29 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY - (Part 5)



Ni Rene Calalang
Scarborough-Canada
December 11, 2016

 
 


IYO’Y isang pagtatanghal na gayong hindi naman sila mga professionals ay kung bakit tinalo pa nila ang mga professionals na nagtanghal noong nagdaang mga gabi. Marahil, naiisip ni Emil na sa pagkanta ay nailalabas nila ang damdamin ng pangungulila, katulad ng isang manunulat sa kanyang pagsulat.

Tapos na ang kanilang pagtatanghal at ang mga nanonood ay tila iisang boses na nagsalita, “MORE!!!… MORE!!!… MORE!!!…”

Ngunit ang kanilang pagtatanghal ay may oras kaya hindi na sila maaring bumalik pa. Bilang pasasalamat sa ligayang dulot, ang mga nanonood ay tila iisang tumayo at binigyan sila nang masaganang palakpakan.

Humupa ang palakpakan. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo ang Kapitan sa gitna ng entablado. Sagisag siya ng kapangyarihan sa suot niyang puting uniporme. Sa punto ng kanyang pananalita at sa pautal, pagaralgal na pagsasalita ay masasabing hindi English ang kanyang Inang Wika. Ngunit ito’y isang pagtitipon ng mga pinagsama-samang mga bakasyunista na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng daigdig, kaya wala siyang pagpipilian kung hindi gamitin ang wikang English.

Tumayo at naglabasan sa auditorium ang mga nasiyahang manonood.

TAPOS na ang kanilang pagtatanghal at balik na naman sila sa kani-kanilang mga gawain. Kanina, sila ay tila mga superstars at celebrities na nagdudulot ng aliw sa mga nanonood, ng tuwa sa mga nalulungkot. Kanina, sila ay ayaw patigilin sa kanilang pagtatanghal. Kanina, ang kanilang mga suot ay kumikinang sa ganda. Kanina, ang mga tao ay nakatunganga sa kanila bilang paghanga at hindi halos makapaniwala sa kanilang ipinakitang mga kakayahan.

Ngunit ngayon ay narito sila, balik na naman sa kani-kanilang mga gawain: nagsisilbi na naman, naglilinis na naman. Sa isang kisapmata, katulad din ng buhay, ang papel na ginagampanan ninuman ay maaring maging isang kabaligtaran.

PAGKATAPOS ng panonood ng palabas ay tuloy na sila sa restaurant para sa kanilang formal dining.

Dito ang nagsisilbi sa kanila ay dalawang Pilipina.

 “Ano nga pala ang pangalan mo?’ tanong ni Mr. Chiu.

“Mercedes ho. Mercedes Borromeo.”

“Ano’ng trabaho mo sa atin?”

“Kami hong apat.” Itinuro ni Mercedes ang apat na kanyang tinutukoy, na ang dalawa ay sa kabilang mesa, “Mga teacher ho kami ng music sa kolehiyo.”

“Saang kolehiyo?”

Sinabi ni Mercedes ang pangalan ng kolehiyo.”

“Kasama ba kayo sa mga nagtanghal?”

“Oho.”

“Ibig mong sabihin, mas gusto pa ninyo dito kaysa magturo.”

“Mas rewarding ho dito, financially.”

“Ang huhusay ninyo. Bakit hindi na lang kayo magtayo nang sariling grupo at mag perform sa atin, baka kumita kayo nang mas malaki.”

“Mahirap ho iyon.”

“Bakit mahirap?”

“Marami hong magagaling sa atin, pero wala ring narating.”

“Bakit naman?”

“Marami ho, niloloko ng manager. Marami rin ho, nasisira ang pamilya.?

“Bakit naman?”

“Dahil ho sa show business, maraming tukso.”

“Dito. Hindi ba kayo nagkakasala?”

“Mayroon din ho. Hindi ho nawawala iyon, dahil tao lang tayo.”

