ANG BIKTIMA AT ANG MANLILINLANG - Part 4
Ni
Rene Calalang
Scarborough-Canada
February 22, 2018
“Ano’ng nangyari?”
“Sa una pa lang, antipatiko na daw iyong biyenan niyang hilaw.”
“Bakit naman?”
“Dahil para daw hindi natural ang kilos nitong si Carlota, parang nagkukunwari lamang, parang may itinatago.”
“E, ano’ng nangyari?”
“Lumala ng lumala ang hindi nila pagkakasundo. Kaya napilitan si Teodulo na maghanap ng apartment at magsarili sila.”
“Dapat naman. Ano’ng nangyari?”
“Medyo gipit sila sa pera dahil mahal na ang apartment ngayon kaya sinabi ni Teodulo kay Carlota na kailangang maghanap siya ng trabaho para magtulungan sila.
“Naghanap ba naman?”
“Oo, pero nahirapang maghanap ng trabaho dahil sa kulang sa qualification.”
“Ano’ng nakitang trabaho?”
“Sa fast food restaurant.”
“Ok na rin iyon dahil kahit papaano ay makakatulong siya?”
“Iyon ang masakit, dahil kakapurit ang ibinibigay kay Teodulo.”
“Ano’ng ginagawa sa pera?”
“Ipinapadala sa Pilipinas dahil may sakit daw ang kanyang ina at walang trabaho ang kanyang ama. Heto ngayon ang mas masakit.”
“Iyon pala, iyong pera ay ipinapadala sa live in partner niya dahil may isa pa silang anak.”
“Wala bang trabaho ang live in partner niya sa Pilipinas?”
“Mayroon, pero gahol.”
“Paano sila nabubuhay.”
“Kung minsan, kung gahol na gahol sila, humihinga sa mga kapatid at nangungutang sa kanyang mga magulang.”
“Pinauutang o binibigyan ba naman?”
“Siyempre dahil kapatid at anak iyon.”
“Hindi ba naman sila nakakahalata si Teodulo at ang pamilya niya sa mga nangyayari?”
“Nakakahalata siyempre. Kaya ang ginawa ng ina ni Teodulo, pilit na inalam ang address ni Carlota sa Pilipinas.”
“Nakuha ba naman?”
“Nakuha naman.”
“Ano’ng ginawa ng Ina ni Teodulo?”
“Nang malaman ng ina ni Teodulo ang tirahan ni Carlota sa Pilipinas ay pinaimbistigahan sa isa nilang kaibigan na may connection sa military.”
“Ano’ng nakita?”
‘Iyon nga, may live in partner pala at isa pang anak.”
“Kaya pala ayaw magpakasal.”
“Hindi siya p’wedeng hindi magpakasal dahil sa fiancee siya.”
“Nagpakasal din ba?”
“Nagpakasal, dahil kung hindi ay idi deport siya.”
“Alam kong binabalak niya.”
“Ano?”
“Magpapalipas sila ng kaunting panahon, pagkatapos ay idi divorce niya si Teodulo. Magpapalipas uli siya ng kaunti pang panahon, pagkatapos ay iisponsoran niya ang kanyang live in partner sa Pilipinas bilang fiancee. Kung hindi madiskubre na mali ang declaration niya dahil hindi niya sinabi na may anak pala siya sa live in partner niya, madadala niya ang pamilya niya dito. Kung mabuko, dahil fraud ang ginawa niya, idi deport siya. Sa perang naipon niya at naipadala sa Pilipinas, abante pa rin siya.”
“Alam mo ba na tama ang hinala ng marami?”
“Ano’ng hinala?”
“Pagkatapos ng dalawang taon at siyam na buwan ay nag file ng divorce si Carlota.”
“Ano raw daw ang dahilan?”
“Irreconciliable differences. At heto pa ang mas masakit.”
“Ano ang mas masakit?”
“Humihingi ng child support at possession of the condo unit si Carlota kay Teodulo kahit na alam niya na hindi iyon anak ni Teodulo.”
“Condo unit? Pa’no nasama ang condo unit?”
“Nadiskubre ni Carlota na may condo pala si Teodulo, na kanyang pinauupahan.”
“Sobra naman pala ang babaeng iyon?”
“Sobra talaga.”
“Tungkol doon sa bata, Sana, ipina DNA test ni Teodulo iyong bata.”
“Iyon nga ang masakit, tiwalang tiwala si Teodulo kay Carlota.”
“Ano’ng nangyari?”
“Ang hatol ng hukom ay pabor kay Carlota. Alam mo naman dito, ang tinitingnan ay ang kinabukasan ng bata.”
“Ano’ng nangyari pagkatapos.”
“Noong naglilipat na si Teodulo, dahil sa sama ng loob at sa laki ng kahihiyang idinulot sa kanyang pamilya, hinimatay na lamang bigla. Siyempre, tumawag ng 911 ang mga naroon, pero huli na. Namatay itong si Teodulo, aneurism.
“Ang lungkot naman.”
“Talagang ganyan ang buhay, kaya kahit kailanman, kailangang mag-ingat tayo.”
“Ano’ng ginawa ng ina ni Teodulo?”
“Umuwi sa Pilipinas at kinausap ang connection niya sa Military.”
“Ano raw ang sabi ng Military?”
“Matino naman ang connection niya sa military. Sabi daw ay ireport na lamang sa Canadian Immigration na fraud ang ginawa ni Carlota. Pero kung hindi maligaya ang ina ni Teodulo at may gusto siyang naiibang ipagawa ay may alam siyang gagawa noon, pero labas siya kung ano man ang mangyari.”
“Ano’ng ginawa ng ina ni Teodulo.”
“Nang magbalik sa Canada, ini report niya si Carlota ng fraud sa Immigration.”
“Ano’ng nangyari?”
“Inimbistigahan si Carlota at napatunayang fraud nga ang kanyang ginawa.”
“Pagkatapos?”
“Binigyan siya ng thirty days para ayusin ang kanyang mga papeles, o mag appeal.”
“Nag appeal ba naman?”
“Hindi. Dahil alam niyang wala siyang laban. Pero, wise talaga ang babaeng iyon, ang inasikaso ay ang pagbebenta ng condo.”
“What?”
“Kaya ng idiport siya, milyonara.”
“Hayop talaga ang ibang tao, ano?”
ISA na namang mabuting nilalang ang naging biktima ng isang pusakal nga manlilinlang.
Ang Nakaraan:
ANG BIKTIMA AT ANG MANLILINLANG - Part 3
Tweet