PAG-IBIG AT PANGANGAILANGAN (Part 3)
Sinulat ni Rene Calalang
Scarborough-ON-Canada
May 25, 2015
SA PANAHON ng kanilang pamamahinga ay unti-unti na nilang pinag-uusapan ang kanilang personal na buhay.
“Hindi mo pa nababanggit sa akin kung sino ka talaga?” isang araw na sila ay nasa veranda ng suite ng hotel ay naitanong ni Crisanto.
Saglit na nag-isip si Evita bago nagpatuloy, “Ulilang lubos na ako. Namatay ang mga magulang ko ib a kanilang sinasakyang ferry boat na ib a sa Maynila at pauwi na ib a ay lumubog nang masalubong nito ang isang malakas na bagyo.”
“Kay lungkot naman. Saan ka nakatira ngayon?”
“May maliit na bahay kami na halos ay isang kubo na nakatayo sa sulok ng bakuran ng isa kong tiyuhin sa panig ni Ama. Pero ang masakit nito, gusto na akong paalisin ng tiyuhin ko dahil ibebenta na niya ang bakuran at isa sa mga hinihiling ng bibili ay kailangang umalis ako.”
“Kanino ibebenta?”
“Doon sa developer. Magtatayo raw ng hotel roon.”
“Pansamantala ay may tirahan ka, pero papaano ka nabubuhay?”
“Paiba-iba. Kung ano ang mayroon.”
“Halimbawa?”
“Kung minsan ay sa tourism dahil ib a sa amin, iyan ang number one source of employment. Pero seasonal iyan dahil kung tag-ulan ay mahina ang tourism.”
“Papa’no ka nabubuhay kung tag-ulan?”
“Tricycle. Nagpapasada ako ng tricycle.”
“Ha?”
“Oo.”
“Sa ganda mong iyan ay sigurado akong makakakita ka ng ibang trabaho.”
“Maganda ako dahil nakaayos at naka make-up. Alam mo naman kaming mga babae. Mandaraya ib ang ganda. At saka wala ib a masama kung magpasada ako ng tricycle dahil sa marangal na trabaho ito.”
“Hindi dahil doon kung hindi bihira akong makakita ng babaeng nagpapasada ng tricycle.”
“Ito kasi ang ib an mapasukan ib a dahil ito ang main form of transportation ib a.”
“Napansin ko nga. At saka iba sila, magagalang. Napansin ko rin na sumusunod sila sa mga traffic rules.”
“Gusto mo kamong maging doctor at isang araw ay magbalik ib a.”
“Oo.”
“Bakit ka babalik pa samantalang kung doctor ka na sa Europa ay siguradong komportableng komportable na ang buhay mo.”
“Hindi ko alam. Pero iyan ang pakiramdam ko, na kailangan ng mga tao ib a ang mga taong may kinalaman sa medisina at sa batas dahil kahit na maganda ang islang ito, karamihan sa mga tao ay mahirap.”
“Nabanggit mo na kailangan din nila ib a ang mga taong may kinalaman sa batas.”
“Oo. Para kung dumating ang mga dayuhan at mga mangangalakal na oportunista ay hindi sila mapagsamantalahan.”
“Tama ka. Kung babasahin mo ib ang kasaysayan, isa sa mga dahilan kung bakit tayo naghihirap ay sa kawalan nang tamang karunungan ng mga tao. Pero sa palagay ko ay nagbabago na.
“Bakit mo nasabi iyan?”
“Dahil marami ng mga puno natin ang may idealism. Ibig kong sabihin ay hindi na sila TRAPO. Mga bata sila, nakapag-aral at nakapaglakbay kaya alam nila ang pagkakaiba nang tamang pamamalakad sa maling pamamalakad.
“Sana nga.”
“May imumungkahi ako pero hindi ko alam kung magugustuhan mo,” sabi ni Crisanto.
“Ano iyon?” tanong ni Evita.