NGAYO’Y nag-iisip si Mr. Chiu. Narito ang lubos na halimbawa ng karunungang nasasayang. Narito ang maraming may pinag-aralan, pinag-aralang dapat sana ay ginagamit sa pagtatayo ng isang bansa upang maging dakila, ngunit
karunungang nasasayang, sapagkat sa bayang kanilang pinanggalingan, ang naghahari ay kaliluhan, na alam niya na isa siya sa mga naging dahilan.

TAPOS na ang kanilang paglalakbay. Nasiyahan silang lahat sa kanilang mga karanasan, sa mga taong kanilang nakilala dahil alam nilang marami sa kanila ay nagmula  sa mga maperang pamilya; marami sa kanila ay may mataas na pinag-aralan; marami sa kanila ay nagmula sa mauunlad na mga bansa, marami sa kanila, sa isang panahon ay sagisag ng kapangyarihan. Ngunit alam nilang sa kabila ng lahat ng mga ito ay katulad din nila sila - ang pagkakaiba lamang ay sa hinubog na ugali at sa kinamulatang kapaligiran.

Nasiyahan din sila sa kanilang mga nasaksihan – sa mga makasaysayang lugar na mga piping saksi nang nagdaang madugong kasaysayan ng daigdig.

NGAYOY nag-iisip si Mr. Chiu. Dumating siya sa Pilipinas na walang dalang puhunan kundi ang pangarap – pangarap na naging katuparan.

Nakapaglakbay siya at nakita ang kaibahan ng mga maunlad sa mga mahirap na bansa, sa pagkakaiba ng ganda ng mga tanawin, sa linis at dumi ng kapaligiran, sa ugali at bisyo ng mga naninirahan at sa kapayapaan ng lugar. Sa paglalakbay, ang mga nasaksihan niya ay mga bulag na saksi upang gumawa siya ng isang paghahambing.

Napunta siya sa Canada ng dahil kay Emil. Sa Canada ay nagkaroon siya ng isang maliit, ngunit matagumpay na negosyo – negosyo na wala siyang pagpipilian kundi sumunod sa mga patakaran at magbayad nang tamang buwis –mga bagay na hindi niya ginawa sa Pilipinas.

Nakita niya sa Singapore ang pagkakaroon ng mga taong kusang loob na sumusunod sa mga batas, ng pamahalaang mahigpit na nagpapatupad ng mga batas.

Nakita niya ang ayos nito, ang linis at ganda, ng ligaya ng mga tao dahil alam nila na ligtas sila sa ano mang kapahamakan.

Nakita niya sa Barcelona ang isang modelong lunsod, na dapat sana sa kanyang paniniwala ay ganoon din ang ibang lunsod sa Pilipinas.

“Napansin ko na walang Hapon o taga Singapore sa barkong iyon, na gayong katulad din natin sila na ang bansa ay isla at sa maraming mga bagay ay magkakatulad,” sabi ni Mr. Chiu kay Emil.

“Iba ho ang pag-iisip ng mga tao roon at iba ang pamamahala ng pamahalaan.”

IPINASIYA ni Mr. Chiu na magbago na.

IBINENTA niya ang kanyang negosyo upang puhunanin ang pera sa muling pagbubukas ng kanyang Machine Shop, na sa muling paglakas ng ekonomiya, siya ay hinihikayat ng kanyang mga dating kakilala na muling buksan.

IPINASIYA niyang ang panahong ito ay iba. Nagbago siya dahil sa kanyang mga nasaksihan. Nangako siya sa kanyang sarili na susunod na siya sa mga batas at patakaran ng Pilipinas, na noon, dahil sa kanyang pagiging racist at kawalang paggalang sa bansa, ay hindi niya sinunod. Pero ngayon, dahil sa kanyang paglalakbay, ay alam niya, na mga bagay na dapat sana ay hindi niya ginawa.

