Backdoor at frontdoor diplomacy
By Bert de Guzman
Sun 11th November 2012
Nakatutuwang makita ang mga larawan ng binatang Pangulo sa pahayagan at mabatid na lagi siyang dumadalo sa mga kasalan. Ang pinakahuli ay nang magbiyahe siya sa Brunei Darussalam para saksihan ang royal wedding ng anak na babae ni Sultan Hassanal Bolkiah, si Princess Hajah Hafisah Sururul Bolkiah, kay Pengiran Haji Muhammad Ruzaini.
Kamakailan naman, dumalo si PNoy sa kasal ng kanyang pinsang-buo, ni Bam Aquino, na kandidato ng LP sa pagka-senador sa 2013.