28 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
The Saudi Experience

Tinaguriang shooting master Allan Caidic dumating sa Riyadh



Ni Marlon B. Vicente
Riyadh-Saudi Arabia
December 8, 2016

 
 


RIYADH: Hindi maikakaila ang lalim ng pagmamahal ng mga Pinoy sa larong basketball. Maituturing itong numero uno sa larangan ng isports. Nagbibigay ito ng malaking inspirasyon sa bawat manlalarong nagnanais magtagumpay sa larangang ito. Ika nga nila, basketball ang buhay ng mga Pinoy lalo na sa mga kalalakihan.

At bilang tugon sa pagbibigay-katuparan sa isa sa mga aktibidades ng White Camel Youth Basketball Camp sa Riyadh, pinagkalooban sila ng pagkakataon na madala dito ang tinaguriang ‘Shooting Master’ sa kasaysayan ng PBA (Philippine Basketball Association) sa katauhan ni Allan Caidic. Ito ay para sa tatlong araw na “Allan Caidic Shooting Camp” na inorganisa ng WCYBC.

Binansagang “The Triggerman,” hawak pa rin ni Caidic ang record sa kasaysayan ng PBA na may pinakamalaking score sa isang laro (79 points) at may pinakamaraming 3-point scores (17), na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakakapantay. Bukod dito, isa siya sa mga itinuturing na “The Legends” ng PBA.

Sa kaniyang pagdating sa Riyadh, nagbigay ng isang welcome lunch ang isa sa mga 7 stars hotel sa buong mundo na nakabase sa Riyadh, ang The Ritz-Carlton Hotel Riyadh sa kanilang pamosong Al Orjouan Restaurant. Malaking pasalamat naman ng pamunuan ng hotel, sa inisyatibo ng mga Filipino staff dito para sa pagkakataon na mabisita ang kanilang hotel at restaurant ng isa sa mga kilalang personalidad sa Pilipinas.  

Ginanap naman ang meet-and-greet noong araw din iyon, ika-11 ng November 2016 sa Lulu Hypermarket Murabah. Isang patunay lamang ito sa angkin karisma at hatak ni Caidic sa mga tao dahil sa pagdagsa ng kanyang mga fans na nasa edad 35-45 years old isama pa ang mga batang naka enroll sa basketball camp. Pagkatapos ay naganap naman ang isang press conference sa 3rd floor kung saan dinaluhan ito ng mga local media members sa Riyadh – Arab News/Pinoy Xtra, Munting Nayon, TFC Balitang Global at The Pink Tarha.

Ang mga exhibition games, competitions among the enrollees at trainings ay isinagawa mula November 11-13, 2016 sa RKH Skydome.

Isang malaking tagumpay ang pagbisita ni Allan Caidic higi’t lalo ang iniwan nitong aral na natutunan ng mga bata sa larangan ng isports na basketbol. At dahil dito, inaasahan ang muling pagbabalik ni Caidic kasama ang iba pang mga tinaguriang mga ‘The Legends.’

Para sa mga nagnanaiis na mag enroll sa youth basketball camp, mangyari lamang na bisithin ang kanilang website: http://whitecamel-ybc.com, email: info@ybc.com o tumawag sa numerong +966568818682 / +966502650166 / +966580379223.
(Marlon B. Vicente, an OFW freelance writer and event host. E-mail at m.vicente21@yahoo.com).


    MoreNominations for AABF business excellence awards open
    Evelyn A. Opilas

    The business excellence awards of the Australian Asian Business Federation are officially open, with theme focussing on ‘Unveiling the Best Practices in Business’.
     ...
    MoreAPSL to hold flag raising rites in Blacktown
    Evelyn A. Opilas

    The Australia Philippines Services League will hold its annual flag raising rites 11 a.m. Saturday 10 June at The Village Green, Bowman Hall grounds, Campbell Street, Blacktown, marking 119 years of Philippine independence....
     
    MoreLittle Miss Philippines Canada 2017 Pre-Pageant
    Fe Taduran

    TORONTO, ONTARIO, CANADA - The Little Miss Philippines Canada 2017 candidates of the Philippine Canadian Charitable Foundation (PCCF) showcased their...
    MoreCAMARINES NORTE 3rd Launching International Fascination Plants Day –May 17-19, 2017
    Cecilia Zabala Pedir

    DIGITAL PHOTO CONTEST
            We believed in one way or another an essential component in molding  farmers of...
    MorePinoy community leaders attend Tamil Sydney Chitirai Festival
    Richard J. Ford

    Rosehill Racecourse in Parramatta was transformed into a very colourful and vibrant place for the annual celebration of Sydney Chitirai...
    MoreThe Amores couple invitation to Israel’s 69th Independence Day
    Richard J. Ford

    To celebrate the 69th anniversary of Israel’s independence, the Jewish Board of Deputies invited community leader couple, Dr Cen and...
    MoreAPCO, Kapit-bahayan and ASCON at Affordable Housing Assembly
    Richard J. Ford

    Affordable housing is one of the hottest issues that affect thousands of marginalised households in Australia today. This became the...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.