Sandaling nag-isip si Crisanto kung itutuloy niya ang kanyang sasabihin. Itinuloy niya, “Magsama tayo, ‘yong pagsasamang walang kasalan, at kasama ang lahat na parang tunay na mag-asawa. Kung magustuhan mo ‘ko ay pakakasal tayo at dadalhin kita sa bansang tirahan ko sa Europa. Kung hindi ay hiwalay at pasensiyahan. Payag ka ba doon?”
Saglit na nag-isip si Evita. Iniisip niya kung ib a siya dahil sa siya ay lumaking makaluma. Ngunit ngayon ay practical na siya. “Oo. Iba na ang panahon ngayon at kailangang practical ka. Kung hindi tayo magkasundo at magkaiba sa maraming mga bagay, maghihiwalay tayo na parang walang nangyari. Pinakamahirap sa buhay ng isang tao, na ang kasama mo sa bahay ay hindi mo kasundo at hindi mo mahal.
“Pero huwag mong asahan na magagawa ko ang magagawa ng isang kaedad mo dahil nga sa edad ko at sa kalagayan ko.”
Natawa si Evita. “Wala sa akin iyon.”
“Pero gagawin ko ang magagawa ko.”
Muling natawa si Evita. “Bahala ka.”
NAGHANAP si Crisanto ng isang pangkaraniwang laking one bedroom apartment bilang kanilang pansamantalang tirahan sa panahong nasa experimental stage pa ang kanilang pagsasama. Nakakita naman siya. Pumirma siya ng one year lease.
Hindi pa malubha ang kalagayan ni Crisanto. Sa tulong ng mga prescription medicines ay nagagawa pa niya ang lahat ng nagagawa ng isang kasinggulang niyang malusog na lalake.
Maligaya rin si Evita sa kanyang bagong buhay. Ang pangungulila nang pagiging ulila at nabubuhay ng mag-isa ay napalitan ng kaligayahan na hindi niya alam kung pangmatagalan.
PITONG BUWAN ng kanilang pagsasama ay nagpasiya si Crisanto na si Evita ang tamang babae para sa kanya, na sosorpresahin niya ito nang hindi inaasahang kasalan, na alam niya na kailangan niyang gawin bago lumala ang kanyang karamdaman.
“Kahit hindi pa tayo kasal ay gusto kong mag tour tayo sa Rome,” isang araw na sila ay naglalakad sa isang tahimik na kalye ay sabi Crisanto.
“Para ano?”
“Para isang munting bahagi ng kabayaran ko sa iyo.”
“Sobra naman yata ito.”
“Sa mga ginawa mo sa akin ay walang kabayaran ang sapat.”
“Ginawa ko lang ang ipinangako ko.”
“Ako naman ang gagawa sa ipinangako ko, na ituturing kitang parang tunay na asawa, at hindi lang asawa, kung hindi iyong minamahal na tunay na asawa.”
“Mahal mo na ‘ko ngayon?”
“Oo. Noon ay hindi dahil hindi pa kita kilala. Ngunit iyang pagmamahal, sa paniniwala ko, ay dumadating ayon sa ugali ng bawat isa, ayon sa mga ginawang kabutihan ng bawat isa sa panahon ng pangangailangan at ayon sa mga pagsubok na dumating, hinarap at nilupig. Isa pa, kahit may kapansanan ako, bilang lalake, ay may mga pangangailangan din ako.”
“Nakamit mo rin iyon, ib a?”
“Oo. Pero pangalawa lang iyon ngayon. Ang mahalaga ngayon ay natagpuan ko rin ang babaeng aking mamahalin habambuhay. Ako, mahal mo rin ba ako?”
“Mahal. Dahil ginantihan mo ng pagmamahal ang mga ginawa ko. May kasabihan tayo, “Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.”
“S’yenga pala. Isasama natin ang best friend ko, si Fernando at ang kanyang Misis.”
“Nasaan sila ngayon?”
“Nasa Switzerland. Nag-usap na kami. Doon sa Rome na tayo magkikita.”
MAY KARUGTONG
Tweet