PRESS RELEASE
Department of Foreign Affairs
2330 Roxas Boulevard, Pasay City, Philippines • Telephone No.(02)834-4000
http://www.dfa.gov.ph • follow us on Twitter @dfaspokesperson
Facebook: Department of Foreign Affairs Republic of the Philippines URL: https://www.facebook.com/dfaphl
PAALAALA
MGA PILIPINO PINAAALAHANANG BAWAL GAMITIN ANG PASAPORTE BILANG KOLATERAL O PANGGARANTIYA SA UTANG
30 April 2015 - Pinaaalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang lahat ng mga Pilipino sa Saudi Arabia na bawal gamitin ang pasaporte bilang kolateral o panggarantiya sa utang.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Foreign Service Circular No. 214-99 na inisyu noong ika-19 ng Agosto 1999, ang pasaporte na ginamit bilang kolateral o panggarantiya para sa isang utang o iba pang obligasyong pinansiyal ay napapawalang-bisa agad sa oras na ini-report ito ng taong pinagkalooban ng pasaporte.
Dahil sa agarang pagkansela, walang silbi ang pasaporte bilang kolateral o panggarantiya.
Dagliang ipag-bigay alam sa Consular Section ng Embahada kung mayroong mga tao, grupo, tindahan o kumpanya na humihingi ng pasaporte bilang kolateral, sa pamamagitan ng pagtawag sa 011 482 3816 o pag-email sa
[email protected]
Binibigyang-diin ng Embahada na ang lahat ng pasaporte ng Pilipinas ay opisyal na dokumento na pagmamay-ari ng Gobyerno ng Pilipinas, at hindi ng taong pinagkalooban nito. Ang pasaporte ay dapat gamitin sa paglalakbay o bilang isang identification document lamang.
Tweet