ANG AKING KALOOB
by Esther C. Javier
Tue 4th December 2012
Malapit na ang Pasko, damang-dama ko na ito
Lahat ay abala, shopping doon at shopping dito
Kahit saan may Christmas party, exchange gifts, at palaro
At grabe ang traffic saan ka man tumungo.
Di ba't ang Pasko'y pagdiriwang ng Cristiano?
Bakit nais alisin ang Cristo sa Pasko?
"Happy Holidays" daw ang dapat na batian
At hindi "Merry Christmas" tulad ng kinagawian.
Saang birthday party na mga bisita ang may regalo
Subalit ang may birthday ay walang aginaldo?
Lahat ay abala sa mga kasayahan
Ang may kaarawan ang kinalimutan.