MUNTING NAYON
32 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Jul 31 2020
MUNTING NAYON
32 years
of
Community Service
News and Views
of the
Filipino Community Worldwide
Munting Nayon (MN), an online magazine, is home to stories and news about our Filipino compatriots scattered around the world.
MN is operated by Eddie Flores.
Last Update: Fri Jul 31 2020
MUNTING NAYON
32 years of Community Service
×
KASABIHANG FILIPINO SERIES NO. 6

ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA, MAHIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA, KAYA ANG MARAPAT PAGYAMANING KUSA, NA TULAD SA INANG TUNAY NA NAGPALA


By Sinulat ni: Ven Del Pilar Faundo, KCR
Hagonoy, Bulacan, Philippines
Toronto, Ontario, Canada

Fri 22nd July 2011




Ito ay bahagi o taludtod ng tulang may pamagat na " Sa Aking Mga Kababata " na kinatha ni Rizal noong siya's walong taong gulang pa lamang. Ito ay naging bukang-bibig na bawat tunay na Filipino at naging kasabihan na nga. Natatandaan ko pa noong ako'y nasa mababang paaralan ay nakatambad ang kasabihang ito sa bawat silid paaralan. Naukilkil sa mura kong isipan ay ng maraming batang kamag-aral ko ang kasabihang ito.

Sinulat ni Rizal na ang pag-ibig sa wikang katutubo ay ang tanikalang naguugnay sa bayang sinilangan. Ginamit niya ang isang isda na nakikita sa malapi na kapaligiran bilang halimbawa na tulad sa isangparabula. Ang isang isda ay lumalangoy sa tubig na kanyang natural na kapaligiran at kapag ito'y nawala sa tubig, ito'y ma-mamatay at magiging malansa.

Ang isang taong hindi marunong magmahal sa kanyang sariling wika ay nabubuhay sa isang mundong hindi kanya at sa kalauunan ang kanyang kaisipang Filipino ay manlulupaypay.

Mayroong akong nadinig na kuento tungkol sa isang balikbayan na galing sa Amerika na nagpasyal sa palaisdaan. Medyo may kayabangan itong balikbayan na ito na ingles ng ingles na parang nakalimutan na ang kina-gisnan niyang wika.. Medyo inis na rin ang kanyang mga kababata ngunit umaasa pa rin na magsasalita ng Tagalog ang kanilang kaibigan.

Ngunit talagang wala. Hindi pa rin humihinto na kaeenglish.

Iyong ordinaryong tiningkal ng lupa sa pilapil, ang tawag ay anglisais na tininyingkal. Ipinanghuli nila ng alimango na amerikano-amerikanuhan na tatawagin nating George na lumaking Jorge o Hure. Sa katuwaan ni George ay sinundot niya ang alimango. Ngunit sa kasamaang palad ay nakahulagpos pala ang sipit ng alimango. Nasipit si George at biglang sumigaw ng" aray ku po, nanay ku po ". Ang mga kaibigan niya sa halip na maawa ay bumunghalit ng tawanan. Ay ayon pala, marunong pa palang magtagalog.

Ang nais ng kasabihang ito ay gamitin ang ating sariling wika kapag may pagkakataon upang masanay ang ating diwa at dila sa pagiging sa pagiging Filipino.

Hindi naman ibig sabihin na huwag gagamit ng wikang banyaga kung kinakailangan lalo na ngayon sa makabagong panahon.

Kung si Rizal nga ay gumamit ng kastila sa kanyan mga kinathang nobela, tula, sanaysayat mga sulat. Ang kastila ay ginamit niya upang ipakilala sa mga Kastila na kaya ng isang indiyo tulad niya na talunin sila sa kanilang wika. Nanguna siya sa timpalak ng Liceo Artistico de Manilasa kanyang dramang " Consejo De Los Dioses " ( Kapulngan ng Mga Bathala ). Sa mga pagtuligsa niya sa mga kastila sa lathalaing La Solidaridad, sa kanyang nobelang Noli at Fili, ay kastila ang kanyang ginamit upang lubos na maintindihan at maunawaan ng mga kastila ang nais niyangparatingin.

Sumagi sa aking isipan at sa inyo rin marahil bakit hindi Tagalog ang ginamit ni Rizal sa pagkatha ng " Mi Ultimo Adios ". Sa aking sapantaha at paniniwala
sa kanyang huling mga oras sa bilangguan, tiniyak niya na hindi siya paghihinalaang gumagawa ng subversibong sulat kung ito' maymahuli o masabat ng mga kastilang guardia sibil . Ito ay sa kastila at maiintindihan ng mga guardia na ito ay ultimo adios lamang na nagpapahayag ng kanyang pamamaalam at pahimakas sa kanyang inang bayan.

Si Rizal ay bihasa sa ibang banyagang wika hindi lamang sa kastila, kundi sa Aleman, Englis, Latin , at maraming pang iba. Isa siyang polyglot ngunit mahal niya ang ating sariling wika. Ginagamit niya ito sa maraming pagkakataon tulad ng kanyang sulat na paghanga at pagpapayosa mga kababaihan ng Malolos at sa kanyang mensaheng paalaala at pagmamahal sa kanyang mga kapatid na babae. Ginamit niya ang kanyang talento sa lenguahe upang sumikat ang bayang
Filipinas sa harap ng ibang lahi.

Mahal niya ang ating sariling wika higit sa lahat ng wika. Gayundin ang kanyang nais para sa bawat Filipino.
Tweet

MN