Niño (Jeric) Dimalibot, Tinanghal na Mukha ng Pinoy - Jeddah 2015
By J. Nava Cruz
Jeddah-Saudi Arabia
November 24, 2014
Tinanghal na bagong ‘Mukha ng Pinoy 2015’ si Niño (Jeric) Dimalibot, 27 anyos, tubong Mindoro sa ginawang patimpalak kamakailan sa Reem Riviera Resort sa Jeddah sa ilalim ng taunang ‘Pasiklabang sa Gitnang Silangan’ at sa pagtataguyod ng Mukha ng Pinoy – Jeddah sa pamumuno ni Jhun Layos Lalican, Jeddah Mukha ng Pinoy Chairman, Cesar Santos, Pangulo at CJ Paul Roxas, Mukha Stage Director.
Samantala, naging 1
st Runner-up Mukha ng Pinoy 2015 si Christian Cannu, 24, tubong Cavite at 2
nd Runner-up Mukha ng Pinoy 2015 si Romeo Gamboa, 26, tubong Pampanga. Ang buong talaan ng labing-dalawang napiling mapalad na kalahok na kumatawan sa mga buwan ng Taong 2015 para sa Kalendaryong Pilipino, kasama ang tatlong nagwagi, ay kinabibilangan nina: Mark Anthony Medina, Enero; Jay Dizon, Pebrero; Jurald Ang, Marso; Kenneth Yutuc, Abril; Christian Cannu, Mayo (1
st Runner-up); Romeo Gamboa, Hunyo (2
nd Runner-up); Ron Recana, Hulyo; Mark Anthony Lidasan, Agosto; Mark Joseph Meneses, Setyembre; Christian Nuguid, Oktubre; Pat George Santos, Nobyembre at Niño (Jeric) Dimalibot, Disyembre (Mukha ng Pinoy 2015).
Maliban sa title trophy at sash, napanalunan din ni Dimalibot ang Saudi Riyals 2,000 at isang Roberto Cavalli wrist watch. Natanggap naman ni Cannu ang halagang Saudi Riyals 1,500 at Guess wrist watch samantalang si Gamboa ay nagkamit ng Saudi Riyals 1,000 at Guess wrist watch. Dagdag na regalo sa tatlong nanalo ay perfumes mula sa Gazzaz, H-care membership at 12 iba-ibang gift packs mula sa 12 tagapag-taguyod (main sponsors). Tumanggap din ang lahat ng iba pang kalahok [non-winners] ng 12 ibat ibang gift packs mula sa mga sponsors at cash vouchers worth Saudi Riyals 200 mula sa City Max.
Kasama sa dumalo ang ilang piling Filipino personalities mula sa Riyadh at Jeddah na nagsilbing lupon ng inampalan (board of judges) na kinabibilangan nina: Alice Capua, Donna Diamond Grace, Art Vitug, Rommel Tribiana, Jerrison Pasamonte, Joseph Rex, Lunnel Solito, R-Jay Sedico at J. Nava Cruz.
Naging pangunahing tagapagtaguyod (main sponsors) nang naturang patimpalak ang City Max, Citi Spa by Rommel Tribiana, The Filipino Stars of Jeddah, Diamond Grace Ageloc of Diamond Grace, Ms. Alice Capua, Mr. Jessie Osabel, Mr. Gary Belamino, H-care & Spa, Jollibee Jeddah, Artistique Saloon by Roselle Maniego, Art’s Cuisine of Art Vitug, Ms. Amalyn Valle, Mr. John William Jones, Mr. Angelo Cao at Mr. Jerrison Pasamonte.
Ang ‘Mukha ng Pinoy’ ay isang orihinal na palabas o debuhong pang-entablado na sinulat ni J. Nava Cruz, isang OFW, freelance writer at published book author sa Pilipinas sa bakuran ng Pinoy Sining (The Filipinos for Arts & Culture) bitbit ang Philippine copyright and attestation of Year 2010 mula sa National Library at National Commission for Culture and the Arts of the Republic of the Philippines na nagtatampok sa kagandahan ng Pambasang Wika ng Pilipinas: ang Filipino, kasabay sa pagbibigay-pugay sa ibat-ibang anyo ng mga Makabagong Pilipino at kagandahan at kayamanan ng kultura, sining at tradisyong Pilipino.
-
[J. Nava Cruz, an OFW, is a freelance writer/documentarist and a published book author in the Philippines. Right now, he’s wrapping-up his very first suspense-thriller novel: See Me @ :06 a.m. for publication in August/September of 2015].
Tweet