28 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
MASTER’S PIECE MULTIMEDIA PRODUCTION’S “VISA”EXIT/RE-ENTRY” PRESS CONFERENCE INILUNSAD….INDIE FILM IPAPALABAS NA!!



Sa panulat ni Direk Jorge Arriola Stohner Demafeliz
Riyadh-Saudi Arabia
November 3, 2016

 
 


Matagumpay na nailunsad ng Master’s Piece Multimedia Production ang Press Conference ng kauna-unahang full-length Indie-Art Film na ginawa sa Gitnang Silangan na pinamagatang “VISA:EXIT/RE-ENTRY.”


Banayad na sinimulan ang programa sa isang panalanging pinangunahan ni Ezer Martinez at ang pambansang awit sa pangunguna ni Teo Maglonzo.

Isang madamdaming pag-awit ang ipinamalas ni Gene Juanich sa kanyang rendition ng official theme song ng pelikula, na pinamagatang “Magkano Ba ang Pangarap”, na siya ring sumulat nito. Si Bb. Vianca Marie Cabigting naman ang umawit ng Love Song ng pelikula, na may pamagat na “Pangarap” na inareglo ni Rosavic Sison Ramos at titik nina Direk Jorge at Gene Juanich.

Ang sinopsis ng pelikula ay maliwanag na nailahad ng mga hosts ng gabing iyon, na sina Edmund Joaquin at Brando Martinez, “Mula sa pamagat nitong VISA, adhikain ng pelikula’y iparating ang simpleng mensahe kung paanong ang buhay OFW ay kasing halaga ng isang VISA. Na ang mahalaga’y paano mo isinabuhay ang salitang OFW o bagong bayani.”

Isa-isang ipinakilala ang mga nagsiganap sa pelikula, mula sa supporting casts, main casts hanggang sa lead casts. Ito’y sina: (Supporting Casts) Rendentor Tumulak Perez, Wilma Fonbuena, Beth Orpiano Martinez, Vianca Marie Cabigting, Dareen Hulleza, Nour Shiela, Carl Manalang, Erlinda Rueda Ulita, Micah Martinez, Charlotte Villones, Jessie Garcia, Jerry Caranto Visperas, Ronald Cabaldo Plata, Juanito Valdez Narido, Jerome Noquera D.S Reyes, Juvel Redoblado, Johnny Cadano Paris, Ricardo Lanceta Sapiera, Bernabe Ordonio, Ron Cruz at Jorge Arriola Stohner Demafeliz; (Main Casts) Jay Tan, Joey Gabutan Tan, Dhaydee Cortez Bohol, Wil Felizee Fonbuena, Christopher Ligon, Jun Muga at Ezer Martinez; (Lead Casts) Joey Angelo Manlapaz, Benjie Bautista at JP Galarion Aleta. Malugod itong pinalakpakan ng mga bisita ng gabing iyon, bagama’t ang ilan sa mga nagsiganap ay umuwi na at nagtatrabaho na ngayon sa bansang Pilipinas.

Masaya ang palitan ng mga tanong at sagot mula sa media, sa mga bumubuo ng pelikula at maging sa opisyal ng Embahada ng Pilipinas. Ang pangunahing salita ay nagmula kay Consul General Iric Arribas. Kanyang pinasalamatan ang lahat ng may kaugnayan sa paggawa ng pelikula at maging ang media sa kanilang kontribusyon sa ikapapalawig ng kultura at sining ng Pilipinas sa medium ng paggawa ng pelikula at pagbabalita. Iminungkahi ni Consul General na maging matalino at maingat sa pagbibigay ng mga balita para sa ikatataguyod ng bawat OFW. Naisin niya na sana ay isang “comedy” naman ang susunod na Indie film na malilikha ng MPM Production.

Narito naman ang mga anekdotang nagmula sa pangunahing bida ng pelikula:
Ani Jp Aleta, “Ang pelikula ay hindi lamang nagpapakita ng mapait na katotohanan ng buhay ng isang OFW, manapa’y naglalarawan din ito ng kung paano ang isang OFW ay gumagawa ng paraan upang hindi tuluyang igupo ng “homesickness” at sa gayon ay matutong ngumiti at harapin ang mga pagsubok.”

