28 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
Liham mula kay Tatay




Ni Willie Jose

 
 


(I’d like to give my column’s space to my father’s letter sent to us in 1990 when my family and I were still in the Philippines. This letter is postmarked  “27 DEC 1990 Long Island NY 117” via airmail. My Tatay who was fondly called  “Ka Tino” by his close friends used to have a column  “Doon Po Sa Amin” in the Philippine Free Press’ Pilipino magazine . He died in New York in 2007 at the age of 93.)

Ang Tunay na Diwa ng Pag-ibig at Pagmamahal

Ni Ka Tino Jose

Kay Willy at Lilia, kay Maureen at Lilet,
Gayundin kay Voltaire at May na bulilit,
Sa liham kong ito’y nais kong “pahatid”,
Ang lahat ng aming mainit na halik .

Sa larangan ng panulat, sandata kong kinalawang,
Pamuli kong inihasa upang kayo ay sulatan,
Ito’y bilang ganting-tugon sa sulat n’yong naglalaman
Nitong tunay na diwa ng pag-ibig at pagmamahal.

Lahat kaming  naririto ay tunay ngang nagagalak,
Pagkat kami ay lagi nang may balitang nasasagap,
Masasabing kahit mandin malayo ang ating agwat,
Pa na rin magkadaop itong ating mga palad.

Kung ako ang tatanungin ay mabuti na rin naman
Ang kung minsa’y magkalayo nguni’t may pagtitinginan,
Di tulad nga nuong ibang magkasamang naturingan,
Nguni’t parang aso’t pusa na laging nagkakalmutan.

Kaya’t lagi n’yong tandaan, saan man kami naroroon,
Pag-iisip nami’y lagi na sa inyo’y nakatuon,
Tangi naming adhikain sa inyo ay makatulong
Nang sa gayon sa anumang hirap kayo’y makaahon.

Tungkol sa  ‘min masasabing lahat kami ay masigla,
Lalo na nga si Gilbert na poging anak ni Victoria,
Pagkain  n’ya sa tanghali, sa gabi at sa umaga
Ay di kaya na ubusin ng gutom na tatlong buwaya.

Ang buhay sa Amerika ay tulad din sa Maynila,
Kailangan ang kumayod upang meron kang matuka,
Kapag ika’y tamarindo, walang sipag, walang tiyaga,
Ay wala kang mahihigop, kahit sabaw ng nilaga.

Kalagayan naming dito ay mabuti na rin naman,
Hindi kami naghihirap, di rin kami yumayaman,
Kung baga nga sa niluto ni Nanay na bagong ulam,
Tamang-tama sa timplada, di maalat, di matabang.

Hanggang dito na lang muna, saka na lang sa susunod,
Susulat din akong muli, upang kayo ay malugod,
Samantala, hinihiling nitong Tatay ninyong panot,
Sa pagsulat n’yo sa amin ay huag kayong manghimagod.

    Tweet
    MoreFriendly rivalry games fought, sense of brotherhood enhanced
    Willie Jose

    It was awesome and inspiring to see the friendly rivalry shown by the alumni of the various colleges and universities...
    MoreLiham mula kay Tatay
    Willie Jose

    (I’d like to give my column’s space to my father’s letter sent to us in 1990 when my family and...
     
    MoreFLERRIE V, THE VISUAL ARTIST
    Flerida Vicencio

     ...
    MoreLONDON TO HOST WORLD PREMIERE OF NEW MUSICAL MARCO POLO – AN UNTOLD LOVE STORY
    Angela Oakes

    The world premiere of new musical - Marco Polo, An Untold Love Story - is taking place in London this Summer at...
    MoreWhite Camel Youth Basketball Camp inilunsad sa Riyadh
    Marlon Baris Vicente

    RIYADH: Isang makabuluhang araw ang ika-29 ng Hulyo 2016 para sa mga batang nagnanais magkaroon ng pormal na kaalaman sa...
    MoreKnights of Columbus # 9144 Pilgrimage to Quebec
    Dindo Orbeso

    To Celebrate the Jubilee Year of Mercy, the Prince of Peace Knights of Columbus Council # 9144  brought...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.