ANG INA – PANGALAWA SA DIYOS
Katha ni ROBERTO “OBET” DIONISIO
New South Wales-Australia
Thu 10th May 2012
Ang tao ay nilalang ng ating Panginoong Diyos
Ang mundo ay sa kanya ipinagkatiwala ng lubos
At sa babae ini-atang ang pagsisilang ng musmos
Maituturing na ang Ina, pangalawa sa Diyos halos
Kung ang Diyos ang lagi nating hinihingan ng awa
Ang ating Ina naman ang ating laging kadluan ng tuwa
Sa panahon ng kamusmusan na walang kamuwa-muwa
Mahal nating Ina ang unang lalapit sa ating pag-uwa