28 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
PAG-IBIG AT PANGANGAILANGAN - (Part 4)




Sinulat ni Rene Calalang
Scarborough- ON Canada

 
 


IYO’Y dalawang linggong bakasyon sa Rome.

Sa ikalawang araw, matapos ang isang araw ng pagpapahinga, ng sila ay nasa loob ng Imperial Rome Hotel, ay inilabas ni Crisanto sa kanyang maleta ang isang kahon na gawa sa karton. Doon, upang hindi malumpot ay maingat na nakalupi ang isang simple, busilak sa kaputian at tinahi ng fashion designer na wedding dress. Inilabas niya iyon at iniladlad sa harapan ni Evita.

“Wow! ang ganda niyan. Para kanino iyan?”

“Para sa aking magiging maybahay.”

“At sino ang mapalad na babae?”

“Nasa harap ko siya ngayon.”

“Sino? Ako?”

“Ikaw nga.”

Hindi nabigla si Evita dahil inaasahan niya ito.

“At kailan ang malaking kasalan?”

“Sa makalawa.”

“Saan?”

“Dito. Sa St. Peter Basilica at ang Santo Papa ang magkakasal.”

“Pero hindi ako handa para diyan.”

“Huwag kang mag-alaala. Dala ko ang lahat na kakailanganin.”

Dinukot ni Crisanto sa kanyang harapang kanang bulsa ang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at inilabas ang isang may tatlong butil ng malilit na diyamanteng wedding ring, na kanyang ipinasadya sa isang mag-aalahas.

“Para sa iyo.” Inabot ni Crisanto ang palasinsingang daliri ni Evita. Isinuot niya ang sinsing dito. “Will you marry me?”

Saglit na di kumibo si Evita. Pagkuwa’y naisip niya na iyon talaga ang kahihinatnan nang sagutin niya ang “ad” ni Crisanto.

“May pagpipilian ba ‘ko?”

“Wala.”

“Of course, I will marry you.”

“At sino ang mga sponsors natin?”

“Ang best man ay si Fernando at ang iyong maid of honor ay ang Misis niya, si Julita.”

“Alam na niya ito?”

“Noon pa. Naka set-up na ang lahat.”

IYO’Y  isang simpleng kasalan na ginanap sa loob ng St. Peter Basilica. Bahagi sila ng group wedding na ginampanan ng Santo Papa.

Kasama sina Fernando at Julita na ipinagdiwang nila ang kanilang pagiging bagong kasal sa isang primera klaseng Italian restaurant.

BILANG honeymoon ay sumama sila sa Tour of Rome at ilan pang malalapit na lugar.

Hindi halos sila makapaniwala ng kanilang makita ang ilang munting bahagi ng loob ng Vatican kagaya ng Sistine Chapel, na ipinatayo ni Pope Sixtus IV noong 1473-1781, at pinintahan ng mga obra maestrang palamuti ng mga dakilang Renaissance Artist noong panahong iyon katulad nina Sandro Botticeli, Pietro Perogina at ang itinuring na pinakadakila sa kanilang lahat, si Michaelangelo.

Muli nilang minasdan ang St Peter Basilica, na isa sa dalawang pinakamalaking simbahan sa daigdig at kilala bilang lugar na pinaglibingan kay Saint Peter at marami pang Santo Papa. Nalaman nila na kasama si Michaelangelo sa pangkat ng mga Renaissance Artist/Architect na nag-design at namahala sa pagtatayo nito. Muli, humanga sila sa pagiging genius ni Michaelangelo ng kanilang makita ang sculptor nitong PIETA.

Nagpunta sila Ancient Roman City of Pompeii, ang lunsod na natabunan ng ang bulkang Vesuvius na sumabog noong 79AD, na pagkalipas ng isang libo at pitong daang taon ay natagpuan at maingat na hinukay ng mga archaelogist. Naglakad sila sa makipot na kalsada at minasdan ang mga labi, at nagkaroon sila ng kuro-kuro kung papaano ang buhay noong panahon ng pananakop ng mga Roman.

