(Sa Pananaw at Karanasan ng isang OFW)
‘Balikbayan Box’ – A Case in Point
By:
J. Nava Cruz
Middle East
August 26, 2015
Naging unilateral ang desiyon ng Kawanihan ng Adwana (Bureau of Customs) ng Pilipinas. Ipatupad ang batas. At ang mga regulasyon na naaangkop sa mga ‘balikbayan boxes’. ‘Random’ o ‘spot check’ ng mga balikbayan boxes at implementation ng ‘dutiable taxes’ sa mga pinapadalang gamit ng bawat OFWs ang kanilang madaliang naging hakbang. Ultimate reasons: Smuggling ng mga illegal na bagay (weapons, ammunitions, business consignment na umiiwas sa buwis, at kung anu-ano pa). Isang ‘suo moto’ move ng Kawanihan ng Adwana ng Pilipinas na mabilisang inanunsyo sa mga pahayagan at television nang wala man lamang consultation o pagdinig sa boses at damdamin ng milyong-milyong OFWs na tunay na nagulat. Mabilisang naapektuhan.
Sa nasabing pamumulaga ng Kawanihan ng Adwana, narito ang ilang paglilinaw. Pagtatanong. Paglalahad hinggil sa karanasan ng OFW-writer na ito sa pagpapadala ng balikbayan boxes sa nagdaang dalawang dekada:
1. Ang buong alam ng maraming OFWs na nagpapadala nang kanilang mga balikbayan boxes na tunay naman na nagkakaroon ng ‘random check’ sa bagahe ang Bureau of Customs sa kanilang mga pantalan base sa hinala na mayroong smuggled items ang nasabing bagahe kung saan sumasailalim ito sa komprehensibong pagsisiyasat (random check).
Ang tanong: Bakit at ano ang lubos na dahilan bakit ngayon lamang opisyal na inanunsyo ng Bureau of Customs na magkakaroon ng ‘random’ o ‘spot check’ sa mga balikbayan boxes ng mga OFWs?
2. Given Item No. 1, hindi ba lubos na naisip ng Kawanihan ng Adwana, sa simula pa lamang nang kanilang opisyal na anunsyo sa print and broadcast media, na ang nasabing opisyal na ‘random check’ (bigyang konsiderasyon pa ang mga sopistikadong teknolohiya ng mga scanning machines sa tanggapan at pantalan ng BoC) sa mga balikbayan boxes ay magbubukas ng panganib sa mga mga bagaheng ito na tunay namang bahagi ng damdamin ng pagmamahal at pagkalinga ng mga OFWs sa kanilang pinadadalhang pamilya?
Ang tanong: Paano kung talagang may nawala sa laman ng balikbayan boxes? Sino ang hahabulin sa pandarambong? Ang BoC ba o ang cargo forwarders? Pero isa ang siguradong talunan. Ang simpleng OFW na nawalan, nanakawan. (Salamat na lamang dahil habang tinitipa ang lathalaing ito, nagkaroon na nang desisyon ang pinakamataas na liderato ng bansa, si Pangulong Noynoy Aquino, na walang dapat mangyaring random check sa mga balikbayan boxes ng mga OFWs.) Bakit hindi naisip ng Kawanihan ng Adwana na dapat binigyang konsultasyon muna hinggil sa kanilang ipatutupad na hakbang ang mga maaapektuhang OFWs?
Ngayon, dumako naman tayo sa sinasabing ‘dutiable taxes’ o ‘form of taxation’ para sa mga pinadadalang balikbayan boxes (bagahe) ng mga OFWs.
3. Ang OFW-writer na ito ay halos dalawang dekada nang nagpapadala nang kaniyang mga cargo (balikbayan boxes) sa kaniyang pinagkakatiwalaang cargo forwarders mula sa wheelchair, tungkod, diapers, food items, clothes and tangible gifts sa kaniyang mga pumanaw na magulang hanggang sa kaniyang mga personal art collections, art works, personal items tulad ng silya, mirror, at kung anu-ano pa. Yung iba, binibili sa second hand market. Yung iba, regalo ng mga Big Bosses. At ang karamihan, pinag-iipunan ng pera para unti-unting mabili para padala sa mga kamag-anakan at pamilya. At sa bawat pagpapadala, hindi kailanman sinabi ng pinagkakatiwalaang cargo forwarders na may dutiable taxes base sa kung anumang ‘transaction value’ na nakadikit sa presyo ng mga bagay na pinapadala. Ang karaniwang binabayaran ng OFW-writer ay ang ‘cargo shipment fees’ at anumang ‘associated insurance and other handling fees’ para sa kaniyang bagahe. Minsan malaki ang gastos, minsan naman ay maliit, depende sa volume ng personal articles na ipinadadala. Ngayon lamang lumabas ang isyu ng “hindi lalagpas sa isang box(?)”, “hindi lalagpas sa $500 worth of padala’ na kung tutuusin ay tunay namang hindi na applicable sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Filipino, bigyang konsiderasyon pa ang naging depreciation ng Peso sa nagdaang dekada. Take note, ang isang sapatos na Nike (ay nagkakahalaga na ng 4,000 to 5,000 Pesos o humigit pa. Hindi ba napapanahon na gawang amyenda ang regulasyon na ito, halimbawa, Pesos 150,000 o Pesos 100,000 pababa ang exemption para sa mga OFWs, at hindi isang kahon bawat buwan tulad nang sinasabi sa mga pahayagan, bagkus mga bagaheng kahon (ilan man ang bilang) na hindi lalagpas sa ganitong halaga sa tinakdang period ng pagpapadala (every three months ba? O, every six months ba?).
