Indie Art Film: “VISA” pormal ng inilunsad ng MPM Production!
Ni Mau Cabo, Jr.
Riyadh-Saudi Arabia
September 17, 2015
Isang mini-presscon sa pangunguna ng Master’sPiece Multimedia (MPM) Production upang pormal na ilunsad ang kanilang pelikulang pinamagatang VISA: Exit/Re-entry na dinaluhan naman ng TFC Middleast Correspondents na sina Mr. Christopher Marlowe Villagonzalo Lavina at Mrs. Marilyn Lavina. Naganap ang nasabing programa sa isang Estraha sa Exit 10, Riyadh City, KSA noong Setyembre 4, 2015, 9PM - 12 Midnight.
Sinimulan ang programa sa panalangin na pinangunahan ni Mr. Ezer Martinez, isa sa mga aktor ng pelikula. Nagbigay naman ng song number si Ms. Vianca Cabigting, Riyadh Idol Kids 1st runner up 2015 at Musical Star Quest Hall of Famer 2015 in IPSR sa saliw ng musikang “I dreamed of dreamed.” Sumunod ang paglalahad ng Sinopsis ng pelikula.
“Mula sa pamagat nitong VISA, naisin ng pelikula’y iparating ang simpleng mensahe kung paanong ang buhay OFW ay kasing halaga ng isang VISA. Na ang mahalaga’y paano mo isinabuhay ang salitang OFW o bagong bayani.” Isa sa mga binanggit sa sinopsis ng pelikula na inilahad ni Mr. Mau Cabo Jr., host ng programa at VP for Production ng MPM Production.
Sunod na ipinakilala ang mga karakter, mula sa supporting casts, main casts hanggang sa lead casts. Ito’y sina: (Supporting Casts) Rendentor Tumulak Perez, Wilma Fonbuena, Beth Orpiano Martinez, Vianca Marie Cabigting, Dareen Hulleza, Nour Shiela, Carl Manalang, Erlinda Rueda Ulita, Micah Martinez, Charlotte Villones, Jessie Garcia, Jerry Caranto Visperas, Ronald Cabaldo Plata, Juanito Valdez Narido, Jerome Noquera D.S Reyes, Juvel Redoblado, Johnny Cadano Paris, Ricardo Lanceta Sapiera, Bernabe Ordonio, Ron Cruz at Jorge Arriola Stohner Demafeliz; (Main Casts) Jay Tan, Joey Gabutan Tan, Dhaydee Cortez Bohol, Wil Felizee Fonbuena, Christopher Ligon, Jun Muga at Ezer Martinez; (Lead Casts) Joey Angelo Manlapaz, Benjie Bautista at JP Galarion Aleta.
Nagbigay ng maiikling anekdota tungkol sa pagbuo at pagiging bahagi nila ang bawat karakter. “I believe, itong casts na to….talagang fate. We did our best...sooner or later, we will get there.” Ayon kay Joey Manlapaz.
Para naman kay Benjie Bautista, “ayokong ma-imagine na may mga Pilipinong ginaganon…kung mapapanood nyo na ung movie, may mga part na kikilabutan kayo…dahil totoong nangyayari ito…”
At mula naman kay JP Aleta, “I have high hopes po para dito...to God be the glory, alam po natin na ginagawa natin po ito hindi para sa ’ting mga sarili but to glorify the Lord.”
Binigyan din ng pagkakataong makapagbahagi ng kwento ng pagbuo ng pelikula ang Official Cinematographer at Editor na si Mr. Nel Ian Melchor Bacerra. Isa lamang ang panalangin niya para sa produksyon: “Sana tuloy-tuloy po ung Master’sPiece Multimedia Production natin. Kahit umuwi man ako sa Pilipinas, itutuloy ko pa din ito.”
At sa bahaging pagbibigay katanungan ng mga naimbitahan at malugod na dumalong press from TFC Middle East, tinanong ni Mr. Lavina ang lead casts, ““Gaano ka-importante sa inyo ang Exit/Re-Entry? Gaano ka-importante sa buhay inyo ang Re-Entry?”
“Hindi lang naman to earn money ang isang pagging OFW sometimes nahahanap mo rin ang sarili mo. At bakit mahalaga sa akin ang Exit/ Re-Entry is because masaya po ako dito. Hindi po nalilimitahan ang kasiyahang naibibigay ng pagtulong sa kapwa OFWs.” Tugon ni Mr. JP Aleta.
Ang MPM Production ay binubuo ng sumusunod na Executive Board: Mr. Jorge Arriola Stohner Demafeliz, President, Mr. Nel Ian Melchor Bacerra, Over-all Technical Director, Mr. Mau Cabo Jr., Vice President for Production, Mr. Benjie Bautista, Vice President for Multimedia Affairs, Mr. Joey Angelo Manlapaz, Vice President for Public Affairs and Mr. Ezer Martinez, Vice President for Finance.
Ang VISA:Exit/Re-Entry ay sa panulat at direksyon ni Mr. Jorge Arriola Stohner Demafeliz, at aniya: “Gusto kong magpasalamat sa aking mga casts...I really want to bring out the best out in you... Ang pinagprapray ko sa Panginoon, maabot natin ang mga festivals abroad.” Nailahad din ng direktor ang mga future plans, possible market at long term visions ng kanilang proyekto.
Sa pagtatapos ng programa, isang teaser ang pinalabas upang dagling mabigyan ang lahat ng ideya kung paano tatakbo ang pelikula. At sumunod naman ang photo session para sa opisyal na publicity posters and materials ng nasabing pelikula. Nakatakdang ipalabas ang pelikula bago matapos ang taon. (M.C. Cabo).
Tweet