Nagpunta sila sa bayan ng Pisa at buong paghangang minasdan ang ayon sa mga kuro-kuro ay gusaling pinaggampanan ni Galileo Galilei ng isa sa kanyang mga experimento, ang Leaning Tower of Pisa. Minasdan din nila ang mga katabing gusali kagaya ng Cathedral at Baptistery.

Ang huling araw ng kanilang tour ay araw ng pagpapahinga at paghahanda sa pag-uwi. Araw din ito upang ipagtapat ni Crisanto ang kanyang balak.

“Ngayong kasal na tayo ay madali na tayong makababalik sa tirahan ko sa Switzerland.”

“Ikaw ang bahala.”

Madaling naayos ang kanilang mga papeles. Tumagal pa sila ng limang linggo sa Palawan bago lumipad pauwi sa Switzerland.

SA UNA ay mailap si Dennis kay Evita, marahil ay dahil sa maikling panahon pa lamang ang kanilang pagkikita. Ngunit natural na mapagmahal si Evita. Sa kanyang mga ipinakitang pagmamahal at pag-aasikaso, ang kapalit ay ang pagiging magiliw sa kanya ni Dennis.

Sila, pagkalipas nang maikling panahon ay tila tunay ng mag-ina.

LABIM PITONG buwan na silang nagsasama ng isang araw ay nakaramdam si Crisanto nang sobrang panghihina. Kasabay nito ay ang pagsakit ng kanyang likod, katapat ng kanyang kidney. Nakaramdam din siya ng pananakit ng paa. Napansin niya ang pamamaga ng kanyang mga daliri at pamamanas ng kanyang mukha. Alam kaagad ni Evita na lumalala ang sakit ni Crisanto.

Karakang dinala ni Evita si Crisanto sa Kidney Specialist na tumitingin kay Crisanto noon, si Dr. Carreon, na nataon naman na isang Pilipino. Binigyan si Crisanto nang maraming pagsusuri.

Lumabas ang resulta ng mga pagsusuri. Sinabi sa kanila ng Specialist, “Lumalala ang sakit ni Fernando. Ang noo’y chronic kidney disease, stage 3a, na nangangahulugan na humigit kumulang ay 50% lamang na nagtatrabaho ang kanyang kidney, ngayon ay acute kidney failure na, na nangangahulugan na kailangan niyang mag dialysis, na sa simula ay tatlong beses isang linggo, na maaring maging araw-araw, o kung talagang hindi na makuha ng dialysis, kailangan niya ng kidney transplant.

ISANG ARAW, matapos ang dialysis, samantalang sila ay nagpapahinga ay kinausap ni Crisanto si Evita, “Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa ginagawa mo. Ang ibig kong sabihin ay maari mo akong iwanan sa halip na alagaan. Marami nang gumawa niyan dito. Kinuha sa atin, pagkatapos ay iniwanan. Ginamit lang pala ang pobreng lalake.”

“Iyon ang hindi ko gagawin dahil sa ako’y taong marunong tumupad sa pangako.”

“Kahanga-hanga ka.”

“At saka natatandaan mo pa ba noong tayo’y ikinasal ay nanumpa tayo na “IN SICKNESS AND IN HEALTH, FOR RICHER OR FOR POORER, FOR BETTER OR FOR WORSE.” Ang sakit mo ang pagsubok sa ating pangako.

LALONG lumalala ang sakit ni Crisanto hanggang sa imungkahi ng Kidney Specialist na kailangan na niyang mag dialysis araw araw.

“Gawin ho natin kung ano ang maganda.”

“Kung ako ang masusunod, kung may donor ay kidney transplant na. Hindi problema ang pera dahil napakaganda ng Health Care dito. Ang problema ay ang donor. May organ bank dito, pero napakaraming naghihintay. Kahit may match siya ay siguradong marami na ang nauna sa kanya, o kung dumating man na siya na ay baka patay na siya.”

Saglit na katahimikan.

