Selebrasyon ng unang anibersaryo ng RCA isang malaking tagumpay
By Marlon B. Vicente
Riyadh-Saudi Arabia
November 26, 2014
RIYADH: Hindi mawari ang galak at kasiyahan ng pamununan ng RCA (Riyadh Creative Artists Fashion Photography) sa katatapos lamang na selebrasyon ng kanilang unang taon bilang isang grupo ng fashion photography dahil sa mainit na pagtanggap ng lahat ng dumalo at nakidiwang sa grupo na matagumpay na naisakatuparan noong ika-14 ng Nobyemre, dito.
Ang konseptong “fashion runway” mula sa ideya ni Rico Sumadia, Head-Creative Department ay maituturing na kauna-unahang naisagawa dito kung saan siyam na bihasang Pilipino sa larangan ng fashion designing ang nagkaroon ng pambihirang pagkakataon na maisapubliko ang kanilang obra maestra. At ang nasabing palabas ay kinabilangan ng Evening Gown, Wedding Gown at Ethnic/Festival inspired segments na siya naman inirampa ng mga Pilipinong modelo.
Kilala sa pangalang FAB 8 – Rikki Molina, Jhune Mangahas, Jonas Presas, Willie Teoxon, Fred Deladia, Jessie Aguilar, Efren Sismundo, Rodolfo Pablo at Rodrigo Caro, masasabing ang gabi kung saan pormal silang ipinakilala sa publiko ay isang hudyat para sa mas malalim na pagtangkilik sa galing at talento ng mga OFWs (Overseas Filipino Worker) sa mundo ng fashion.
At bilang pagkilala naman sa kanilang pagkamalikhain, ang RCA ay nagbigay parangal para sa Best Designer-Ethnic/Festival na masusing dumaan sa metikolosong panlasa ng mga hurado na kinabilangan nina Ino Florencio (Celebrity Photographer), Jane Econar (Fashion Designer/Stylist), Gerico Canlapan (CEO, Cameraderie International) at Tj Tinio (Event Organizer/Fashion Designer).
Sa huli, tinanghal na Grand Winner si Willie Teoxon na sinundan naman ni Jonas Presas at Jhune Mangahas para sa ikalawa at ikatlong pwesto.
Kabilang rin sa mga modelo na nagbigay-buhay sa obra maestra ng FAB 8 ay sina Keycy Manuel, Marites Gallardo, Ronalie Reyes, Shery Ann Villagracia, Bem Silwani, Cherry Ann Del Pilar, Yen Ryan, Peachy Vales, Annizah Camid, Jones Rosal, Je-art Gozun, John Paul Aleta, Mark Brian Gatdula, Francis Pega, Red Bundallan, Tj Guevarra, Kenneth Gomez at Jhulsan Mhark Dela Cruz.
Bukod sa fashion show at red carpet experience, nagbigay-pansin din ang karagdagang parangal: Face of the Night – Clarisse San Juan-Female at Tj Guevarra-Male at Best Dressed – Jane Econar-Female at Alfredo Bascones, Jr.-Male, na lahat nakatanggap ng plake ng pagkilala.
Ilan din sa mga kalupunan ng mga OFW local performers na nakisaya at nagbigay-aliw sa mga dumalo ay sina Riyadh’s Soul Diva Princess Nadia, BYB Dance Crew at Dance Connexion.
Ang RCA First Year Anniversary Celebration: Fashion Runway sa pamumuno ni Norman Cunanan-President sampu ng bumubuo ng RCA Officers at buong Production Team ay nagtapos ng matiwasay at matagumpay dahil na rin sa tulong at ambag na suporta ng Century Properties, Inc., FAWRI Money Transfer Services, Mobily, Jollibee, Nadzker Hartnett, Alpha Kappa Rho at ishot.
(Marlon B. Vicente, an OFW freelance writer. E-mail at ).
Tweet