintayin na pulutin ang ating mga bangkay sa Dagat Pasipiko dahil sa mga kawalanghiyaan nating mga tao kaya sinasapit natin ang ganitong delubyo? Sino nga ba ang dapat sisihin sa usapin ng delubyong ito?
Habang sinusulat ang lathalaing ito, Monday, 26 October 2PM Philippine Time, nakapag-simula nang bumangon ang mga taga-Calumpit at maging ang mga taga-Hagonoy sa sinapit nilang panibagong delubyo. Iyon nga lamang, kakayanin pa kaya nila ang mga nagbabadya na mga padating na delubyo sa gitna nang pagwawalang bahala ng marami lalu na sa pagpapairal ng batas at mga aksyon na dapat magbibigay proteksyon sa lahat? At kailan naman kaya tayo lubusang magkakaisa bilang Pilipino para labanan ang mga suliraning ito? Tunay na maraming magagandang kasagutan. Iyon nga lamang, mangangailangan ito nang panibagong espasyo para maisulat at iba pang manunulat para mailahad ang katotohanang ito sa mga tao. - (With inputs from Lourdes J. Ronquillo, Jennifer Alfonso Salva, May Cruz Real, ‘Livingdead’, Nelia Vivar, Chona-Rucio Herrera, Pauline Antonio-Cruz) / (J. Nava Cruz, an OFW and Calumpiteñeo, is a freelance writer/documentarist and a published book author in the Philippines. Right now, concluding his first suspense thriller novel: See Me @ :06 AM)
Tweet