Iniisip ni Evita na isang kidney lamang ang kanyang kailangan upang mabuhay. Naglalaro sa kanyang isip na magpapa check sila ni Crisanto upang malaman kung match sila, na kung match sila ay ido-donate niya ang isa niyang kidney kay Crisanto. Sinabi niya iyon sa Specialist.

“It’s your decision,” sabi ng specialist. “When do you want to have you and Fernando tested.”

Sinabi ni Evita kung kailan.

Match sila.

DALAWANG LINGGO bago ang operasyon may hiniling si Evita kay Crisanto, “Gusto kong ampunin si Dennis…legally.”

“Gagawin mo iyon?”

“Bakit hindi. Gusto kong gawin iyon para kung ano man ang mangyari sa operasyon ay malaman mo na si Dennis ay nasa mabuting kamay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa ganito kalaking operasyon.”

IYO’Y isang matagumpay na operasyon na ginampanan sa primera klaseng pagamutan, ng mga kilala sa buong daigdig na mga Kidney Specialists.

Ngunit naganap ang di inaasahan. Ni reject ng katawan ni Crisanto ang kidney ni Evita.  Nagkaroon siya ng complication.

SA ICU ng hospital, kahit si Crisanto ay hilo at manhid sa bisa ng mga gamot ay alam niya ang kanyang sinasabi at ginagawa.

Mandi’y nadarama niya na malapit na ang kanyang katapusan. Hinawakan niya sa kamay si Evita, “Kung ano man ang mangyari ay gusto kong malaman mo na mamamatay akong maligaya.”

“Hindi mangyayari iyan. Mabubuhay ka nang matagal upang tayo,       ako, ikaw at si Dennis ay magkakasama at mabubuhay nang maligaya bilang isang pamilya.

“Sana nga. Pero kung sakali man ay gusto kong pasalamatan kita, sa pag-aalaga mo sa akin, sa masasayang araw natin at ang pinakamahalaga ay alam kong nasa mabuting kamay si Dennis.”

Pagkuwa’y lumuwag ang pagkakahawak ng kamay ni Crisanto sa kamay ni Evita.

    Tweet
    MoreMHPHS CLASS ’64 50TH REUNION - Part 2
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    NEXT PLACE to visit was the house of Alberta Uitangcoy Santos, now a dedicated museum to the Twenty Women of...
    MoreMHPHS CLASS ’64 50TH REUNION -Part 2
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    DAY TWO was a whole day affair.
     
    The day started when very early in the morning of...
    MoreMHPHS CLASS ’64 - 50TH REUNION
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    Malolos City-February 7-8, 2014: Among the many reunions that we (MHPHS Class ’64) had, and we had many, the most...
     
    MoreRELOAD YOUR DREAMS - Rebecca Bustamante Inspires Toronto
    Michelle Chermaine Ramos

    On Friday, August 19 2016 iKUBO Media in cooperation with Chalre Associates hosted Reload Your Dreams at the YWCA at 87 Elm Street in downtown Toronto....
     
    MoreMy ‘Tall Dark, and Handsome’ younger brother, Hermes
    Renato Perdon

    In commemoration of the 70th birth anniversary of my TDH younger brother on 28 August 2016, I am posting this piece....
    MoreHWPL to Host “2nd Annual Commemoration of the WARP Summit” in Seoul, South Korea in September
    Marilie Bomediano

    Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL, Chairman Man Hee Lee) is hosting its “2nd Annual Commemoration of September...
    MoreAmbassador Gatan Celebrates Summer Reunion with PAG Artists
    Michelle Chermaine Ramos

    The Philippine Artists Group of Canada celebrated their annual summer reunion with Ambassador Gatan, Mrs. Debbie Gatan and Consul General...
    MoreLUNIJO’S MISS GRAND CONTINENTAL QUEEN CANADA PAGEANT A CLASS OF ITS OWN
    Li Eron

    This year's Taste of Manila in Bathurst Street disrupted traffic in a good way for it being one of North...
    MoreDurham Crossover Basketball team wins tourney
    Dindo Orbeso

    Durham Crossover Basketball team won  the U11/U12 Last One Standing Tournament  held last August. 20-21, 2016 at Bill Crothers Secondary...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.