Ang tanong? Bakit walang alam ang mga Filipino cargo forwarders sa mga ganitong regulasyon ng Kawanihan ng Adwana para ibahagi sa mga OFWs na nagpapadala ng balikbayan boxes?
Educating concerned OFWs regarding applicable laws (including taxation on dutiable items) with respect to their balikbayan boxes is the ultimate key towards mutual understanding between BoC, Cargo Forwarders and OFWs. In the absence of information, clashes and fights will certainly surface on the ground. ‘Ignorance of the law excuses no one’ is not at all an excuse vis-à-vis this issue. Paano naman lubos na maiintidnihan ng isang simpleng OFW ang metodolohiya ng Tariff System ng Kawanihan ng Adwana at World Trade Organization Valuation System kung hindi lubos na bibigyang paliwanag at mga halimbawa? Isa ang OFW-writer na ito na hindi din lubos naiitindihan ang metodolohiya nang dutiable items taxation.
4. Given Item No. 3, ang isang magandang halimbawa na maaaring bigyang atensyon at pamarisan ng Kawanihan ng Adwana ng Pilipinas ay ang pinatupad ng Bureau of Customs ng Kaharian ng Saudi Arabia sa pinapadalang balikbayan boxes ng mga expatriates kung saan nagbigay sila ng direct information thru all Filipino cargo forwarders kung ano ang mga bawal na bagay na hindi dapat isama ng mga OFWs sa kanilang mga balikbayan boxes at ang kaukulang kaparusahang multa (penalties) para dito na mabilis na binigyang positibong pagsunod ng mga OFWs. Sets of rules and laws na naging ‘handy’ para sa kaalaman nang lahat na OFWs. Ito ang isa sa magandang naging bunga kung bakit salang-sala, ligtas-panganib ang mga balikbayang boxes na pinapadala ng mga OFWs mula sa Saudi Arabia at karatig bansa sa Gitnang Silangan papuntang pantalan ng Kawanihan ng Adwana sa Pilipinas.
Ang tanong: Sa nagdaang tatlong dekada, nagawa ba ito ng Kawanihan ng Adwana sa Pilipinas? Nagkaroon ba ng ‘handy information’ o disseminated information sheet’ na maiintidihan ng mga simpleng OFWs (in layman terms)? Kung wala man sa kasalukuyan, kailan ito gagawin para sa pangkalahatang kaalaman ng lahat ng OFWs at mga nagpapadala lalung-lalu na nang mga cargo forwarders para ipaalam sa mga OFW balikbayan box senders?
5. Given all the above-items, isa lang naman ang concern ng bawat isang OFW tulad nang OFW-writer na ito: Laws should be applied to every all. Walang problema kung muling repasuhin o bisitahin o ipatupad ang dutiable tax sa mga pinapadalang articles (bagay, gamit, atb. ng mga OFWs). Subalit bakit hindi bigyan ng mas matinding pansin ng Kawanihan ng Adwana ang maliwanag pa sa sikat nang araw na paglabag ng mga higanteng institusyon, industriya at ilang bansa sa batas at regulasyon na sinasabing gustong ipatupad ng Kawanihan ng Adwana? Na tunay namang nagnanakaw sa sinasabing kinikita ng Kawanihan! Ang tone-toneladang basura ng Canada! Ang mga panindang Tsina na lumulusot sa ating pantalan na nakatinda sa Divisoria, Tutuban, Quaipo na isang garapalan at malakihang paglabag sa ‘intellectual property rights’ nang maraming orihinal na inventor at gumawa!
6. Higit sa lahat, at ang pinakamalaking tanong: Kailan at Paano muling maibabalik ng Kawanihan ng Adwana ang TIWALA ng sambayanang Pilipino, kasama na ang milyong-milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa sanrekwang kuwento ng pangungurakot, pagnanakaw at kung ano-anong nabalita at binabalitang katiwalian sa loob ng Kawanihan ng Adwana sa nagdaang mga dekada at kasalukuyang panahon? Napakadaling sumunod tulad ng magbayad ng kaukulang dutiable taxes. Sa halagang itatakda at mapapagkasunduan sa issue ng halaga nang mga gamit na padadala para sa tax exemption. Sa bilang ng mga kargamento na padadala sa tinakdang period o panahon. Iyon nga lamang, magiging madali ito, walang magiging gulo at iringan kung tunay at lubos na umiiral ang isang malinis, maayos, patas at tamang mga hakbang at pagpapatupad sa mga sinasabing regulasyon at batas!
At paano nga ba susundin at ipatutupad ang batas kung ang tiwala na dapat ay maging kakambal ng mga batas at regulasyong ito mula sa Sambayanang Pilipino kasama na ang milyong-milyong OFWs ay patuloy na lumalangoy at namamangka sa laot ng Dagat ng Kawalan? –
(J. Nava Cruz, an OFW, is a freelance writer/documentarist and a published book author in the Philippines.)
Related article-
Providing for the family is Filipino cultural trait; sending money and gifts ‘very Filipino’—Baldoz
Tweet