Binigyang diin ng director ng pelikula na sa kabuuan ay ipinapakita ng pelikula na may kapalit ang malaking halagang natatanggap ng mga mahal nila sa buhay sa Pilipinas, at iyon ay ang mga pagsubok sa buhay na nangyayari sa mga OFW sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Ang MPM Production ay binubuo ng sumusunod na Executive Board: Mr. Jorge Arriola Stohner Demafeliz, President, Mr. Nel Ian Melchor Bacerra, Over-all Technical Director, Ezer Martinez at Maribeth Martinez bilang mga VP for Production.

Ang VISA: Exit/Re-Entry ay sa panulat at direksyon ni Mr. Jorge Arriola Stohner Demafeliz, at aniya: “Ipinangako kong bibigyan kayo ng isang magandang pelikula kung saan ang mga paggganap niyo ay matutunghayan ng ating mga kababayan at maging sa ibang bansa, at para sa mga OFW sa buong mundo, narito ang kasaysayan nating lahat.”

Sa pagtatapos ng programa, ay pinasalamatan ng direktor ng pelikula ang mga sponsors sa pangunguna ng Jollibee Corporation, Fawri Money Transfer Services, Western Union, si G. Redentor Perez para sa inumin, si G. John Monterona at G. Robert Argallon para sa pagkain na nagmula sa pamamahala ng OFWULA at ang FOCUS Photographers’ Team  sa pangunguna ni Jun Muga na siyang namahala sa photo shoot ng buong kaganapan.

Naging bahagi ng bonding ng mga dumalo ang “picture taking” kasama ni Consul General Iric Arribas.  Nakatakda ANG PREMIERE NIGHT NG PELIKULA SA DARATING NA NOBYEMBRE 11, NA SISIMULAN SA ISANG RED CARPET WELCOME SA GANAP NA 3 NG HAPON HANGGANG ALAS-8 NG GABI sa Embahada ng Pilipinas. (JASD)


    Tweet
    MoreFilipino Australian World War 2 veteran laid to rest
    Marilie Bomediano

    SYMBOLLIC American flag with red poppies draped the coffin casket of the departed Filipino-Australian Master Sergeant Emilio Desierto Nacua Sr, a 100 years old war veteran from the US Army HQ 43 Infantry Philippines Division on Thursday Nov 3, 2016 at the Saint Johns XXIII Catholic Church at Stanhope Gardens....
    MoreFarewell DULAANG BAYAN MELBOURNE (Filipino Community Development Theatre)1987- 23-October 2016
    Adrian Prophet

    It is with regret that after 29 years, the President, Manny G Asuncion and members of Dulaang Bayan Melbourne (Filipino Community Theatre), in  Australia, have taken the decision to “lower the curtain” on DBM Inc....
     
    MoreHistorian Agoncillo on his 104th birth anniversary
    Renato Perdon

    (Before I take a break for a couple of weeks, I am posting this piece in advance as my homage...
    MoreMASTER’S PIECE MULTIMEDIA PRODUCTION’S “VISA”EXIT/RE-ENTRY” PRESS CONFERENCE INILUNSAD….INDIE FILM IPAPALABAS NA!!
    Direk Jorge Arriola Stohner Demafeliz

    Matagumpay na nailunsad ng Master’s Piece Multimedia Production ang Press Conference ng kauna-unahang full-length Indie-Art Film na ginawa sa Gitnang...
    MoreANNUAL AWARDS and APPRECIATION NIGHT FOR TALAMAK GOLF and LBC
    Dindo Orbeso

    It was an awesome night of fun and glitter for the members and friends of the Talamak Golf club, as...
    MoreKnights of Rizal (KOR), Sydney, Australia Chapter Holds Knighting, Elevation, Exaltation Ceremonies & Symposium
    Francis (Boy) de los Santos

    Philippine Consulate-Sydney-October 8, 2016: The   Knights of  Rizal (KOR)   Sydney Australia  Chapter  successfully concluded its Knighting, Elevation and  Exaltation ceremonies...
    MoreBUYER AND SELLER MARKET
    Jorge Lomboy

     
    A market is a place of commercial activity in which goods or services are bought and sold.  It is...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.