Sinabi niya kina Emil at Carol ang kanyang binabalak.

“Ako, uuwi na. Masyadong malamig dito.”

“Ano’ng gagawin ninyo doon, Papa?”

“Bubuksan ko uli ang negosyo ko.”

“Ano’ng negosyo, Papa?”

“Tulad din ng dati, Machine Sshop. Pero pamamahala ko, magiging iba.”

“Ano’ng kaibahan, Papa,” tanong ni Emil.

“Magbabayad na ako ng tax.”

“Hindi kayo nagbabayad ng tax noon Papa.”

“Hindi. Naglalagay lang ako.”

“Sinong nilalagyan ninyo?”

“Lahat sila. Pulis at saka gobyerno. Pero ngayon ay magbabayad na ako ng tax, at saka ang mga empleyado, babayaran ko na ng tama.”

“Di may utang pala kayo sa akin.”

Tawanan sila.

SA PAGLALAKBAY ay natuwid ang baluktot na isipan ni Mr. Chiu. Nagising siya sa katotohanan na ang ikauunlad ng bansa ay nasa pagtupad sa tungkulin ng bawat nilalang.




Ang mga nakaraang yugto:
·        DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY - (Part 4)
·        DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY - (Part 3)
·        DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY - (Part 2)
·        DAHIL SA ISANG PAGLALAKBAY (Part 1)

    MoreAPCO Officers attends lecture on "What the ASEAN Economic Community (AEC) means for the Philippines."
    Richard J Ford

    On the 3rd August Community Leaders and the Philippine Press were invited to a lecture given by Dr. Sandra Seno-Alday, Lecturer, International Business School, University of Sydney Business School and  Executive Member, Sydney Southeast Asia Centre (SSEAC) entitled, "What the ASEAN Economic Community (AEC) means for the Philippines."...
    MorePinoy’s Tabo culture
    Willie Jose

    When we think about our Filipino culture, many things come to mind: Bahay Kubo, Tinikling, Kundiman, Kalesa, Jeepneys, Singkil, Fiesta, Parol, Baro’t Saya, Barong Tagalog, Balikbayan Box-- and the handy Tabo....
     
    MoreKnights of Columbus KC # 9144 Prince of Peace Pilgrimage to Fatima, Lewiston, N.Y.
    Jojo Taduran

    Lewiston-NY-July 29, 2017: The  Prince of Peace Knights of Columbus KC # 9144 brought 150 parishioners to a Pilgrimage to...
    MorePIDC SLATES MABUHAY PHILIPPINES FESTIVAL & PARADE and PHILIPPINE TAPESTRY FASHION SHOW
    Tony A. San Juan

    Big, Bold and  Beautiful !  Inspiring and aspiring words aptly describing the upcoming Filipino Canadian community's premier cultural events in...
    MoreMrs Visayas Coronation Charity Ball shows why Mothers are Special
    Richard J Ford

    This year’s Mrs Visayas Coronation Charity Ball was held at the Marconi Club in Bossley Park on the 22nd July...
    MoreKnights of Columbus KC # 9144 Prince of Peace Pilgrimage to Fatima, Lewiston, N.Y.
    Jojo Taduran

    Lewiston-NY-July 29, 2017: The  Prince of Peace Knights of Columbus KC # 9144 brought 150 parishioners to a Pilgrimage to...
    MorePIDC SLATES MABUHAY PHILIPPINES FESTIVAL & PARADE and PHILIPPINE TAPESTRY FASHION SHOW
    Tony A. San Juan

    Big, Bold and  Beautiful !  Inspiring and aspiring words aptly describing the upcoming Filipino Canadian community's premier cultural events in...
    MoreAPCO Inc. helps support Club Marconi’s 59th Anniversary
    Richard J Ford

    On the Monday 7th August 2017 Club Marconi celebrated its 59th Birthday Celebration, on that night APCO Inc. (Alliance of...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.